--3--

234 8 0
                                    

Sa obserbasyon ni Toni, si Lorenz ay ang tipo ng tao na madaling makahalubilo. Malapit na agad ang binata sa mga katrabaho. Well, he really was charming.

"Hoy!" nagulat pa siya kay Chinchin na nakalapit na pala sa kanya sa table nya sa loob ng faculty room. "Baka matunaw yan." may halong pang-aasar na sabi nito.

"H-ha?" maang na tanong niya kahit alam naman na niya ang tinutukoy nito. Hindi niya namalayang napako na pala ang tingin niya sa kinaroroonan ni Lorenz habang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga co-teacher nila. Lalapit sana kasi siya rito para ibigay ang record na hinihingi nito. Napunta na pala siya sa pag-obserba at pagtitig dito.

"Ha?" panggagagad sa kanya ni Chinchin. "Hatdog! Aysuuuussss!! Ano, love at first sight? Sige na nga, sayo na siya. Hindi ko na palalawigin pa ang pagkakacrush ko sa kanya. Mapagbigay naman akong friend." ngiting-ngiting sabi nito.

"Ahhh, so kaibigan pala kita sa lagay na yan? Naku, Chinchin, tigilan mo yan ha. Baka ichismis mo ko at mapagsimulan ng ganyanang asaran. Sinasabi ko sayo, hindi kita mapapatawad." nagbibiro niyang sabi.

Umiling pa ito nang may kasamang pag-arte, "No, Toni! Ano bang tingin mo sa'kin chismosa?" tumango siya, dahilan upang umirap ito. Sabay silang nagtawanan, "Pero hindi nga, I won't start. Promise!" nag-appear pa sila. Pero duda siya rito. Alam niyang matabil ang kaibigan at ipagkakanulo siya nito anomang oras.

"Chin, hindi ako nakatitig dahil sa kung ano pa man. May ibibigay kasi ako sa kanya na record na hinihingi niya kanina."

"Ay yes! May moment na pala kayo kanina." pang-aasar pa uli nito.

Inirapan niya ito kunyari bago magpatuloy. "Hindi ako makalapit dahil may mga kausap pa siya. Baka mag-isip pa yang mga yan, magkakalikaw kayo ng bituka. Alam ko mga iniisip at iisipin ninyo kahit hindi naman totoo."

"Weh? Sige, kung talagang wala kang crush kay pogi, lapitan mo siya. Ibigay mo na yung ibibigay mo. Maiilang ka lang naman kung may gusto ka, kung makakalapit ka sa kanya, promise, hindi na kita aasarin kahit kailan." may papikit-pikit pang sabi nito.

"Bakit ba kailangan kong patunayan sayo?" nagkibit-balikat lang ito. Halata niyang hindi siya nito titigilan. Kilala niya ang kaibigan. Mahilig talaga itong manukso. Ayaw man niya dahil wala naman talaga siyang dapat patunayan at dahil nandun na lahat ng mga kasamahan nila ay tumayo na siya upang lapitan ito. Wala naman talaga siyang gusto sa binata, nailang lang siya kanina dahil iniisip niya na baka narinig nito ang pang-aasar ng mga estudyante niya kanina.

Napalingon hindi lang si Lorenz kundi maging ang kausap nitong mga guro sa kanya. She managed to smile. Ngiting mukhang hindi nahihiya. "Sir, ito na yung record ng mga bata."

"Thank you!" ngiting-ngiting sabi nito. "I almost forgot. Sabi ko pa naman iuuwi ko ito at sa bahay ko na ieencode."

"Ehem." pasimula ni Michael, isa sa malakas na mang-asar nilang kasamahan. Napalingon sila parehas dito. "Science teacher ba kayo?" ang mga kilay nil pareho ay umarko, "Kasi, may chemistry kayo eh." napalingon na lang siya sa paligid nang sabay-sabay na naghiyawan ang mga guro sa loob ng faculty room. Lingid sa kaalaman ni Toni ay nasenyasan na pala ni Chinchin ang mga ito.

Ramdam ni Toni ang pamumula pero nakuha pa rin niyang ngumiti habang iiling-iling. Napakamot siya sa noo. "Kayo talaga, lagi niyo kong ginaganyan."

Lorenz, on the other hand, was all smiles. He was so sport. Mukhang natutuwa ito sa pagiging kwela ng mga kasamahan. "Guys, she just handed me the records na hiningi ko sa kanya sa klase ni Ma'am Pilar." halos wala na itong mata dahil sa pagkakangiti. Ang gwapo talaga, Toni shooked her head.

"Boom!" Bagay! bagay!" may nagsabi pa.

Pagkalingon niya kay Chinchin ay tuwang-tuwa ito. Nag take note siya sa kanyang isipan na babatukan niya ito mamaya.

Bago umalis sa lugar ni Lorenz ay tumingin muna siya rito. Hindi naman na siya bata para mag walk-out dahil sa inaasar siya. When she looked at him, he was smiling pero makikita ang concern sa mga mata nito. Parang nangungusap at tinatanong siya kung ayos lang ba siya na parang na-hot seat siya. "You're blushing." bulong nito. Her heart skipped a bit. Bakit parang pati siya kinilig? Umiling siya rito at ngumiti. "Ayos lang, sanay na ko sa mga yan."

"Thank you uli, Miss Toni." his smile could drown her. Wait, what? Crush niya ba ito? Pambata.

Habang pabalik sa puwesto ay naalala niya ang sinabi nito, "You're blushing." his voice was so manly. Music to her ears. Gusto niyang batukan ang sarili sa kaharutan ng isip niya. Nahihiya siya na isipin nitong affected siya dahil sa pamumula niya. Baka isipin nitong may gusto siya rito.

Pabiro niyang inirapan si Chinchin bago umupo sa puwesto niya at magkunwaring busy na sa pag-aayos ng kanyang gamit.

"Yyiiiiee. May chemistry daw sila. Kilig?" nakangising tanong nito.

"Tse!" kunwari'y wala siyang paki sa sinabi nito.

But why was she happy being teased with him? Siguro nag mature lang siya kaya hindi na siya naaasar sa ganoon. O baka dahil hindi niya kasi ito crush kaya hindi siya affected.

Halos sabay-sabay na napalingon ang mga nasa loob ng faculty room nang biglang nagsalita si Lorenz. "Bye po. Mauna na po ako. I'll be going somewhere pa po. Ingat po kayo." There he was standing with his signature smile.

"May girlfriend na ata itong Mr. Pogi natin." pang-uusisa ng isa sa mga nakatatanda nilang kasamahan na si Mrs. Jackylyn. Sinadya pa nitong lumingon kay Toni na tila gusto uling asarin siya.

Lorenz smiled. "I'll be having a date po..." napangiwi ang iba sa kanila at may ilang napalingon kay Toni. She was also disappointed. "What Toni? Why are you disappointed?" tanong niya sa sarili. "With my Mom." habol na sagot ni Lorenz.

Biglang nagtawanan ang mga kasamahan nila. Ngingiti-ngiti lang naman si Toni na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Inaamin na ba niya sa sarili na crush niya ito? No! "Masakit lang kasi na biglang may girlfriend na pala yung tinutukso sayo, nakabababa ng dignidad." Pagpapaniwala niya sa sarili.

Lorenz took a glance at Toni before leaving. Nagtama ang mga paningin nila. Ngumiti siya rito kahit napahiya siya na nahuli nitong tumingin siya rito. Bago tuluyang umalis ay nginitian siya ng binata at kumuway pa. Biglang napatapik si Chinchin sa kanya.

"Girl, para sayo ung kaway na yun. Hindi ako duling. i swear."

"Ewan ko sayo." ang nasabi na lang niya. Pero deep inside ay natuwa siya gusto niyang isipin na para nga sa kanya iyon.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now