CHAPTER 11

87 25 10
                                    

3 am na ng madaling araw ako nakauwi dahil sapag eenjoy manood at kasama sya.nang dahil doon ay hindi namin namalayan ang oras. Inihatid naman nya ako kung saan ako nakatira. Tanging security guard lang ang andoon sa labas.

Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ay bigla ako humarap sa kanya para magpaalam. "thank you sa paghatid nath. Goodnight??" alanganin kong sabi.

Tumawa ito at tumango tango "Good morning and sleep tight" sabi pa nya. Bago magpaalam paalis.

Pagkapasok ko ng bahay ay para ba akong akyat bahay na dahan dahan kung kumilos para walang makarinig. Malinis na ulit dito na para bang walang nangyaring kasiyahan kagabi. Wala akong naabutan miska nakatulong. kaya maluwag sa pakiramdam ko nang nakaabot ng kwarto. Nag half bath ako at nagpalit ng pantulog. Pagkatapos ay nahiga.

"Cristine.. Cristine wake up!" her voice. "Cristine Dianne, I said wake up" galit na boses nya.

Napabangon naman at napaupo sa harap nya. "Mom, What are you doing?? You can't see? I'm sleeping.." iritado kong bungad sa kanya. "Sana hinintay mo nalang akong gumising"

"Where have you been last night??" galit na tingin nya sa'kin. "Lagpas ala una na wala pa parin dito sa bahay? At hindi ko namalayang umalis ka?" dagdag nya.

"Hija, hayaan mong magsalita yung anak mo, wag mong daanin sa galit" rinig kong boses ni lola.

Napalingon ako sa kanya at doon Nakita ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko. maliban kila mommy at lola andoon din sina lira at ang mama nya. Halata ang pag alala nila sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kanila para ipaalam na ayos lang ako.

Napaisip din ako kung hindi nila mommy alam kung saan ako galing kagabi ibig sabihin ay hindi nagsumbong ang mga nagtatrabaho sa resort na andoon ako?

Maganda na rin na hindi nila sinabi dahil kung sakali na alam nila ay baka puntahan ako doon ni mommy at eskandalo. At isa pa lalaking kwarto ang pinasok ko baka pag-isipan pa nila kami ng masama.

"I'm sorry mom, I am with my friend" pang aamin ko. ngunit galit parin talaga sya.

"Hinanap ka namin pero hindi namin alam kung saan ka pumunta" si mom.

"Sabi ko naman sayo na kasama nya ang kaibigan nya. Na baka nasa private resort nag eenjoy" singit ulit ni lola.

"Ma, Can you please stop! Si Cristine ang kausap ko. wag nyo nang pagtakpan" suway nito kay lola.

Nagulat naman ako sa ginawa ni mama kaya hinawakan ko na ang kamay niya para kumalma "Ma, Tama naman po si lola. I am with my friend. Andoon kasi kami sa kwarto nya kung saan sya nag s-stay at nanood ng neflixt" paliwanag ko pa dito.

"See.. Inuunahan mo kasi ng galit eh." Si lola ulit. "And diday, Next time magpapaalam ka sa amin para hindi nag aalala ang mommy mo" kunyaring pagmamataray pa nito kaya napangiti ako.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें