Chapter 18: Taking Sides

1.7K 41 4
                                    


Journey With You
Chapter 18: Taking Sides

With the CEO on leave, there has been no need for my services.

Sinabi niya na sa akin na hindi ko na kailangan pang magtrabaho at wala akong dapat bayaran, pero naghihintay pa rin ako sa pagbalik niya para makabalik rin ako sa trabaho. I grew to like what I was doing, and I wanted to learn more about the corporate world.

Three days had passed but there was no text or call whatsoever. I bet he is working even when he is supposed to be on vacation. I wanted to initiate a conversation, kahit malaman ko man lang sana kung buhay pa siya, pero pinili kong huwag na lang.

"Bakit wala ka pa ring pasok?" Tanong ni Mama sa akin habang nagluluto siya ng tanghalian. The perks of staying home though, is eating Mama's homecooked meals. Na-miss ko ang ganito. Noong nasa Bulacan pa kami ay lagi nalang si Tita Cel ang nagluluto. Sa tingin ko ay naging kumpyansa si Mama masyado noong nandoon kami.

"Naka-leave ako eh." Pagdadahilan ko.

"Bakit? Napagod ka na? Kung kailan naman kita hinahayaang magtrabaho..."

"Hindi ah. Nasa business trip yung boss ko kaya pati ako nakabakasyon." Palusot ko nalang.

"Saan ka ba talaga nagtatrabaho, ha, Neng?" Pang-uusisa niya.

"Sa isang malaking kompanya sa Clark." Malabong sagot ko. "Di niyo naman alam yon."

"Hindi ka naman siguro nagtatrabaho sa bar o yung... alam mo na..."

Tinignan ko siya ng masama. "Ano naman ang masama sa pagtatrabaho sa bar?"

"May mga trabaho sa mundo na hindi marangal at ayaw ko lang na kumapit ka sa patalim—"

"Edi payagan mo na akong mag-aral." I interjected.

"Tapos ka nang mag-aral, Neng."

"Ng highschool. Gusto ko rin namang mag kolehiyo, Ma."

"Bakit ka pa mag-aaral eh may trabaho ka naman na?"

"Wala namang kasiguraduhan kung gaano ako katagal magtatrabaho dun. Saka hindi naman ako manghihingi sayo. Magpa-part time ako nu'n."

"Hindi pwede." Pinal niyang wika. Ito ang hindi ko maintindihan kay Mama. Anong pinagkaiba ng pagtatrabaho sa pag-aaral, eh pareho lang akong at risk sa iniisip niyang threat? The threat doesn't even exist anymore.

"Ma, gusto ko talagang mag-aral." Giit ko. "Mas mabibigyan kita ng magandang buhay nun."

"Hindi naman lahat ng nakapagtapos ay gumaganda ang buhay ah?"

"Ma naman. Sabihin na nating hindi nga, pero pangarap kong makapagkolehiyo. Mali ba yun? Bakit ayaw niyo akong suportahan?"

"Nakalimutan mo na ba ang dahilan?! Dios mio, Neng, paano nalang kung—"

"Kung mahanap nila tayo? Wala na yung ipinapangamba mo, Ma!"

Natigilan si Mama. Nang makabawi, padabog na binitawan ang sandok. Napaigtad ako sa tunog. Hinarap niya ako. Her stare was sharp as a needle.

"Ano kamo?" Aniya.

I cleared my throat. "Wala po. Maliligo muna ako."

"Huwag mo akong takasan, Hani Dominique!"

Nanigas ako. Nabanggit na ang dalawa kong pangalan. Bingo na!

"Wala lang yun, Ma..."

Journey With You (Completed)Where stories live. Discover now