Chapter 12: Messed Up World

1.8K 49 8
                                    

Journey With You
Chapter 12: Messed Up World

"Hani." Noreen poked my shoulder and I jerked away in response. Akala ko may umatake na sa akin. Taena, hindi pala ito battlefield.

Bakit ba hindi ko napansin noong lumalapit siya? Ganoon ako ka-lutang?

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. "Wala kasi akong kasabay. Kakatapos ko lang sa pinapagawa ng CFO kaya ngayon pa lang ako kakain."

"Ah..."

"Nagbaon ako ng lunch..." aniya. "Eh medyo marami naman yun. Tara, kain tayo? Kung hindi ka pa kumain?"

I smiled at her. Big time.

"Tara." Sagot ko. Life saver!

Pumunta kami sa pantry, kung saan niya inilabas ang stackable lunch boxes niya at halos mapasigaw ang tiyan ko sa tuwa kasi marami nga naman talaga ang dala niyang pagkain.

"Fiesta ba sa inyo?" Tanong ko. Meron kasing asado, lumpiang shanghai, rellenong bangus, at leche flan.

She giggled. "Halata ba masyado?"

Tumango ako, ngumiti na rin. Ganito rin kasi ang handaan kina Tita Cel tuwing fiesta. Nakakamiss tuloy si Tita. Sana sa susunod na rest day ko ay magkita na kami. Wala naman kasi iyong asawa o anak kaya kapag naiisip ko na baka nalulumbay siya doon nang mag-isa, napapaluha ako. Ako na rin kasi ang tinuring na anak nu'n for twenty one years.

Gayunpaman, salamat talaga sa fiesta na 'yan, nagkaroon ako ng kasamang mag-lunch ngayon. I would have just skipped lunch if Noreen did not bring this much food.

"Kumusta naman ang work mo?" Tanong niya habang naglalabas ng pinggan at kubyertos. "Hindi ko inexpect na kukuha ng PA si Sir Sven kasi wala namang PA yung dating CEO. Ako lang ang nag-aayos ng sched, at inuutusan. Kahit naman nagseserve din ako sa CFO, kaya ko naman pareho."

Does she feel like I'm taking her job away? Wag naman sana. Si Sven ang may pauso nito eh.

"Uhm, okay lang naman. Pero kung papipiliin ako, mas gusto ko yung formal job gaya ng sayo."

"Informal ba yung sayo?" Tanong niya.

"Naku. Kung ano ang maisipan niyang ipagawa, kahit ipadala pa niya ako sa Mars, kailangan kong sumunod." Sagot ko habang umuupo kami sa may kitchen island.

"Ganoon?" Natatawang saad niya. "Feeling ko naman kahit ipadala ka niya sa Mars, susundan ka pa rin niya."

"Noreen, okay ka lang?"

"Eh kasi nung unang araw mo, inutusan ka niya diba? Tas sinundo ka rin. Pagbalik mo, may lunch nang nakahanda. Spoiled!" She giggled.

Parang nabulunan ako kahit di pa naman kami nagsisimulang kumain. Nasaan na ba ang tubig? Pa-inom naman!

"Nasobrahan ka yata sa panunuod ng drama." Saad ko kay Noreen. "O baka gutom lang yan. Kain na tayo."

"Masarap ba?" Tanong niya pagkatapos ng unang subo ko. "Luto ni Mama ko 'yan. Kain kang madami. Meron pa naman kami sa bahay, ganiyan din kakainin ko mamayang dinner."

Dinner...

"Oo, masarap..." Sagot ko, but the word dinner kept me thinking of Lloyd and his offer. "Pero may tanong pala ako..."

"Sige lang."

"Let's say may kaibigan ka. Nakasira ng gamit itong kaibigan mo, pero dahil wala siyang pera, yung co-worker niya ang magbabayad kasi yun naman ang nagdala sa kaniya sa lugar na yon."

Journey With You (Completed)Where stories live. Discover now