Chapter 8

2.4K 61 0
                                    

Chapter 8  

MANAKA-NAKANg sinusulyapan ni Tristan ang babaeng sakay sa passenger’s seat. Napamura siya nang makita ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito. Kinukurot ang puso niya sa nakikita ngayon. “Tumigil ka na sa pag-iyak mo diyan.”

“Tristan, lasing ba ako?”

He tsked. “Anong sa tingin mo?” Mas lalo itong napaiyak. “Ngayon, wala na akong pinagkaiba kay daddy. Will I lose my sanity? Magiging kriminal na rin ba ako?”

Angheles was overreacting. Nilunok niya ang sarkastikong tugon nang makita ang hitsura nito. Napabuntong-hininga siya. “No you won’t. Hindi kita pahihintulutan.”

Ilang saglit lamang ay nakita na niya ang gate ng sariling bahay. Bumusina siya sa tapat ng gate. Ilang sandali lamang ay bumukas ito at lumabas ang gwardiya.

Pumasok sila sa loob. Bumababa siya at binuksan ang passenger seat. Bukas na bukas, mawawala na ang babae.

“Lumilindol ba?” Napailing siya. Agad siyang dumulog sa babae bago pa man ito matumba.

“Lasing ka lang.”

“Talaga?”

Tinulungan niya ito sa paglalakad. Nagtuloy-tuloy sila sa loob at dinala niya ito sa kwarto.  Inihiga niya ito sa kama. “Whoah, soft bed,” she said with a giggle. Hinubad niya ang sapatos nito at inilagay sa sulok. “Tristan, naniniwala ka ba na every room should reflect the owner’s personality?”

Namumungay na ang mga mata nito. Dapat papagalitan niya ito sapagkat kung ano-ano na ang pinagsasabi. Pero gusto niyang marinig ang boses nito. Gusto niyang malaman kung ano ang lalabas sa bibig nito kapag ganito ang kondisyon ng babae. Sa tuwing nagsasama sila, hindi ganito kadaldal si Angeles. She’s aloof and always withdrewn.  Kinakausap lang siya nito kung may kailangan ito. Baka dahil iyon sa kaalamang pinapaalala niya sa kanya ang daddy ni Angeles.

“Yes.”

“Gusto mo bang marinig kung ano ang tingin ko sa iyo?”

Itinaas niya ang comforter hanggang sa baba ng babae. Ngunit ibinaba iyon ni Angeles. “Naiinitan ako.” Tinaasan niya ito ng kilay. Air-conditioned ang kanyang kwarto. “Hindi mo na ako sinasagot,” tila nagtatampo nitong saad at ilang saglit lamang ay parang maiiyak.

Looking back at her, he couldn’t help but notice how good to see her on his own bed but better if they were both naked and spent after a wild sex.

Huwag mo nang simulan.

There’s no way that Angheles would want him.

It took him a lot of effort to tear his gaze away from her face. He walked to the door. The woman was having an effect on his body particularly the lower part. Maski siya, naiinitan na rin. “Matulog ka na.”

“Ayaw mo talagang marinig ang sasabihin ko? Pero sasabihin ko pa rin. Even with your hermit look, I still found you sexy and sexier with your new haircut.”

Naikuyom niya ang kamao. “Angeles, tumigil ka bago pa natin ito pagsisihan bukas.” Matagal na panahon na rin nang may maikama siyang babae. And here was a woman in his own bed trying to seduce him with her words.Or that was what he thought. Maaring nagkakamali lamang siya ng inaakala. Sinasabi lamang ni Angeles kung ano ang nasa isip nito.

“Wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang marinig mo ang sasabihin ko. And about that incident, I truly forgive you. Not right away. Nakita ko ang sincerity mo at pinapatawad na kita.”

“Tama na.”

“Hindi pa ako tapos. Ilang buwan na tayong magkapitbahay ngunit hindi pa tayo kailan man nag-uusap ng matino. Let’s start with being friends.”

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon