EPILOGUE

40 10 9
                                    

The last chapter! Enjoy reading 💛 highly appreciated your comments and vote. See you on season 2 entitled 'Until we meet again' THANK YOU FOR ALL THE SUPPORT AND EFFORT TO READ THIS STORY, IT MEANS ME A LOT. 💛💚 I LOVE YOU, EVERYONE 💖

EPILOGUE

Naalimpungatan ako dahil sa nakiramdaman na may palakad lakad sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong inaantok pa ako dahil sa kakulangan sa tulog. Baka nga ay wala pa sa dalawang oras iyon.

Inihatid ako ni Nathan dito sa bahay nang matapos ang huling destinasyon na pinuntahan namin. Sobrang saya ng mga pinuntahan namin, hindi ko iyon malilimutan kahit na gustuhin ko man.

Dahil don ko lang naramdaman ang matagal ko nang hanggad na kasiyahan, yung walang kasiguraduhan kung mararamdaman mo pa ba.

Pagdating sa kanya, pakiramdam ko walan akong dinadala. Lahat nagagawa ko, kung andito lang si zairah malamang magugulat iyon dahil nagbago ang pagtungo ko sa ibang tao.

Yung diday na tahimik, walang imik, walang pakealam sa paligid, laging umiiyak kapag gabi dahil maraming nagbabalik na masamang alala, laging naka kulong sa kwarto ay biglang sa isang iglap nagbago.

At sya ang naging dahilan ko sa pagbabagong iyon.

Maski ako, hindi ko na rin kilala ang sarili ko, nagbabago ang pananaw ko kapag nasa paligid ko lang sya.

Bigla kong naalala yung sabi nya kagabi, gusto nyang makipag kita ako mamayang 5:30 ng hapon sa tabi ng dagat kung saan kami tumatambay dalawa.

Napabuntong hininga ako at umupo sa kama, doon ko nakita si ate dorres na nag aayos ng gamit ko.

"Nagising ba kita, diday? Pasensya na inaayos ko kasi ang gamit mo" ani ni ate dorres.

Isinarado nya ang isang malaking maleta at itinayo iyon bago inilagay sa gilid ng kama ko kung nasaan ang iba kong gamit.

Ngayong araw ang alis namin dito ni mommy papuntang manila. Nakatanggap ako ng text mula kay zairah na dalawang linggo palagi bago  magpasukan.

Gusto pa sana ni lola na manatili ako, ngunit ngayon ang petsa na nakalagay sa passport ko papuntang manila.

"Where's Mom ate Dorres" tumayo ako para iligpit ang hinigaan bago bumaling ulit sa kanya.

"Nasa baba hija, hinihintay kang magising" dinig kong sagot nya.

Tumango nalang ako at pumuntang banyo para Maligo at magsipilyo.

Alas onse ang flight ko, kinakailangan kong umalis ng alas nuebe dahil may dadaanan ako.

Nang makababa ay nakita ko sa hapagkainan sina lola at mommy na nag-uusap, muka itong seryoso.

Bumati ako ng magandang umaga at umupo sa tabi ni lola kung saan kaharap si mommy. Inihanda ni ate dorres ang kakainin ko at inilagay sa aking tapat.

"Ang aga mong mag bihis, anak" taka ni mommy nang bumaling sya sakin.

Nakasoot ako ng black dress plain at White shoes na galing kay kuya Charles. Kakabigay nya lang nito nung nakaraan, ipinadala nya pa dito sa batangas para maibigay sakin.

"Mom, pwede po bang mag favor? Gusto ko po sanag bumalik sa bahay ampunan kung saan nag donate tayo ng mga teddy bear. I want to talk to Father before I leave"

Napakunot ang noo nina mommy at lola dahil sa sinabi ko. Sinagot ko lang sila na malapad na ngiti.

Sunod ay tumango sya at hindi na nag tanong. "Anak, pwede bang hindi ako sumabay sayo pag uwi?" deretsong taning ni mommy.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Where stories live. Discover now