2

59 1 0
                                    

A/N: Flashback po ito ng nangyari sa kanila ni Arth at Irish kung bakit sila umabot sa sakitan at sapilitang pagpapakasal. Happy Reading!

Nakaupo ako sa waiting shed habang hinihintay si Arth, sabi kasi niya sa text kanina hintayin ko lang siya dito pagkatapos ng klase ko.

Actually kanina pa ako dito mag t-two hours na, tinext ko nadin siya na naghihintay na ako dito two hours ago pero wala siyang reply.

“Hey, love, sorry ngayon lang, may emergency kasi.” Nagmamadaling sabi ni Arth habang papalapit sakin. Ngumiti lang ako sakanya hindi alintana ang pagdududa.

Simula noon palagi nalang siyang busy, sa bawat araw na nagdaan palaging emergency kaya wala akong magawa kundi intindihin siya, syempre may hinahandle siyang company na soon ay siya na mismo ang magmamay-ari non. Kaya ito ako, umiintindi sa pagiging busy niya.

Pero hindi ngayong araw dahil kitang kita mismo ng dalawang mata ko ang panloloko niya.

Pagpasok ko palang sa restaurant na pagmamay-ari ng magulang ng kaibigan ko ay sa kanila agad dumapo ang mga mata ko. Ang saya nila, nagsusubuan pa. Ampota sana mabulunan kayo.

Hindi ko na kinaya ang nakita ko, kaya umalis ako don at sa bahay nalang ako kumain.

Noong tinanong ko naman siya tungkol dun sabi niya ei business partner lang daw yun. Kaya naniwala naman agad ako, pero di ko alam na masyado na pala akong manhid sa pagmamahal niya.

May business partner ba na magkasama sa hotel at sa iisang kwarto pa? Hindi ako tanga. Michelle ang pangalan ng babaeng palagi kong nakikita na kasama niya. Nong tinanong ko ang mga kaibigan niya tungkol sa Michelle na yan ay wala lang daw. Tanginang wala yan.

Taste My Vengeance Where stories live. Discover now