1

101 3 1
                                    

Natapos lang ang meeting na 'yon na kabado ako, ewan ko pero nandon parin ang trauma ko kapag malapit siya o kaya naman ay nakatingin siya sakin. Ayaw ko na ulit maramdaman yun, ayaw ko ng maalala ang mga masasakit na dinanas ko.

Siguro nahalata kanina ng boss ko na hindi ako mapakali kaya agad niyang tinapos ang meeting kanina. Gosh, bakit kailangan idamay ko pa si Kairo sa kamiserablehan ko. Nakokonsensya tuloy ako.

“Ayos kalang? Anyare sayo, bakit bigla ka nalang nanginig kanina?” nag-aalalang tanong nito sakin. Ngumiti nalang ako ng pilit at huminga ng malalim bago sumagot. “Ayos lang ako.”

Tumango lang siya sakin at bumalik na sa ginagawa niya kanina na naiwan dahil sa meeting namin. Tumingin ako sa kawalan habang nag iisip.

Ayoko ng maalala lahat ng masasakit na naranasan ko noon pero dahil nakita ko siya, bumalik lahat. Ayoko ng pakiramdam na'to, hindi ako pwedeng matakot.

“Kumusta ang paghahanap mo sakanya? Nahanap mo naba?” Napabalik ako sa katinuan dahil sa tanong ni Kairo sakin. Napakunot ang noo ko dahil sakanya. Isa din yan sa mga problema ko ilang taon na. Miss na Miss ko na si Xeon, ilang taon ko na siyang hindi nayakap.

Umiling ako bilang sagot. “Wala pading balita, 'di ko alam kung saan siya dinala.” Naiiyak na sambit ko. Kahinaan ko talaga si Xeon. Gustong gusto ko na siyang mayakap.

“Pahinga ka muna, bukas mo na tapusin yan.” Napabuntong-hininga ako dahil sa dismaya sa sarili ko. Pati trabaho ko naapektuhan dahil sa buhay ko.

Tumango nalang ako at nagligpit ng gamit. Nagpaalam muna ako bago umalis. Wala ako sa sarili habang pauwi sa apartment na tinutuluyan ko, kung hindi ako tinawag ng driver ng taxi ay hindi ko pa alam na nakarating na pala kami sa apartment ko. Nagbayad nako at nagpasalamat bago bumaba.

Pagbaba ko ay may nakita akong magarang sasakyan sa tapat mismo ng inuupahan kong apartment. Nagmamadali akong nagtungo sa bahay at nong malapit nako sa sasakyan ay biglang bumukas ang pinto at lumabas ang demonyo este si Arth.

Matapang ko'ng sinalubong ang matatalim niya'ng mata kahit na sa kaloob looban ko ay kumakarera na ang puso ko sa kaba.

“Bakit ka nandito? Paano mo nalaman ang bahay ko?” Malamig na sambit ko sakanya. Pero hindi niya ako sinagot at tinitigan lang.  Shet naman sumagot ka, naumid na ba ang dila mo?!

“Hmm matapang kana Irish, hanggang saan kaya ang tapang mo kapag ilalayo ko sayo si Xeon? Alam mo bang na nandito lang siya sa pilipinas?” Nang aasar na aniya. Oh? Tapos. Bali share mo lang?

Kinuyom ko ang kamay ko at huminga ng malalim. Kalma Rish, masamang pumatay ng demonyo.

“Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Arth kaya please lang kung may gusto kang sabihin sakin sabihin mo na kasi ayaw kitang makita.” malumanay na sabi ko kahit sa isip ko ay pinapatay ko na siya.

Nang-uuyam siyang ngumisi sakin at lumapit, hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko dahil sa hangin. Humakbang ako ng paatras, hindi ko gusto ang hawak niya sakin, nakakakilabot. Tumalim ang mga mata niya nang makita niyang umatras ako.

“Bumalik ka sa bahay, kapalit ni Xeon. Makakasama mo na si Xeon basta bumalik ka lang sa bahay. Pangako hindi na kita sasaktan, basta ipapangako mong hindi ka gagawa ng kagagahan para okay lang tayo.” Nakangiting sabi nito.

Hindi ko gusto tuno ng pananalita niya. May plano siya, 'yun ang alam ko.

“Bigyan moko ng isang linggo para makapag isip, tapos ite-text kita kung papayag ba ako o hindi.” Sinapo niya ang panga ko dahil hindi nagustuhan ang sagot ko.

Taste My Vengeance Where stories live. Discover now