Episode 9 : The pattern of the universe

52 6 0
                                    

Episode 9 : The pattern of the universe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 9 : The pattern of the universe

Astra






"Parang ang tagal kong hindi naka-akyat dito," sabi ko pagdating namin sa bubong.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni David. "Seriously?" tanong niya pero agad ko siyang hinatak, dahilan para mapa-upo rin siya sa tabi ko.

It's almost dinner, pero nandito kami sa taas ng bubong dahil bigla ko siyang hinatak papunta rito.

"Whenever I feel like crying, or diving into my thoughts, lagi akong nandito para magmuni-muni," sabi ko habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. "When our parents passed away, I needed to come up with a coping mechanism. Naisip ko, ano bang point ng pag-iyak ko? Hanggang sa isang gabi, namalayan ko na lang na nandito ako sa bubong ng bahay at tinatanaw ang malawak na space sa itaas."

Nanatiling tahimik si David. Mula sa peripheral  vision ko, nakita ko na tumingin din si David sa langit.

"Nasabi ko na dati akong swimmer 'di ba?" aniya kaya napatingin ako.

"Mmm."

"When I was seven, my parents went missing. Hindi namin alam kung saan sila napunta, o kung anong nangyari sa kanila. We searched for months but we got no leads," sabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, habang nanatili naman ang mga mata niya sa langit. "Nasa swimming competition ako no'ng malaman ko 'yung balita na nawawala silang pareho. The after three months, bigla na lang silang lumitaw na parang walang nangyari."

Narinig ko ang mahinang pagbuga niya ng hangin bago tumingin sa akin.

"Simula no'n, hindi na ulit ako nag-training for swimming, and I never joined any swimming competition. Naisip ko no'ng bata ako na baka malas ang swimming competitions. Natakot ako na baka sa susunod akong lumaban, tuluyan nang mawala ang mga magulang ko sa akin," sabi niya bago umiwas ng tingin.

Ngayon alam ko na. We both have parents issues.

Napangiti ako bago mahinang natawa kaya napatingin ulit sa akin si David.

"What's funny?" he asked.

"I find it amusing. I'm living the life of those science geeks who can't prove the existence of parallel universe. While others are looking for evidences to find traces of parallel universe, nandito ako at kausap ang counterpart ko," sabi ko bago dinama ang malamig na hangin. "And he's no ordinary. He's a crown prince."

"Kailan mo nalaman?" tanong niya.

"I learned it from the public library," sagot ko. "Bakit pala hindi mo pinaalam sa akin? Pero sabagay, sino nga ba naman ako sa mundo mo para sabihin sa akin ang mga bagay na gano'n?"

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon