Chapter 10

4.4K 104 9
                                    

Chapter 10

HALOS hindi na makahinga si Angeles habang tinungo ang kwarto ni Tristan. She didn’t know how she still managed to found his room. Kumatok siya. “Tristan...” bungad niya nang pagbuksan ng lalaki.

“Angheles? Anong problema?”

“He’s gone.” Isang araw lang ang pinagsamahan nila ng daddy niya at namayapa na ito. “He passed away while holding my hand...”

Ikinulong siya nito sa mga bisig ng lalaki. “Shhh...Nasaan ang dalawa mong kapatid?”

“P-paunta na sila rito.”

PARANG tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ni Tristan habang pinagmamasdan si Angeles. Sana may magawa siya para maibsan ang sakit na nararamdaman nito ngunit hindi siya Dios. All he could offer to her was comfort. “Anong pwede kong gawin?”

“Stay with me.”

PAGKATAPOS NG isang linggo, inilibing na rin ang daddy ni Angeles. Walang araw na hindi siya umiiyak. Dumagsa ang mga kamag-anak nila maging ang mga empleyado ng kanilang kompanya. At nang matapos ang libing, wala na siyang lakas upang gumalaw. They were devastated.

Sa buong linggo ng lamay, nanatili ang Kuya KM niya sa kanilang pamilya. Kinalimutan muna nila ang hindi nila pagkakaunawaan para sa daddy nila.

“Kailangan mo munang matulog,” mahinang bulong sa kanya ni Tristan.

Umiling siya. Paano ba niya sasabihin dito na sa tuwing pinipilit niyang matulog, mas lalo lamang niyang naaalala ang kanyang daddy? At maiiyak na naman siya? She knew that she was a mess right now without even looking at the mirror. “Hindi pa ako inaantok,” sagot niya ngunit napahikab siya.

Mahinang tumawa si Tristan. Gusto niya ulit marinig ang tawang iyon ng lalaki. Kinuha nito ang kamay niya at kinaladkad siya papunta sa kwarto. “Matutulog ka ngayon, Angeles. You need to rejuvenate. Hindi mo ba alam na palagi kang hinahanap ng mga bata doon sa learning center? Paano mo sila haharapin kung ganyan ang hitsura mo?”

“Bakit? Ikinakahiya mo na ba ako dahil sa hitsura ko ngayon?”

“What a crazy idea.You always remain beautiful in my eyes.”

“Idolo mo pala si Jericho Rosales. Ginamit mo pa iyong liriko ng kanta niya.”

“He will understand.”

Her back hit the soft bed. Hindi na niya namamalayan ang dinaraanan nila dahil sa sobrang antok na nararamdaman niya. Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. “What a very kind friend,” puna niya nang alisin nito ang kanyang sandalyas.

“Matagal ko nang alam na mabait ako. Ngayon mo lang napansin.” Kinumutan siya nito saka hinalikan ang kanyang noo. “Sleep well, boss.”

“Salamat sa lahat,” aniya hanggang sa tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.

“Huwag mong intindihin ang lahat ng iyon.”

ILANG saglit ang dumaan nang bumagal ang paghinga ni Angeles. His heart ache upon watching her. He settled beside her and gathered her on his arms. If only he could protect her from the pain...Nangingitim ang gilid ng mga mata nito dahil sa hindi maayos na pagkakatulog.

Napamura siya nang tumunog ang cell phone niya. Agad siyang bumangon upang hindi magising ang babae. Pagtulog ang higit sa lahat na kailangan nito. “Hello?” sagot niya nang hindi tinitingnan ang caller.

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon