Chapter 5

2.3K 61 0
                                    

Chapter 5

PAULIT-ULIT na napamura si Tristan. Problema lang palagi ang dala ng mga babae sa kanya. Ilang beses na ba niyang nilapitan ito para sana magkaayos man lang silang dalawa. Yes. Ibinigay ng babae ang kapatawarang hinahanap niya subalit bakit malamig ang pakikitungo nito sa kanya?

Mayamaya ay tumunog ang kanyang cell phone. “Yes?” aniya kahit hindi na tinitingnan ang screen. Masyado lang siyang naiinis ngayon. Nanginginig ang kanyang mga kamay at gusto niyang makasakal ng kahit na anong bagay.

“S-sir, alam ko pong ayaw ninyong tumawag ako sa inyo kung hindi emergency pero…” It was his secretary.

“Ano iyon?” kalmado niyang tanong.

“H-hinahanap po kayo ni Mr. Cortez. Kanina ko pa sinabing hindi pa kayo bumabalik dito sa opisina pero ayaw niya pong umalis. Ang sabi’y hihintayin ka raw niya.”

Kinamot niya ang batok. Si Bryan Cortez ang pinakamalapit niyang kaibigan. Halos magkapatid na ang turing nilang dalawa sa isa’t-isa. Hindi na nga lang sila nagkikita ngayon dahil sa maraming trabaho. Ito ay busy sa pamamahala ng sariling kompanya ng pamilya habang siya ay abala sa pagtatago mula sa mundo.

“Sabihin mong parating na ako diyan.”

            “Talaga, Sir?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Sige po, sir. Sasabihin ko kay Mr. Cortez.”

            Ibinalik niya sa bulsa ang cell phone. Tinap[unann niya ng huling sulyap ang mall na pinanggalingan saka sumakay sa kotse.

            Angheles, don’t tell me that I did not try.

TRISTAN glared at all the employees that was looking at his direction. Makikita ang pagkabigla sa kanilang mga hitsura nang makita ang kanyang mukha. Well, he didn’t care. Nasa ilalim pa rin niya sila sa kanyang pamamahala. At maari silang umalis kung hindi nila gusto ang kanyang ayos.

“One more look at me and then you are all fired.”

Dali-daling bumalik sa trabaho ang mga ito.

“Nasaan si Kadriel?” agad niyang tanong sa sekretarya.

Napanganga ito at hindi agad nakasagot. “S-sir Tristan?” paninigurado nito.

“Yes, Ms. Sanchez. Maliban na lang kung gusto mo ring matanggal sa trabaho,” kalmado niyang tugon.

Agad nitong ibinuka ang nakabukas na bibig. “N-nasa conference room pa po si Sir Kadriel. Gusto niyong tawagin ko siya.”

“Huwag na. Hangga’t kaya ng bibig mo, Ms. Sanchez at gusto mo pang manatili sa trabaho, sabihin mo sa mga empleyado dito na huwag ipaalam kay Kadriel na bumalik ako dito.” Pakisabi na rin na hindi ganito ang hitsura ang nakita nila, gusto na sana niyang idagdag. Updated sa mga tsismis ang sekretarya niyang ito at may mga pagkakataon din na siya ang kinukwentuhan nito kung sino ang nabubuntis at kung sino sa mga empleyado nila ang nagkaroon ng relasyon. Ipinagsawalang-bahala niya noong una ngunit wala siya sa mood ngayon. “Nagkakaintindihan ba tayo?”

“O-opo, Sir Tristan. Ahm, pumasok na pala sa opisina ninyo si Mr. Cortez,” paalam nito.

Iyon lamang at nagtuloy-tuloy na siya sa kanyang opisina.

“Sa wakas, pagkatapos ng isang taon, dumating ka rin. Akala ko wala ka na talagang planong siputin ako...” napahinto ito sa kung ano mang sasabihin at sinugod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Man, iyan na ba ang uso ngayon? Bob Marley look?”

Calming the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon