CHAPTER 13

2.1K 63 0
                                    

Pagka alis ko dun ay pumunta ako sa canteen at kumain,ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang sunod naming klase

Medyo kaunti nalang ang tao dito sa canteen siguro nasa kanilang mga classroom na sila.Pumunta na ako sa counter at umorder

"One order of salad,burger and grape juice"ani ko at binigay yung card ko.Pagka kuha ko nun ay nag hanap na ako ng mauupuan at nakita ko ang isang bakante malapit sa may bintana kaya dun na ako umupo kasi medyo tago din yon kaya hindi ako basta basta mapapansin.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na agad ako sa classroom diko pa nakakasama si Luxx dahil may pina aasikaso sa kanya si Dean kasama ang mga council kaya siguro bukas nalang kami mag sasabay tutal magka sama naman kami ng dorm

Habang nag lalakad ako ay parang may nararamdaman akong sumusubaybay sa bawat galaw ko kaya binilisan kona lang yung lakad ko hanggang sa makarating ako sa classroom

Pero walang tao sa room asan na kaya yung mga yun.Luminga linga ako sa paligid at nakita kong may iilang estudyante nag tatakbukhan papuntang Gymnasium kaya dun nalang din ako pumunta

Habang papalapit ako ay lumalakas ang hiyawan ng mga estudyante bakit kaya nandito ang mga estudyante anong meron?

Naghanap ako ng upuan at may natanaw akong kumakaway nang maaninag ko ay si Luxx at Airess pala kaya pumunta ako sa tabi nila

"Luxx anong meron bakit nandito lahat ng edtudyante akala kopa naman late na ako yun pala walang tao sa classroom"pabulong na ani ko kay Luxx

"Hindi mo ba narinig yung announcement kanina dun sa speaker mag kakaroon ako ng battle sa Archery ngayon kaso ang mag lalaban lang ay ang silvernian at Bronzenian at may iilan din sa Goldzenian"ani Luxx

"Huh?Silevernian,Bronzenian at Goldzenian?anu yun?i mea--"she cut me off

"Ah yung mga yun ay ang mga section dito Ang Goldzenian dito nabibilang ang mga princesses and princes so i meaning to say is in Goldzenian ay puro royalties at pinaka malakas sa ibang estudyante at pinakamataas na section yun syempre at ,sunod naman ay ang Silvernian sila ang pangalawa sa mataas at average ang kanilang kapangyarihan isang kapangyarihan ang napo possess nila hindi kagaya ng sa Goldzenian na dalawa o tatlo ang napo possess na kapangyarihan.Ang mga silvernian ay magaling gumawa ng potion at mga weapon kaya pangalawa sila sa malakas at ang panghuli ay ang Bronzenian isa lanv din ang na po possess nilang kapangyarihan at magagaling silang gumamit ng mga weapon at magaling silang gumawa ng mga trap malalakas din sila pero kaya sa bronzenian sila napunta dahil hindi pa sila sanay gamitin ang mga kapangyarihan nila kaya nag sasanay palang sila at mababago ang kanilang mga section kapag umangat ang lakas nila at malalaman mo yun sa levelling battle"mahabang lintanya niya

"Levelling?"kunot noong tanong ko

"Yes,dalawang beses ginagawa yun sa isang taon at para makapunta ka sa Goldzenian section ay kailangan mong maka kuha ng 90-100  percent pataas diba ang taas,kapag sa Silvernian naman kailangan mong maka kuha ng 83-89 percent at kapag Bronzenian 70-80 percent"ani naman ni Aireess napatango nalang ako at tyaka itinuon sa harap ang paningin.saktong nag salita na ang isang teacher diko ka sila kilala syempre im a newbie here

"Good morning students,we are all here for our archery battle tulad ng napagusapan silvernian at Bronzenian  ang mag lalaban pero nabago ulit ang desisyon ng ating councils kaya naman lahat na kayo ay mag sasabak sa archery para maging ensayo niyo na rin ito,kukuha ako ng tig li limang estudyante bawat section.lima sa Silvernian at lima din sa Bronzenian at ganun din sa Goldzenian at pipili kayo ng leader niyo at ang kailangan niyo lang gawin ay patamaan ang mga nag sisiliparang mga bolang gawa sa bula paramihan kayo ng matatamaan sa loob ng 15 minutes kapag tumunog na ang timer ay doon lamang kayo hihinto makikita niyo sa taas ang mga score niyo by individually and by group"ani ni maam belle kaya napatingin naman ako sa at tama nga may parang blackboard sa itaas na gawa sa tubig at hangin

"30 group lang ang ating gagawin ngayon at isa pa pala ang isang bolang matatamaan niyo ay may lamang 5 point each "ani naman nung isang teacher diko din kilala

"So students bumunot na kayo rito ng papel at kung anong kulay ang mabubunot niyo pumunta kayo sa mga flag na kagaya ng kulay na nabunot niyo at kung sino ang mga kapareha niyonb kulay ay sila ang kagrupo niyo"dagdag pa niya

"Kapag natapos nang mag laban laban lahat ng grupo ay susunod namang mag lalaban ang mga leader bali duel battle ang mangyayari sa last game natin dalawang leader ang mag haharap sa isang laban kaya are you ready students?!"masiglang ani ni maam kaya napa sigaw naman ang mga estudyante

"Yesssssss!!!"students actually malapit nang masira ang eardrum ko sa sobrang ingay ugh!i hate noise

Pumunta na kami nina Luxx at nung iba pa at bunot na binuksan ko yun agad at ang nakuha kong grupo ay kulay Lilac.Napatingin naman ako sa iba  iba ibang kulay ang nakuha namin at ang masmaa wala man lang akong kasama aishh malas naman oh!

"Anong grupo ka?"tanong ni Calvin kaya pinakita ko sa kanya yung papel

"Ay ano ba yan guys wala man lang naging kakampi satin si Hermz ka sad naman gusto pa naman kita maka grupo"ani Calvin sabay simangot binatukan naman siya ni Luxx

"Aray bat kaba nang babatok"daing ni Calvin inismiran lang siya ni Luxx

"Okag you may proceed to your perspective group"ani ni maam Belle kaya nag punta na kami sa ka grupo namin



The Long Lost Princess Of Majestic Kingdom (Majestic Moonlight Academy)Where stories live. Discover now