SIMULA

165 4 1
                                    

“Good Morning, Ma'am.” tinanguan ko lang ang bumabati sa akin. Ma'am parin ang tawag ng mga trainees sa'kin kahit secretary lang ako sa kompanyang ito. Kahit saang department ay ganon ang tawag sakin kaya sanay na‘ko.

Pagkarating ko sa office ay chineck ko muna kung nandon naba si boss, pagpihit ko ng doorknob ay nakita ko ang boss ko na busy sa harap ng laptop niya.

“Morning boss.” Bati ko at dumiretso sa lamesa ko. May mga nakatambak ng mga papeles doon kung saan kailangan ko namang gawin buong araw.

“Tiana, coffee please.” Utos nito sakin, tumango ako at agad umalis para gawan siya ng kape. Siya lang ang tumatawag sa'kin na Tiana. Mabait ang boss ko, pero babaero. Apat na taon na akong nagtatrabaho sa kanya. Naging magkaibigan kami sa mga nakalipas na taon.

Bumalik nako sa office habang bitbit ang kape niya. “Boss,” tawag ko sakanya. Tinanggap niya naman ang binigay ko.

“Nga pala Tian, mamaya may meeting ako. I need you to be there okay? You need to take down notes about sa agenda ng meeting mga 10:30 pa naman yun.” Mahabang sambit niya ay sumulyap sakin.

“Osige, sabi mo ei.” Sagot ko at nagtrabaho na.

Hindi ko na namalayan ang oras, 10:20 na pala masyado akong nakafocus  sa trabaho. Nagligpit nako ng mga gamit at kinuha ang mga kailangan ko sa meeting, ganon din ang ginawa ni Kairo–boss ko.

Nauna nang lumabas si Kairo at sumunod naman ako. Bigla nalang siyang tumigil nong nasa harap na kami ng elevator nabunggo tuloy ako sa likod niya.

“Aray naman, Kai. Masakit.” reklamo ko habang nakahawak sa noo ko. Tinawanan niya lang ako sa mga reklamo ko. Kung hindi lang office hours minura ko na siya ng ilang beses. Ang sakit ha.

Pagbukas ng elevator ay pumasok na kami pababa ng 4th floor. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, hindi naman ako bago sa ganito pero bakit ganito nalang ang kaba ko? Tss praning lang ata ako.

Binuksan ko na ang pinto ng conference room at pinaunang pumasok sa loob si Kairo, tumingin muna siya sakin ng nang-aasar kaya inirapan ko siya, narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Bwesit talaga ang lalaking yun ang hilig akong asarin. Sumunod naman ako papasok at tumabi kay Kairo na nakaupo sa gitna.

Nasa kalagitnaan kami ng meeting na iyon ay bigla nalang nagbukas ang pinto. Napatalon pa ako at napalunok sa nakita. Hindi pwede, ayoko siyang makita nanginginig ang kamay ko‘ng may hawak ng notebook at ballpen. Nagtama ang mga mata namin, bakas sa mga mata niya ang gulat pero agad din iyon nawala at napalitan ng walang emosyong mga mata.

“Hoy, ayos kalang? Namumutla ka.” bulong sakin ni Kairo. Nakatayo na pala siya sa gilid ko. Bumaling ako sakanya at tumango.

“Sorry, I'm late.” malamig na sabi ni Arth na pumutol sa pagtitinginan namin ni Kairo. Hindi ako bumaling sakanya kahit alam kong nakatingin sakin ang matatalim niyang mata. Natatakot ako pero hindi ko pwedeng ipakita sakanya na natatakot ako. Ilang taon akong namuhay sa takot dahil sakanya.

“It's okay, now continue. ” saad ni Kairo. Napahinga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Bumaling ulit ako kay Arth at nahuli ko itong nakatingin sakin. Parang kanina niya pa hinihintay ang mga mata ko na dumapo sakanya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong napapikit habang bumabalik ang mga masasakit na alala na pilit kong binaon sa nakalipas na limang taon.

Napabagsak ako sa sahig habang sapo ang pisnge ko dahil sa sampal na natanggap ko sa asawa ko. Wala akong magawa kundi umiyak, gusto kong lumaban pero di ko kaya.

Taste My Vengeance Where stories live. Discover now