Chapter 10: Cynical

2K 62 14
                                    


Journey With You
Chapter 10: Cynical

From here, I could see him sitting on the shore watching me play with water like I'm some overjoyed kid. Para siyang tatay na nakabantay sa anak. Funny how the tables have turned real fast.

It's such a shame that I can't swim. I feel like I could have enjoyed the experience better if I can swim. Tulad nalang ng mga nasa paligid ko...

Makaahon na nga! Ako lang yung hindi umaalis sa pwesto rito! I shouted in my head.

Kung nakakaalis man, dahil lang naglakad ako at hindi dahil lumangoy ako.

Pasimple akong naglakad pabalik sa dalampasigan at lumapit kay Sven.

"Oh, bakit? Nagutom ka?" Untag niya.

"Hindi naman."

"Alas kwatro pa lang. May isang oras pa bago maluto ang dinner natin."

"Diyan tayo kakain sa seaside restaurant?" Turo ko sa resto sa di kalayuan.

"Yeah," he replied, his eyes drifting on my body. I caught him doing so, and he averted his gaze elsewhere. "I'll call you when it's time to eat. Balik ka muna du'n."

"Okay na ako. May nagtext ba sa akin?"

"Hindi naman tumunog."

"Sinong kausap mo? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Tanong ko dahil hindi siya makatingin sa akin.

"Why did you have to choose a top with a thin fabric? Kitang kita ko ang panloob mo." His cheeks noticeably becoming red as a tomato.

I looked at my top and gasped. My bra was visible as hell. But then again... anong pinagkaiba nito sa mga guests na naka-bikini?

"Sila nga naka-two piece eh." Ngumuso ako sa direksyon nung mga sexy na dalaga na kung maka-pose ay akala mo yung ilalagay sa kalendaryo ng Tanduay. "Besides, it's not like you can see through it, right?"

"I'm a talented illustrator as a hobby, in case you don't know. Magaling akong mag-visualize." Aniya.

"Perv!" I snapped.

"You started it." He replied, putting the blame on me before pushing to his feet to finally look at me in the eye.

"No, you did." I countered. Lintek to, ako pa sinisi. "Saan ba may tuwalya dito? Magpapatuyo na ako."

Bumuntong hininga siya. "Sa villa. Tara."

He started walking and I followed him to one of the villas with the private pool and landscaped garden. It even had a smart lock on its door. Fingerprint niya ang kinailangan para buksan iyon.

"Sayo to?" Tanong ko. Tumango naman siya. He turned the lights on and I followed him inside.

"Maalikabok yata. Matagal na akong hindi nakakabalik kaya hindi nalilinis." Aniya at saka nagbukas ng cabinet para kumuha ng tuwalya. Inabot niya iyon sa akin.

"Bibili lang ako ng masusuot mo. I'll be quick." Paalam niya. Ako nama'y pumasok na sa banyo upang maligo.

This scene seems somehow...familiar.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis ako ng tuwalya at binuksan ng bahagya ang pinto para silipin kung nakabalik na ba si Sven.

"Uy, nasaan na?" Tanong ko dahil nakabalik na nga siya at nakaupo sa may couch, nakatutok sa kaniyang phone. Tumayo siya at inabot sa akin ang isang paperbag na may laman na mga damit. Sinara ko ulit ang pinto para tignan ang mga iyon.

Journey With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon