CHAPTER 24

25 14 2
                                    

Papunta na kami ngayon sa may sinehan, maraming mga tao at karamihan at mayka relasyon. Gusto ko tuloy mahiya dahil pakiramdam ko saling pusa lang kami dito at tamang pagpapanggap lang sa paligid. 

Meron din namang grupong magkakaibigan. Dinig ko pa ay para macomfort ang isa nitong kabigan dahil sa borkenhearted. Wala naman akong intesyong pakinggan iyon. Kaso ay ang laki ng bibig na isa nitong kaibigan na bakla para maagaw ang atensyon nya samin. Sabi ba naman ay Oh! Sa gwapong lalaking single dyan! Jowain nyo kaibigan ko, borkenhearted. Kaya wag nyo kong husgahan. Hindi ako bingi para hindi makarinig ng chismis sa di ko kilala. 

Natapos namin ni Nathan ang pagkain. Lahat iyon ay naubos. Smpre hindi ako ang umubos, sa kakatitig nya sakin ay nagutom din sya ng mga ilang minuto at nagpasyang sabayan akong kumain. Nagbibigay sya sakin ng ulam na order nya. Ganun din ako sa kanya para makipag share, wala namang kaso iyon dahil karamihan ay masasarap ang kanya. 

Far Away ang title ng movie na papanoorin namin, Tungkol iyon sa isang lalaki na nagkagusto sa isang babae. Na trapped sila sa iisang lugar at dahil don nagtulungan sila para makalaya sa lugar na iyon, ngunit hindi basta basta kang makakaalis dahil nasa iisa silang lugar na kailangan nilang matapos ang misyon. Naging mas close sila at kinilala ang isa't-isa. Nagtulungan sila para makalaya, pero ang babae ay may bumubuo sa isip nyang sana ay hindi na sila matapos do'n at doon nalang sila. unti unting nagkakagusto ang babae sa lalaki, ngunit ang lalaki ay may kagustuhang makalaya na.

Habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang babae, mas lalo nya itong minamahal kahit na mali, pero wala syang magawa kung pipigilan nya iyong damdamin nya. Nang Nagpasya ang babae na umamin sa lalaki ay agad nang natapos ng lalaki ang misyon kahit hindi ito tinulungan ng babae. Nagtataka sya nung una ngunit mas nanguna sa isip nya na baka napagod lang ito at nawalan ng pag-asang matapos iyon kaya ipignapatuloy nya ng mag-isa. 

Hanggang ngayon ay hindi parin binibitawan ni Nathan ang kamay ko, tutok sya sa panonood. Parang mas gusto ko tuloy titigan sya kesa manood sa harapan. Marami ang nagtitilian sa paligid kaya sinusuway ito ng iba para manahimik. 

Pakiramdam ko sa kwento ay ako yung babae doon, Napamahal sa isang taong imposibleng masayo. Na kahit anong pigil mo ay hindi mo pwedeng utusan ang ang damdaming tumigil na sa pagtibok dahil huli na. Dahil baka masaktan lang. Gusto kong mag risk sa totoo lang, pero nauuna ang kaduwagan na baka kapag ginawa ko iyon ay 'yon na ang huling usap at pagsasama namin. Napakahirap 'nun, dahil yung taong nakasanayan mong andyan para sayo ay bigla nalang mawawala na para bang bula. Masakit dahil ang tanga mo sa bandang ang bilis mong mahulog kahit wala naman syang sinabi na magkagusto ka sa kanya. 

Binalingan ko ang screen sa harapan, nag uusap na silang dalawa. ibinalita ng lalaki na tapos na ang misyon, makakalaya na sila at magagawa na nila ang gusto nila. Pwedeng na silang magsarili. 

Umiyak ang babae, hindi nya matanggap na hanggang doon nalang iyon. Na tapos na. Na wala na, Wala nang pag-asa para sa kanya. Nagulat ang lalaki dahil doon at hinawakan ang magkabilang balikat para tanungin kung ano ang nangyari. 

“Please” ana ng babae. 

“Anong please?” lito naman ng lalaki sa pakiusap nya. 

“P-please, Wag mo'kong I-iwan”

Nagulat ang lalaki dahil don at naka kunot ang noo. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan pa nyang tanong. 

“Mahal kita, Ryan. Mahal na mahal” mas lalong lumakas ang iyak nito at tinakpan ng dalawang palad ang muka. 

“M-mahal? A-ano bang pinag sasabi mo?”

“Mahal kita, Ryan. Akala ko nung una ay infatuation lang, Akal ko dahil sa naga-gwapohan lang ako sayo. Pero hindi ko alam na unti unti minamahal kita at mas minamahal pa lalo na tuwing nag aalala ka sakin”

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Where stories live. Discover now