-- 11 --

218 10 6
                                    

Walang pinagsabihan si Toni sa sinabi sa kanyang iyon ni Lorenz. Maging kay Chin at Michael ay hindi niya sinabi. Nabigla kasi siya rito. Kinikilig siya, oo ngunit ayaw niyang masyadong umasa. Parang napakabilis naman. Totoo ba ang nararamdaman nito sa kanya? 

Lorenz got a little scared when he heard that "Pinabibigay po ni Tito." He really liked her, he wanted her not just as a friend. Hindi niya rin alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob nang tinanong niya si Toni. Basta ang alam niya his feelings for her were true. He liked her, a lot. 

Gaya ng sinabi ni Lorenz kay Toni noong hapon ng February 14, nang pumasok na uli sila ay naging very friendly na nito sa kanya. 

"Good morning!" nagulat pa si Toni nang pagbukas niya sa pinto ng faculty room ay nandun na si Lorenz. He was smiling at her. 

Ngumiti siya. "Ay hello! Aga mo." bati niya rito. 

"Kumain ka na?" sa halip ay tanong nito sa kanya.

"Yah. Sa bahay." Nakaupo na siya sa kanyang puwesto.

"That's good!" Maya-maya ay lumapit ito sa kanya. "You can eat these naman later." May inabot itong box of doughnut sa kanya.

"Oh! Thank you! I-ikaw?" nahihiyang sabi niya rito.

"I'm okay. Kumain ka na eh. Wala na kong kasabay."

"Pumasok ka talaga nang maaga para magbreakfast nang may kasabay rito?" pabiro niyang tanong.

"Para makita ka agad." seryosong sabi nito. She froze. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin. "Sabi mo maging magkaibigan tayo, bakit naiilang ka pa rin sa'kin?"

She smiled. "Ikaw kasi."

"Ako?" nang-aasar nitong tanong. Nawala na naman ang mga mata nito sa pagngiti.

"Hindi, wala. Sige na kumain ka na, sabayan kita." Inangat niya pa ang ibinigay nitong doughnut. 

"It's okay. Ayoko namang maimpatso ka dahil sa'kin." nagtawanan sila sa tinuran nito.

Sabay pa silang napalingon sa pintuan nang bigla itong magbukas. Si Chinchin at may kasabay pa itong ilan nilang kasamahan. 

"Wooww!!!" si Chinchin. "Ehem!"

"So ikaw nga si LV the at si Toni si Ni?" nakakaintrigang usisa ng isa nilang komedyanteng kasamahan, si Bing.

Ngumiti lamang ang binata --- makahulugan. Maging si Toni ay pinag-isipan ang sinabing iyon ni Bing.

Simula nang araw na iyon ay naging malapit na sina Toni at Lorenz sa isa't isa. Katulad ng sinabi ni Lorenz, they started out as friends. Minsan ay nagkakasabay-sabay na sila sa pagkain sa labas. May pagkakataon ding kaumpukan na nila ang binata, kasama sina Michael at Chin. Malapit pa rin ang binata kay Lailanie ngunit mababakas naman ang pagiging sweet talaga nito kahit sa iba nilang kasamahan --- it was really his nature. 

Maalalahanin si Lorenz kay Toni. Hindi niya alam kung kanino nito nakuha ang kanyang cellphone number ngunit mula nang magsimula itong magtext sa kanya ay madalas na itong mangumusta sa pamamagitan ng text message  lalo na kung wala silang pasok. 

Madalas pa rin silang tuksuhin ng mga kasamahan lalo na't napansin ng mga ito na naging malapit na sila sa isa't isa. 

Nakasanayan na rin nilang dalawa na sabay pumasok sa huli nilang klase. Dahil magkatabi lang naman ang kanilang silid na pagtuturuan. 

"Do you really wanna be a teacher?" usisa ni Lorenz habang naglalakad sila papunta sa kanilang huling klase.

Tumango siya. "Oo. Maliban sa may mga kamag-anak ako na teacher, gusto ko talaga. Isa pa, I like children. Ikaw?"

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now