Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly

53 6 0
                                    

Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 16 : Metaphor of a monarch butterfly

Astra









Were things meant to go wrong, or things are already wrong in the first place?

I found myself walking through a dark path. I don't know what place it is, or what time it is. Ang alam ko lang, wala akong makita pero patuloy ako sa paglalakad.

I almost lost my balance but then someone helped me to keep myself standing.

"I wish you the best."

I heard a voice coming out from nowhere. Hindi ko alam kung kanino 'yon, o kung ako ba ang sinabihan niya no'n. As I continued moving forward, I saw a glimpse of light. Dahil wala naman akong alam na mapuntahan, I just walked towards the small light, and eventually, things started to get blurry.

Napabalikwas ako sa higaan nang tawagin ni mama ang pangalan ko mula sa labas ng kwarto.

Sandali pa akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa araw na nanggagaling sa bintana. Kinusot-kusot ko pa saglit ang magkabila kong mata bago ako mag-inat at mapatingin sa kalendaryo na nasa tabi ng higaan ko.

November 19.

Friday ngayon kaya baka umalis kami bukas.

"Astra! Baka ma-late ka na sa klase mo," sabi ni mama na ilang beses muling kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad na akong bumangon para ligpitin ang pinaghigaan ko bago ako dumiretso sa salas.

"Nagpuyat ka na naman ba kagabi?" tanong ni mama sa akin nang mapadaan ako sa may kusina para kumuha ng malamig na tubig.

"Palagi namang nagpupuyat 'yang si ate. Palaging nagbabasa ng mga libro. Hindi na ako magugulat kung one day lumabo ang mga mata niya," sabi ni Elmond na kumakain na sa hapagkainan kaya inirapan ko lang siya. Hindi naman niya ako pinansin.

"Anong oras ka pala uuwi?" tanong ni mama kaya saglit akong napatitig sa kaniya.

Nalipat kay papa ang paningin ko nang pumasok na rin siya sa kusina.

"Kailan pa kayo naka-uwi?" tanong ko sa kanila kaya nagkatinginan sila mama at papa. Napahinto naman si Elmond sa pagkain bago siya napatingin kila mama at papa.

"What do you mean, Astra?" tanong ni mama sa akin kaya nagtaka rin ako.

Bakit ko nga ba tinanong 'yon?

Bakit pakiramdam ko may nangyari habang tulog ako? Nanaginip ba ako na wala sila mama at papa? Bakit pakiramdam ko ngayon ko na lang ulit sila nakita?

Umiling na lamang ako bago ako umupo sa katapat na upuan ni Elmond at kumain.

"Susunduin ka na lang ni papa mo sa school. Sabihan mo siya kung anong oras matatapos ang klase mo ngayong araw," sabi ni mama kaya napakunot muli ang noo ko.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon