Chapter 24: Epal

30.7K 272 46
                                    

Dedicated to: MoodyAuthor

I agree. 'KUNG' hindi man sila magkatuluyan, dapat isupport pa din natin sila, kahit sobrang sakit. Bwhahaha! JOKE. Basta dapat support pa din till the end!

Enjoy :3

-------------------------------------------------------------

Gino's POV

Nakakainis talaga! 

Alam ko naman na walang something dito sa dalawa, at lalong-lalo na alam kong AKIN na or should I say, AKIN LANG si Mikay, pero hindi ko talaga mapigilang magselos eh.

Magselos!? 

Bat nga ba ako magseselos sa ugok na to!? 

Ahhh! Gino Dela Rosa! 

"Gino babe. Okay ka lang jan?" napalingon naman ako kay Mikay at ngumiti na lang ng pilit.

"Oo. Okay lang ako. Teka ha." pumunta ako sa kusina at doon umupo kasama si Mikki.

Oo, nakauwi na si Mikki. Sinundo nga kasi ng ugok na yun.

Oo nga pala, ang tanong sa isip niyo, 'GINO!? SINO BA YANG UGOK NA YAN!?'

Sino pa ba!? Edi si..

JAO.

Oo. Ewan ko nga bat pa umuwi yan dito eh. At ewan ko din kung bakit ako nagseselos ng ganito. 

Bakit nga ba?

Kasi mas matagal silang magkakilala..

Kasi mas alam nung ugok na yun ang mga gusto ni Mikay..

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now