-- 30 --

318 15 2
                                    

Lorenz looked at Toni. Hindi na ba nito nais na makasama siya?

"Hey! Toni…" Bawi niya sa pansin nito.

"No, it's okay." Nakangiti na ang dalaga. There were some butterflies in his stomach. Ngumiti siya habang umiiling. Iba talaga ang dating sa kanya ni Toni. Ito ang liwanag sa kanyang dilim.

"Okay ka lang?" Tanong ni Toni sa kanya.

"Yah. Okay na okay." He answered.

"Hmm… Anong pumasok sa isipan mo, bakit…"

"Sabi ko naman sayo, I miss you. I mean it. Sabi ko rin mag-uusap na tayo, diba?" 

Tumingin ang dalaga sa labas ng bintana. Napangiti siya nang makitang napapangiti ito habang nakatingin sa labas. She was really fond of sightseeing. 

Sa isang inn na malapit sa mga pasyalan sila mananatili. Ramdam ni Lorenz na naiilang si Toni. It was not their first trip together, though. Pero alam naman niya kung bakit, para sa dalaga, wala na sila.

"Want me to order o gusto mo sa labas tayo kumain?" Tanong niya kay Toni nang maiayos nila ang mga gamit.

Ngumiti si Toni --- ngiti na may kasamang excitement. "Siguro mas maganda kung kakain na lang tayo sa labas."

"Sure." Inilahad niya ang kamay kay Toni. Kahit mukhang nagulat ito ay hinawakan nito ang kamay niya. He gently caressed her hand. 

"Tara." si Toni.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa isang sikat na pasyalan doon. Malakas ang hangin, tinatangay nito ang mga buhok ni Toni. She was happily looking at the view while he was staring at her. Inipit niya sa tenga nito ang mga buhok na nililipad ng hangin. Nginitian siya ni Toni. Isa siyang malaking ewan nang hinayaan niyang hindi sila magpansinan ng ilang buwan. Pinipigilan niya ang sariling yakapin ang dalaga. He missed her so much.

"Ganda ng langit." Nakatingin ito sa itaas. Parang nangangarap.

"Maganda nga." Nakatingin lamang siya kay Toni. 

Napatingin sa kanya si Toni. "Ano ba, okay ka lang ba talaga?" Natatawang tanong nito. Itinuro nito ang isang upuang malapit sa kanila. Umupo sila, tanaw pa rin nila ang Taal Volcano at ang nakapaligid dito. Romantic.

"Why?" He was smiling too. "Mukha ba kong hindi okay?"

Pabiro at mabini pa nitong hinampas ang mukha niya. "Ayan, para kang…"

"Ano?" Hinuli niya ang kamay nito.

"So ngayon na magkaibigan na uli tayo…"

"Magkaibigan…" Tinitigan niya ito sa mga mata. "Toni, I'm sorry that I hurt you. Hindi ko intensyon na masaktan ka. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sayo…"

"Hindi mo naman kasalanan yun, walang may gustong maaksidente ako." Nakauunawang sabi nito.

"Pero kung hindi tayo magkikita sana noon, o kung hindi ganun kabigat ang nararamdaman mo noon, baka hindi nangyari…"

"L-lo, enough. Ayaw ko na sanang pag-usapan yun."

"No, tingin ko tamang pag-usapan natin yun. Dahil habang tumatagal, pakiramdam ko, lumalayo ka nang lumalayo sa akin. I'm scared I might lose you."

Nakita niyang nabigla ang dalaga. "W-what? Nakikipagbalik…"

Umiling siya. "Hindi." Nakita niyang nag-iba ang itsura ni Toni, nadismaya. "No, please don't get me wrong. Let me finish." Tumango naman ito. "Para sa akin, hindi naman tayo naghiwalay. Hinayaan lang kitang makahinga. It was my fault. Tinext kita nun, I was really mad at that time. Pakiramdam ko, wala kang tiwala sa akin. After texting you, hindi ko rin alam kung anong masamang hangin ang umihip sa akin… Maybe it was pride, pero I never really wanted to break up with you." Nakita niyang namilog ang mga mata ni Toni. "Toni, listen, yung araw na magkikita tayo, I planned telling you na it was j-just… it's not sort of a prank, pero I just wanted you to know, nung araw na yun, babawiin ko lahat ng sinabi ko sayo sa text message. Kaya nga mas masakit sa akin ang nangyari sayo kasi…"

He saw Toni's tears, alam niyang pinipigilan iyon ng dalaga sapagkat may mangilan-ngilang tao na nasa paligid nila. "Is it t-true?"

Tumango si Lorenz. "I'm sorry. I really miss you. I love you!" Hinawakan niya ang mga kamay ni Toni. "Oh God! I miss saying that to you." Yumuko si Toni at pinahid ang mga luha. "Is it too late?"

"I don't know what to feel…w-what to say."

Kinabahan siya. "It's okay. I understand."

"I miss you, too." Turan ni Toni. "Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa… please don't ever do it again."

"Can you forgive me?"

"Kahit hindi mo sabihin."

"Can we go back to those days… no, kung hindi na counted yung mga araw na lumipas, babalik ako sa simula. Liligawa…"

"I love you." Putol ni Toni sa mga sasabihin pa sana niya.

Mahigpit niyang niyakap ang dalaga. "I love you! Palagi. Kahit sa mga panahong hindi ko sigurado kung iniisip mo rin ako." Sinabi niya iyon habang nakayakap pa rin siya nang mahigpit dito. Hindi na niya alintana kung nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid.

"Walang araw na hindi kita iniisip." Kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Toni. Tiningnan siya nito sa mga mata. "Baka ikaw…"

Lorenz did not allow her to talk --- he kissed her. Malalim, matagal. Tila binabayaran ang mga araw na hindi nila naiparamdam sa isa't isa ang kanilang pagmamahal.

Pabiro niyang kinurot sa pisngi si Toni pagkatapos. Pulang-pula ito. "Hey! I love you!" Napansin niyang nailang ito sa mga taong nakamasid na pala sa kanila. "Don't mind them." Bulong niya sa dalaga.

"Can you tell them that? Please don't mind us." Natatawang sabi ni Toni.

"Malilimutan naman nila ang mga mukha natin pag-uwi nila sa bahay nila." Biro ni Lorenz.

"Sabagay. Ganun lang yun, parang magic." Nakangiting tugon ni Toni.

He looked straight into her eyes. "Do you believe in magic? 

Tinitigan din muna siya ni Toni bago sumagot. "I believe in you."

Mabilis niyang hinalikang muli si Toni. "I believe in us."

"Cheesy." Biro ni Toni.

"But never corny." 

Naglakad-lakad na silang muli sa pasyalan. Madilim na ang kalangitan. Iba rin ang pakiramdam na naibibigay nito. Mas malamig ang hangin, nagmamalaki ang mga naggagandahang pailaw sa paligid.

They were holding each other's hand. "I miss this." Hinalikan niya sa ulo si Toni. "Habang nasa ospital ka nun, I always talked to you. I say sorry, na mahal kita…"

"Baka kaya lagi kita noong napapanaginipan dahil sa naririnig ko ang boses mo lagi."

Tumango siya. "Maybe. Or baka dahil inlove na inlove ka sa akin?" Sumeryoso ang mukha ni Toni. "Oy, just k-kiddi…"

"Mahal na mahal kita." She said.

Napangiti siya. Normal lang naman sa lalaki ang kiligin, sabi pa niya sa sarili.

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now