Chapter 5

5 1 0
                                    


******

You look happy, but deep inside, you're breaking and dying. You look sad and has a lot of problems but deep within you, you're happy. You pretend because you thought it's the only way.

I can't figure out anymore what emotions is building up within me. Kasi parang pati sarili ko, niloloko ko na at pati sa sarili ko, wala na akong tiwala.

I sigh once again when Venice pulled off my blanket out on me.

"C'mon! Bumangon kana! It's your engagement today! You have to prepare. And I'm sure you wouldn't want to disappoint your father."

Tumalikod ako sa kabilang side ng kama kung saan wala siya at ipinikit ang mga mata.

"I don't want to go attend that engagement. Just, leave, Venice. Wala ka bang mga kaibigan at ako ang pinepeste mo?," sabi ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at pabagsak na naupo sa kama ko. Bumaling ako sa side niya at pinakatitigan siyang parang siya pa ang mas malungkot kaysa sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay nang mapatingin ito sa gawi ko.

Bumuntong hininga siya ulit at dahan dahang lumapit sa tabi ko.

"Can't you just go to that engagement party? Well, it's not like ikakasal kana naman na dun. Pupunta ka lang? Attend? What's wrong with that? Can't you just enjoy that party? Hmm?," sabi niya na nag puppy eyes pa. Napangiwi tuloy ako.

Tinalikuran ko siyang muli. " Ang kapal ng mukha mo. "

Narinig ko siyang nagpapapadyak dahil ayoko ngang pumunta sa sarili kong engagement party. They will announce there our engagement with my so-called fiancé and the merger of the hotels, both company has. Just by thinking about attending that party, I wanna vomit already because it's too uncomfortable there.

"Cha!, hihintayin mo pa ba na Daddy mo ang pupunta rito sa kwarto mo? Prepare yourself na!"

Inis na napabangon ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama at masama siyang tinignan.

"Bakit ba pinipilit mo akong pumunta roon eh ayoko nga?! What's wrong with you?! Gusto mo na yata talaga akong mawala sa bahay na 'to para masolo mo lahat. Venice, please kung pipilitin mo lang ako, get out of my room!, I shouted at her.

Napatitig lamang siya sa akin at napayuko bago dahan dahang naglakad palabas ng kwarto ko.

"I'm sorry," she said before finally leaving.

I closed my eyes in irritation before going inside of my bathroom and fix myself. After I fix myself, I went out of my room. Pababa na ako sa hagdan nang mapatingin ako sa gawi ng kwarto ni Venice na kaunting may siwang sa pinto. Lumapit ako roon dahil narinig kong nagsasalita siyang mag isa.

"Haysst. Ano nang gagawin ko? Kung hindi pupunta si Cha sa party later, wala akong magiging dahilan para pumunta din doon at sabunutan ang bruhildang higad na kung makalingkis kay Paris ay para namang mawawala yung tao. Aish! Yung brat na yun! At ito namang isa, hinahayaan lang kasi what? Little sis lang ang turing?! Walanghiya! Hindi niya ba naisip na iba ang tingin sa kaniya ng tinatawag niyang little sis kuno?! Haisst! Nakakairita! Parang gusto kong maging cannibal!, " sabi niya sa sarili niya habang nakaupo sa harap ng salamin. Ganyan ang mga nangyayari kung may boyfriend ka. Mabuti na lang wala ako nun. Ayokong mabaliw tulad niya.

Mukha na siyang baliw sa pagkausap sa sarili habang sinasabunutan pa ang sarili dahil sa iritasyon. Napailing iling na lamang ako.

"Malala na. Tsk," bulong ko sa sarili ko.

Napatingin ito bigla sa may pintuan kung nasaan ako. Napakurap kurap siya dahil nahuli ko lang naman siyang nagsasalitang mag isa. Binuksan ko ng malaki ang pintuan at tinaasan siya ng kilay.

How Can You Fix A Broken Glass? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon