-- 22 --

187 11 3
                                    

Makalipas ang ilang araw ay binigyan na rin si Toni ng clearance ng kanyang doktor upang makauwi na. Ngunit mahigpit ang bilin nitong hindi pa siya maaaring bumalik sa pagtuturo sapagkat hindi raw biro ang maratay nang matagal.

She spent two weeks in the hospital. Ikinuwento lahat ng kanyang mama ang mga nangyari noong panahong wala siyang malay. 

"Halos hindi umuuwi si Lorenz." Kuwento ng mama niya. "Dinalhan na nga lang yata siya ng mama niya ng mga damit para makapagpalit. One week straight siyang nagbantay sayo. May higaan naman dun sa loob para sa bantay pero madalas mas gusto niyang nandun siya sa gilid mo. Nung second week lang yun umuwi-uwi. Pero ilang oras lang babalik din agad." Parang kinikilig pa ang mama niya.

Ngumiti siya. Mapait. Hindi siguro nabanggit ni Lorenz sa kanyang ina na bago pa man mangyari ang aksidente ay hindi na sila. Hindi na siguro dinagdagan pa ng binata ang sakit sa loob ng kanyang ina. Considerate.

Nasasaktan siya ngayong naaalala niyang wala na sila at ang dahilan kung bakit wala siya sa isip noong araw na naaksidente siya ay ang kanilang sitwasyon noon. Ngunit lihim siyang nagpapasalamat dahil ganoon ang nangyari. Na hindi totoong nawala ang binata.

Mas gugustuhin niya pang masaktan dahil hindi pala sila ang itinakda, at least may pagkakataon pa siyang masilayan ito kahit sa malayo lang. Magiging sapat na sa kanya ang makita itong tumawa kahit hindi na siya ang dahilan. Mas nanaisin niyang marinig pa rin ang boses nito kahit ang tinatawag nito ay hindi na ang kanyang pangalan… Kaysa sa masamang panaginip na kanyang naranasan. 

Abot-abot ang pasasalamat ni Toni na panaginip lamang ang lahat ng iyon. Sa tuwing maiisip niya ang mga naganap sa panaginip niyang iyon, parang totoo ang lahat. Ramdam niya ang sakit. Siguro nangyari yun dahil sa kanyang kalagayan noon sa ospital.

Hindi niya kakayanin kung totoo iyon. Matapang siya sa panaginip niya. Hanggang doon lang iyon. Dahil ngayong iniisip niya lamang iyon, parang hindi na niya agad kaya.

Magkakasya na lamang siyang maging magkaibigan sila ni Lorenz. Sapat na yun. She could not bear living without him. 

__________________________

Nagpapahinga pa rin si Toni sa kanilang tahanan. Meron pa siyang isang linggong gugugulin para makapagpahinga. Wala pa siyang nababalitaan muli kay Lorenz. 

"Tinawagan ko si Lorenz, sinabi ko sa kanya wag siyang mag-alala. Sabi ko wag muna siyang magpunta rito upang makapagpahinga siya. Naku, grabe ang sakripisyo ng batang iyon sa loob ng dalawang linggo." Batid niyang ipinagmamalaki ito ng kanyang ina.

Wala siyang sinabi, ngumiti lamang siya. 

Toni was lying on her bed. Nakapikit siya ngunit hindi siya tulog. Naramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya. Maya-maya lamang ay naramdaman niyang hinalikan siya sa noo ng pumasok.

She was sure it was Lorenz. Kabisado na niya ang halimuyak ng pabango nito.

"I'm sorry, ngayon lang ako nakapunta." Bulong pa nito sa kanya kahit na ang akala ay natutulog siya.

Dumilat siya nang dahan-dahan. She missed him. Mas nakadaragdag pala sa pangungulila kung hindi ito maibulalas, kung itinatago mo lamang sa loob ng iyong puso. 

Para pa itong nagulat nang dumilat siya. "Nagising ba kita?" Mahina pa rin ang boses nito. "Pinapasok na ko ni Tita sabi niya tulog ka raw."

"Nakapikit lang ako."

"Sorry, hindi ako nakapunta noong mga nakaraang araw. I needed to work double time. Medyo natabunan ako ng gawain." Nakangiting kuwento nito. He was like starting a conversation.

Bumangon siya, mabilis naman itong lumapit sa kanya upang matulungan siya. "Kaya ko. Salamat!" Sabi niya.

"Glad nakababawi ka na."

Tumango siya. "Salamat pala sa pagbabantay sa'kin. You should have…"

"No, don't get me wrong. Wala kang kasalanan.  Talagang natambakan lang ako ng gawain. Ahmm, don't worry din pala sa mga estudyante mo, the school hired a substitute." She missed his voice.

Nagbawi siya ng tingin. Wala siyang maapuhap na sabihin.

"Nagugutom ka ba, Tonz?" Kinilig siya sa pagtawag nito sa kanya. Umiling lamang siya. "Hindi ka na ba nahihirapang maglakad mag-isa?"

"Hindi na. Kaya ko na ngang pumasok." Nilangkapan niya ng masiglang tunog ang boses niya.

"Good!" Nakangiting sabi nito. Na-miss niya ang pagngiti nito na labas ang malalim nitong dimples. "Namimiss ka na ng mga bata." Pagtukoy nito sa mga estudyante niya.

"Ikaw, hindi mo ba ko namiss?" Nais niya sanang itanong. 

Maraming naikuwento sa kanya ang binata. Nakikinig lamang siya rito. Pinagmamasdan niya ito. He was the same old Lorenz. Nalulungkot siya sa tuwing naalala ang napakasamang panaginip na iyon. Hindi niya kayang mawala ito. Just the thought of it scared her.

Ngunit nalulungkot din siya dahil alam niyang hindi lang nito binabanggit ang tungkol sa paghihiwalay nila dahil sa nangyari sa kanya. He was just being so considerate. Alam niyang darating din sa punto na mapag-uusapan nila iyon.

Hindi niya napigilan ang humikbi. Napalapit ito sa kanya. "Why?" Nag-aalalang tanong nito. Naupo ito sa kama niya. "May sumasakit ba sayo?"

"Wala. Sorry. Emotional lang ako. Baka ganito lang talaga." 

"Why? You can tell me."

"Hmmm…" Hindi niya masabi na bakit kailangan pa nitong maging mabait sa kanya kung darating din naman ang panahon na mapag-uusapan nila ang hindi pa nila natapos na usapan. Masasanay siyang muli sa presensya nito. For sure, hahanap-hanapin niya ito… "Wala, I was just scared. Nung mga araw na hindi pa ko nagigising, ang dami kong napaginipan. Nightmares. Nakakatakot. I can't…" Pagtatakip niya sa totoong nais sabihin dito. Ngunit nais niya ring ibahagi rito ang napanaginipan niya. Those really scared her, those seemed so true.

Sa tagal din ng relasyon nila, halos lahat ay naibabahagi niya rito. 

"What dreams?" He seemed interested.

Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya rito. "Marami. Yung iba hindi ko na matandaan. Yung iba, parang nangyari talaga. Parang narinig ko talaga…" Pagsisimula niya. He was just looking at her. Naghihintay ng kuwento niya. "Sa panaginip ko, ikaw ang naaksidente… I was scared. They told me…" Nangilid ang luha sa mga mata niya. The thought affected her every time. 

"It's okay if you…"

"They told me, y-you're gone." Namilog ang mga mata nito.

"What!?!" Nangingiting sabi nito. "Then?"

"Parang totoong-totoo. Natakot ako." Tinitigan niya si Lorenz. Hindi niya mapigilang iparamdam dito ang totoo niyang nararamdaman. Ngayon naikukuwento niya sa binata ang mga iyon, gusto niya ring ibuhos lahat ang kinimkim niyang mga emosyon. "Hi… h-hindi ko…" She cried. "Hindi ko kaya… I was so scared, I thought…" 

Niyakap siya ni Lorenz. "Sshhh…" para siyang batang pinatatahan nito. "It was just  a dream. I'm here." Hinigpitan niya ang yakap niya sa binata. She was longing to do this. Kinuha nito ang isa niyang kamay. "Hawakan mo mukha ko," inangat nito ang kamay niya at pinahaplos sa mukha nito. "O, see… don't be scared, I'm here." 

Nanatili siya sa ganoong posisyon. Bahala na bukas. Bahala na kung hindi na siya nito mahal. She just wanted to make him feel her heart. 

Do You Believe in Magic?Where stories live. Discover now