Chapter 5

3.1K 64 4
                                    


Hindi alam ni Melissa kung ilang araw na nyang iniiwasan si Clydell dahil sa nangyari. Naiinis sya sa sarili at nahihiya sa binata kapag nakikita nya ito. Isama pa na tila parang wala dito ang naganap na pag hahalikan sa pagitan nilang dalwa.




Napabuntong hininga nalang sya at nag masid sa paligid. Kasalukuyang nasa may lobby sya upang tingnan ang sitwasyon duon. Hanggang sa may mapansin syang isang matanda na parang niinip na sa pag iintay. Kaya nilapitan niya ito.



"Goodmorning po Lola, how may I help you?" magalang nyang sabi.

"Hija, ayos lang ako. Inaantay ko lang ang apo ko. Diyos ko siguradong nag papaganda pa iyon. Napa ka arteng bata ba naman."





Napa tawa naman sya ng mahina sa tinuran ng matanda.






"Ah ganun po ba. Samahan ko po muna kayo. Wala pa naman po akong gagawin."

"Ay naku. Salamat naman hija. At mababaliw na ata ako dito. Ni wala man lang nag e-entertain sakin dito."


"Pasensya na po Lola, busy po kasi ang mga crew ngayon." hinging paumanhin nya.



"Ay ano ka ba." mahina nitong hinampas ang braso nya. "Ayos lang at naiintidihan ko. Ikaw ba ay may jowa na? "





Bigla naman syang napatawa sa salitang binitawan ng matanda. Naaliw siya dito. "Naku wala po akong panahon dyan, lola."

"Naku ikaw bata ka. Tumanggi ka pa. Imposibleng wala kang jowa. Sa gandang mong yan. Gago lang na lalaki ang hindi magagandahan sa iyo."

"Kayo naman po lola. Binobola nyo naman po ako eh." tawa nya.

"Naku. Parehas na parehas kayo ng apo ko. Mga pa humble pa kayo."


Kanina pa nya pinipigalan lumakas ang tawa. Ayaw nyang may makakakita sa kanya na mga tauhan sa ganung sitwasyon.



"Lola."




Napalingon sya tumawag sa matanda.


"Sorry Miss. Naistorbo ka ba ng lola ko. Pasensya na ha. Matanda na kasi kaya nadaldal."


May pag mamanahan pala ang apo.



"Okay lang Miss. Masayang kausap ang lola mo." ngiti nya.


"Ikaw na bata ka. Anong matanda? Mas malakas pa ako sa jowa mong mang iiwan." singit ng matanda kaya napatawa nanaman sya.






"Lola, nakakahiya ka. Pasensya na po Miss." tumingin ito sa kanya.




"Okay lang. Nakakatuwa nga ang lola mo."


She saw the girl smiled. Maganda ang babae at alam nyang hindi naka suot ng ano mang make up ang babae. Paano pa kaya kung mag lagay ito ng kolorete. Siguradong talbog sya sa ganda.





"Anyway, I'm Serafina. You can just call me Sera."





She smiled. "I'm Melissa, you can call me Mel." tanggap nya sa nakalahad nitong kamay.





"Ahm, una na kami. Baka malate kami sa tour." sabi nito.



"Sige. Ingat kayo." tas nakangiti syang lumingon sa matanda. "Ingat po kayo Lola. Enjoy!"





"O sya, mauna na kami sayo. Ikaw ang ingat. Baka ikaw ang mabingwit dyan at mangisda."






"Lola talaga, kung ano anong pinag sasasabi mo dyan. Nakakahiya." nahihiyang sabi ni Sera. Pag katapos ay tumingin ito sa kanya. "See you around Mel. Una na kami." paalam sa kanya nito pag katapos ay marahan nitong hinila paalis ang lola nito.


Seafarer Escapade 4: Clydell EscadejaWhere stories live. Discover now