-- 14 --

164 8 0
                                    

Dumaan ang mga araw, mas lalong lumalim ang relasyon nilang dalawa. They felt each other's love everyday. 

Natutuhan ni Toni na sa pag-ibig hindi laging kilig lang ang mararamdaman. May mga pagkakataong nagtatalo sila ni Lorenz. Ang maganda lamang sa binata ay marunong itong magpakumbaba. Pinipilit din ni Toni na hindi laging magselos sa mga inaakto nito.

She should be proud of him -- he was a true gentleman. Natural itong matulungin at malambing. 

Alam na rin ng mga kasamahan nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Nagulat na lamang siya nang isang araw na nasa faculty room silang lahat maliban kay Lorenz. Uwian na nun. May pagkakataon lang talaga na minsan ay nagkukuwentuhan muna sila bago umuwi.

"Nasa'n na si Lorenz?" usisa ni Michael. Sa kanya ito tumingin.

Nagkibit-balikat lamang siya. Hindi niya rin alam kung saan pumunta ito.

"Bakit kay Toni ka nagtatanong? Alam niya ba?" Pang-aasar ni Sir Bary. 

Nagsimula ang asaran. 

Para silang isang taong napatingin sa gawi ng pinto nang may kumatok. 

"Pasok!" Tamad na sabi ng isang guro na malapit sa pintuan.

Isang lalaking naka-uniform pa ng isang sikat na flower shop na malapit sa paaralan nila. "Good day po Teachers. I am looking for Ms. Toni po." Magalang na bati nito.

Sa halip na magsisagot, isang hiyawan at kantiyawan ang narinig sa mga ito. 

"Nandito po siya." Si Chinchin na parang bulateng inasinan habang nakatayo.

"Tuloy na po ako." Yumuyuko pa ang binata habang dumaraan ito sa mga guro. Nang makalapit ito kay Toni ay isang hiyawan uli ang pinakawalan ng mga guro na parang mas kinikilig pa kaysa sa pagbibigyan. Kung minsan, mas maingay pa talaga sila kaysa sa kanilang mga mag-aaral. "Hello po, Ms. Toni. Mr. LV gives this to you." Pauna ng binata. Nahihiyang inabot ni Toni ang bungkos ng bulaklak na sadyang maganda ang arrangement. "Gusto rin po ng nagpapabigay na basahin ko ang letter na kasama nito." Nakangiting sabi ng binata.

Tilian muli ang mga guro sa pangunguna ni Chinchin. "Haba ng hair mo sis!" 

Tatawa-tawa si Chinchin. Alam niyang namumula na siya. 

"Toni, thank you for allowing me to see things differently. You are the sweetest and I like you to know that you own my heart." Nakangiting basa ng binata.

"Oh my!" Napatayo pa ang ibang guro.

"Thank you!" Kahit nahihiya ay nagawang magpasalamat ni Toni.

Maingay pa rin ang mga ito kahit nakaalis na ang binatang nagdala ng bulaklak. 

"So ibig sabihin, si LV ay si Lorenz nga?" Tanong ni Bing. 

"Ikaw ang Ni?" gulat na tanong ni Chinchin. 

"Ha?" Parang hindi naman nagets ng isa nilang may edad ng kasamahan ang pinag-uusapan nila. 

"Ma'am, remember po yung dedication booth nung Foundation Week natin, may nagrequest ng Gusto Kita na song." maarteng paliwanag ni Bing.

"Tapos, tapos…" Exaggerated na pagpapatuloy ni Chin. "Nung kumanta yung boys, kinanta rin nila yun. Kaya pala. Gosh!!!" 

Pulang-pula na si Toni sa sitwasyon pero ngiting-ngiti siya. Nakita niyang masaya ang mga ito para sa kanya. 

"Toni, ang swerte mo naman kay Mr. Nice Guy." Si Chinchin na hindi pa rin humuhupa ang kilig. "Kaya pala close na kayo ha. Kailan pa?" 

"Swerte rin naman ako sa kanya." Napalingon ang lahat kay Lorenz na nasa may pintuan na pala. 

Hinampas siya ni Chinchin sa braso. "Ano bang ginawa mo nung past life mo?" Natawa ang mga guro sa tinurang iyon ni Chinchin. 

Mas lalo siyang nailang nang lumapit sa kanya si Lorenz. Lalong nag-ingay ang mga kasamahan nila. Alam niyang natutuwa ang mga ito sapagkat karamihan sa kanila ay nasaksihan kung paano nagsimula si Toni bilang isang batang guro. She started teaching when she was 19.

Nang matapos ang kantiyawan ay nagpaalam na sina Toni at Lorenz na mauuna na sa mga kasamahan. 

"Did you like it?" Tanong ni Lorenz sa kanya nang nasa sasakyan na sila.

Tumango siya na ngiting-ngiti. "Nagulat ako ha." 

"Buti naman, that's a surprise." Pang-aasar nito.

"Hindi naman kailangan ganong kabongga."

"I want them to know that I love you and that you own me." Kinindatan siya nito. Ngiting-ngiti. "Saka para alam na nila na ikaw yung Ni, wala nang iba."

"Eh…"

"Wala nang dahilan para magselos ka dahil ipinaalam ko na sa kanila na ikaw ang nagmamay-ari nito." Tumuro pa ito sa gawi ng puso.

"Corny!" Pakunwari niya itong binatukan.

"I love you!" Sa halip ay sabi nito.

Ngitian niya ang binata. She still couldn't believe that this man in front of her, loved her so much. "I love you! Please don't change." Sa wakas ay nasabi niya rito.

"Why would I? I believe in forever." Pagmamalaki nito.

"Oh tama na, tama na! Magdrive ka na." Ibinaling niya pa ang mukha nito sa harapan. 

Bumaling muli si Lorenz sa kanya. Ang mga ngiti nito ay laging nakatutunaw sa kanya. His eyes na halos mawala na kapag ngiting-ngiti, his dimples, his smile… He leaned towards her. He kissed her, that was short but deep.

Nagulat siya. That was their first kiss. Parang lahat ng kalamnan niya ang nanginig. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan. Nahiya siya but she wanted more. Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip.

"I love you. Please remember that." sabi pa nito.

Do You Believe in Magic?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora