Special Update 14: Anniversary Special

15.1K 203 40
                                    

Eto na po siguro ang last update ko.. for now. I'll focus po kasi sa Disguised Princess e. Pasensha po kung mej korni ituu. Hehehe. Sana naman po nakabawi na ako sa pangbibitin ko nung last? Hehehehe 

Dedicated: @babyPadilla 

Promote: Please read her story 'You Changed My Life' (-> Click on the external link.) Sabay sabay po nating basahin ang story niya. I know she is a good author cause I've read one of her one shot story, so let's support her. :)

xxx

Gino's POV







Friday na. At ang misis ko, tulog na tulog pa. Buti nga e, para magawa namin yung plano ko. Ano yung plano ko? Sikretong malupit. Lol.







Dejoke lang. Tapos na talaga yung plano ko. Kahapon pa lang. Pero busy ako ngayon...







Busy kakatitig sa misis ko.







Cheezy much, ika nga ng mga kabataan ngayon. E anong magagawa ko? In love ako e. Wag kayong mag-ew diyan dahil pag kayo nainlove, mas korni pa kayo sakin.







"Mrs. Maria Mikaela Dela Rosa." sabi ko at napangiti. Bwaha! Ang bading mo Gino!







At dahil hindi ko mapigilan, ninakawan ko siya ng halik. Sshh lang kayo! Bwahahaha

Bigla siyang gumalaw at tumalikod sakin. Hmp. Kita mo 'to. Anniversary namin e. Hay, hayaan na nga.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Lumabas ako saglit para kuhanin sa pinakamalapit na flowershop yung flowers na pinaayos ko kahapon. 

"Ah ser, eto na po yung flowers na ipinaayos niyo kahapon." sabi nung ale sabay abot sakin nung bulaklak. 

Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko, "Eto ho nay." sabi ko sabay abot ng pera.

"Nako. Salamat hijo. Sobra naman ito.." 

"Ayos lang ho." sabi ko at ngumiti. "Sige ho, una na ho ako." tumango lang naman si nanay.

Agad agad akong bumalik sa hotel at sa kwarto namin. Dahan dahan kong inilapag yung bulaklak sa tabi Mikay at agad ding lumabas bago pa siya magising.

Mikay's POV

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now