7

40 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa haplos na nararamdaman ko sa pisnge ko, minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang mukha ni Arth na nakangiti at malapit sa'kin, ilang hibla nalang ang magkalapat na ang labi namin. Napakurap-kurap ako sa gulat dahil sa presensya niya, kapagkuwan ay marahan ko siyang tinulak para mailayo siya sa'kin, nawala naman ang ngiti niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin yun at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ko galing sa paghilamos ay nadatnan ko siya na nakaupo sa kama at tulala. Bakit hindi pa lumabas ang hayop na'to?

“Bakit ka nandito? ” malamig na sabi ko, mabilis siyang napabaling sakin, at 'yun na naman ang mukha niya na walang emosyon.

“Sinigurado lang kung nandito ka na ba talaga.” kibit-balikat niyang saad at agad tumayo at lumakad malapit sa pinto, mukhang lalabas na siya dahil nakita na niyang nandito naman talaga ako.

“Before I forgot, don't you dare do any stupid things here, tandaan mo hawak ko ang anak mo.” Yun lang ang sinabi niya at lumabas na. Napairap naman ako at nagligpit ng mga gamit na hindi ko natapos kahapon.

Ay shuta! Si Kairo!

Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko at natagpuan ko ito sa ilalim ng unan ko. Pagka-on ko nito ay sunod-sunod na text ni Kairo ang pumasok. Whoaa, first time to ah.

(4 unread message)

Boss

Tiana, stick with the plan. Don't let that bastard win this game.

Boss

Pinakalat ko na ang mga tauhan ko para makakalap ng impormasyon sa gago mong asawa.

Boss

What the fvck, Tiana. Reply  to my message!

Boss

I got the lead, Tian. Meet me in restaurant nearby in my company. 3pm.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa huling nabasa. Shit! Tiningnan ko ang oras at mag o-one pm palang. Nagitla ako dahil sa katok sa pinto. Agad kong tinago ang cellphone ko dahil baka makita ito ni Arth.

“Bukas yan!” malakas na sabi ko para marinig sa lakas.

“Nak, tawag ka ni Sir Arth, kakain na daw.” nakangiting sabi ni Manang Flor sakin. Ngumiti nalang 'din ako pabalik at tumango, pagkalabas niya ay nauwi sa ngiwi ang ngiti ko.

Hayy, saan ba nakuha nang kakapalan ng mukha ang lalaking 'yun.

Sinigurado ko muna na hindi makikita ni Arth ang cellphone ko sa pinagtataguan nito bago lumabas sa kwarto at tumungo sa hapag.


Naabutan ko si Arth do'n na nakaupo sa kabisera at parang may hinihintay. Umupo ako na malayo sakanya, napatingin siya sakin dahil sa pagtunog ng upuan pagkaupo ko. .

“Let's eat.” Aniya at kumain na, hindi ako kumibo habang kumakain kami, hindi naman ata require na mag-usap kami habang kumakain. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin, halos lahat ng katulong dito ay nakatayo lang malapit sa hapag at ramdam ang tensyon. Napatigil ako sa pagkain nang bigla siyang nagsalita.

“Irish, I want you to stay in this house, mag resign ka na sa pinagtatrabahuan mo at ayaw kong may bibisita sayo rito sa bahay nang  hindi ko nalalaman. Understand?” Mahabang litanya niya at tumingin sakin, hinihintay ang sagot ko.

“As if I have a choice.” malamig na sagot ko at umirap. Tumalim ang tingin niya sakin dahil sa sinagot ko, pero wala akong pake, letche siya masyadong disesyon sa buhay ko.

Nawala ang matalim niyang tingin sakin dahil biglang tumunog ang cellphone niya.

“Manang, I gotta go, may emergency sa opisina.” Nagmamadaling sambit nito at dali-daling umalis, hindi man lang hinintay ang sagot ni Manang.

Tumingin ulit ako sa orasan at nakita kong 2:30 na, napabuga ako ng marahas na hangin. Kailangan kong makaisip ng paraan para makaalis dito.

“Manang pwede pasuyo, please?” nag puppy eyes pa ako para lang makuha ang hihilingin ko.

“Ano iyon, iha? May kailangan ka ba?”

“Manang pwede ba akong lumabas saglit? Babalik 'rin po ako agad may bibilhin lang po ako sa labas.” Agad siyang umiling dahil sa sinabi ko. Napakuyom ako ng kamao, expected na na ganito ang isasagot niya lalo na't binilin kanina ni Arth.

“Ma'am alam mo naman po na bilin ni Sir Arth na 'wag kang palabasin 'di ba?” nag-aalalang sabi nito sakin.

“Nang, mabilis lang po ako promise, babalik ako agad. Hindi 'to malalaman ni Arth pangako.” desperadang saad ko.

Nakailang pagmamakaawa pa ako bago niya ako payagan.

“Salamat Manang, pangako po babalik ako agad. Hindi 'to malalaman ni Arth.” nagmamadaling sabi ko bago ako pumanhik sa taas para magbihis.

Habang papunta ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Kairo ay hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung good news ba or bad news ang sasabihin niya sakin, pero kailangan handa ako sa sasabihin niya.

Pagkababa ko nang taxi ay pumasok na agad ako sa restaurant para hanapin siya, ang alam ko sa kaibigan niya ang restau na 'to. Kaya minsan libre ang kain namin dito, naging mag kaibigan narin naman kami ng mga kaibigan niya.

Nang makita ko siya ay agad akong pumunta sakanya at umupo sa harapan niya.

“Tagal mo ah, 'kala mo naman gold para maghintay ako nang limang minuto.” bungad niya sakin pagkaupo ko.

“Wow, ikaw kaya ang magdahilan doon para makapunta dito, ano?” pairap kong saad sakanya at nilantakan ang spaghetti na inorder niya, mukhang para sakin naman iyon dahil hindi naman siya umangal.

“Mabulunan ka sana,” bulong niya pero hindi ko na pinansin dahil masyado akong busy sa pagkain.

Nang maubos ko ang spaghetti ay uminom ako ng tubig at umayos nang upo.

“Ano na ang nakalap mo tungkol sa gagong 'yun?” seryosong tanong ko.

Nilapag niya lahat sa harapan ko ang mga folder na hindi ko alam kung ano ang laman.

“Marami akong sasabihin. First, sabi nang tauhan ko may record daw si Arth na mag pina-ampon siyang bata noon, hindi ko alam kung 'yun ang hinahanap mo or hindi kinukuha pa namin ang impormasyon ng bata. Second, your asshole husband has so many skeleton in his closet, and guess what, may kaso siyang rape pero hindi siya nakulong dahil nga marami siyang pera.” I clenched my fist to stop myself to hurt that guy. Ang hayop talaga niya. Every time na nakikita ko siya nanggigigil ako at  gusto ko siyang sakalin hanggang mawalan siya ng hininga.

“Ano pa? May mga illegal ba siyang ginagawa bukod diyan?”

“Hmm, yes, I also found out that he's using drugs and selling it on minors. And also remember 'yung may namatay na buong pamilya na sabi nila na ambush daw? Nope, inutos 'yun  nang asawa mo, nalaman kasi nang padre de pamilya nila ang illegal na gawain ni Arth at balak magsumbong.”  napa-iling ito habang sinasabi ang mga kawalang-hiyaan ni Arth. Halos hindi ko na masikmura ang nga pinanggagawa niya.

“So, alin ang uunahin natin? Ang pabagsakin siya? O kilalanin ang batang pina ampon niya?” basag niya sa katahimikan sa pagitan namin.

“Kilalanin muna ang bata, ako na bahala sa mga illegal na gawain niya, unti-unti ko siyang hihilahin pababa, wala akong ititira sakanya.” mariing sambit ko.

“Take care of yourself, okay? Tanga kapa naman, and also update me everytime para alam ko rin ang galaw niya, baka ibalik satin ang mga gagawin natin.” tumango ako sakanya bago nagpaalam na umalis, hindi ako pwedeng magtagal doon dahil alam kung magagalit si Arth kapag nalaman niya na umalis ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste My Vengeance Where stories live. Discover now