Chapter 4

3.1K 72 0
                                    

Chapter 4

           

PAPALABAS na si Maria Angheles ng bahay nang maabutan sa bakuran si Aling Cora. May pasa ito sa panga. Baka dahil ito kahgabi. Kinalma niya ang sarili baka madugtungan niya ang eksena kagabi.

            Tipid siyang ngumiti. Wala siyang hinanakit dito dahil sa nangyari kagabi. Si Mang Willy naman ang may kasalanan. “Magandang umaga po, Aling Cora. Ano pong sa ‘tin? Tuloy po muna kayo.”

            Pinigilan siya nito nang akmang papasok uli siya ng bahay. “Huwag na po, Titser. G-gusto ko lamang humingi ng paumanhin sa ginawa ng asawa ko kagabi. Patawarin ni’yo po siya.”

            Napabuntong-hininga siya. Swerte si Mang Willy dahil mahal pa rin ito ni Aling Cora. Siya? Hindi niya maisip ang pagpasok sa isang relasyong ginagawa siyang punching bag ng lalaki. Aba’y magkamatayan na muna sila bago pa siya masaktan. “Pinatawad ko na po siya. Pero, Aling Cora... tungkol kay Ven.”

            Nalaglag ang ulo ng ginang. “Alam ko po. Hindi ko rin po gusto ang pinaggagawa ni Willy sa anak namin. Ngunit wala po akong sapat na lakas para lumaban. Kanina nga, inutusan niya na namang humingi ng maaring ipagbinta sa mga kapitbahay. Inawat ko siya kaso sinutok ako.”

            At least iyong daddy niya, kahit naglalasing hindi naman nanununtok. Nagsisisi na kaya ito sa ginawa nito sa kanya o patuloy ito sa bisyo nito?

            Huwag mo na siyang isipin.

            “Bawal po iyon. Karapatan po ng lahat ng bata na makapag-aral. Maari rin po akong magsumbong sa kinauukulan. Bawal po ang child labor.”

            “Alam ko po, Titser. Kaya, pwede po bang diyan na muna si Ven sa iyo? Naaawa na talaga ako sa anak ko. Naglalabada na po ako para may ipamuhunan si Willy sa sugal.”

            “Bigas po ang unahin, huwag ang sugal. Sige. Ako na po muna ang bahala sa anak ninyo. At Aling Cora, kung kailangan ninyo ng tulong, nandito po lamang ako.”

NASA kalagitnaan nang pagtuturo si Maria Angheles nang may tumikhim. Nagulat siya nang makita sa pintuan sina Pikloy at Sancho. Ngumiti sa kanya ang bata. Bakit kaya lumabas sa kweba ang matandang ermitanyo?

            Nakaipit ang mahaba nitong buhok sa likod. She hated that beard. Pero at least, alam siguro nito ang personal hygiene? Naligo kaya ito bago pumunta sa learning center?

            “Good morning, teacher.”

            Tiningnan niya ang relong pambisig. “Late ka na, Sancho. Anong nangyari?” tanong niya sa bata ngunit ang mga mata ay nakapokus kay Pikloy. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Kadalasan, si Dondon ang naghahatid sa bata at hindi naman ito nahuhuli. Ngayon lang. Hindi lang pala ito magaling sa pambabato ng galon sa isang tao... magaling ding magturo ng hindi kagandahang asal.

            Nahuli siya nitong tumitingin sa kanya ngunit ayaw niyang magbaba ng tingin. Kumunot ang noo ng lalaki ngunit nagliwanag din. Kumindat ito sa kanya. Aba’t…

            “Ayee…” hiyawan ng mga bata. “Oy, si Teacher…”

            Napailing na lamang siya. Tumikhim siya. Humarap sa mga bata na may ngiti sa mga labi. “Class, ano nga iyong punishment kapag late?”

            “Sasayaw sa harap.”

            “Kakanta.”

            “Magra-rap?”

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon