Chapter 7: Mischievous

2K 61 3
                                    


Journey With You
Chapter 7: Mischievous

Inabot kami ni Mama ng hating gabi sa pagsesettle ng mga utang, pero hindi ako nakaramdam ng pagod o antok. I'm just thankful that we have settled everything.

"Ngayon, umamin ka na kung saan mo nakuha ang pera." Mama demanded when we were back home.

Hindi ko alam kung paano ko yun sasagutin. Magulo ang sitwasyong kinalalagyan ko. Alam kong mahihirapan siyang intindihin.

"Ipapaliwanag ko kapag tama na ang panahon." Wika ko. "Basta promise, hindi ko hinanap ang tatay ko."

"Neng, paano kung ikaw naman ang makulong diyan sa pinasok mong yan?"

"At least nadelay? Tatlong araw lang ang palugit ni Aling Teresa sayo. Syempre kailangan kong maghanap ng paraan. Hindi ako mapapahamak dito, Ma. May atraso sakin yung tao kaya ako pinahiram ng pera."

"Sigurado ka ha?"

"Opo. Matulog ka na, Ma. Kakausapin ko pa si Tita Cel tungkol sa paglipat natin bukas." Saad ko.

"Hindi ba dapat mag-impake na ako?"

"As if naman madami tayong gamit?" I laughed weakly before going out to speak to Tita Cel.

Kahit hindi sila okay ni Mama ngayon ay halatang nalungkot si Tita Cel sa balitang aalis na kami. Sa dalawampu't isang taon ba naman na nakatira kami ng magkasama, ay para ko na rin siyang pangalawang ina. Sometimes even doing a better job than my own mother.

Nonetheless, she supported me by wishing me all the best and told me that if things ever get hard, Mama and I are always free to go back.

"Kahit anong mangyari, bukas lagi ang tahanan ko para sa inyong dalawa," she had said.

Maaga akong nagising kinabukasan.
We loaded our stuff into the truck and Mang Romy drove us to the new apartment.

"Shoot! Lagot ako nito." I cussed when I glanced at my watch. Mali-late na ako nito!

"Ma, ikaw na muna bahalang mag-ayos ng mga gamit. Papasok na ako."

"Hindi pa tayo nag-uusap ng matino ha. Marami kang dapat ipaliwanag sa akin!"

"Saka na nga, Ma. Late na ako."

I know she's dying to know where I got the money we used to pay the debts.

Dumaan ako sa shop na na-research ko kagabi para bumili ng coffee beans.

7:40am na akong nakarating sa Atlas Hotel at bukod sa hinihingal at kabado ay mabigat din ang under eyes ko dahil napuyat ako sa pag-aaral kagabi kung papaano mag-brew gamit ang french press. The process itself was easy; it was the snail paced internet connection that made it stressful. Talk about mobile data!

Sinalubong ako ni Noreen pagdating ko sa Atlas Hotel. Saka ko palang napagtanto na iyong babaeng kasama ni Sven nung una akong pumunta rito at yung tinawagan niya para i-resched ang meeting niya kahapon ay iisang tao lang.

She wore thin-framed glasses with thick lenses. May prominent siyang nunal sa left side ng mukha niya, malapit sa bibig. Mas matangkad siya sa akin ng bahagya lamang.

Mabuti nalang talaga at naisipan ni Sven na ipasundo ako at ipa-assist sa executive assistant niya habang wala pa siya dahil kung hindi, I would have already passed out here and made a fool out of myself.

Now that I am generally much more calm today and not clouded with desperation unlike the first time I was here, I had the liberty to observe the interior of the hotel. The lobby was stunning with that rock crystal overhead chandelier. It gave off a somehow toned down luxurious vibe.

Journey With You (Completed)Where stories live. Discover now