Chapter 18

2.9K 60 6
                                    





"Where's Mr. Escadeja?" Melissa asked Clydell's roommates as she arrived to his cabin.




"Kanina pa namin syang hindi nakikita." sagot na isang lalaki.



Kanina pang mainit ang ulo nya dahil hindi nya mahalagihap ang binata. Hindi ito pumasok kanina sa trabaho nito. Buti na nga lang ay napag takpan nya ito kay Mr. Hernandez.



"Are you sure?" seryoso nyang tanong. Napatango nalang ang mga lalaking nasa harap nya. Dahil pakiramdam nya ay pinag tataguan sya ng binata ay nilampasan nya ang tatlong binata at pumasok sa cabin ng mga ito. Ng hindi nya makita si Clydell ay binuksan din nya ang banyo ng kwarto, pero wala parin ang binata.





"Fuck!" she cursed.



"Please tell him to report on me, once he got back. Okay!"



"Sure Melissa." sagot ng isang lalaki.




Pag katapos syang sagutin ay agad na din syang umalis sa cabin ng mga to. Hindi nya alam kung saan pa maaaring pumunta ang binata. Kanina pa syang pagala gala sa barko at hindi nya makita kita ang binata. Wala ring maka pag sabing may nakakita dito.


"Damn it Melissa! Ganan ka ba ka desperada para makita ang lalaking yon." mahina nyang turan sa sarili.

Halos ilang minuto syang naka upo sa may bench habang busy ang paningin sa paligid nag babaka sakaling makita ang binata. Pero wala parin ito.




Napapikit sya ng mariin dahil sa inis na nararamdaman. How dared him to make her feel like that? Ang hirap tanggapin sa kanya, na sya itong tila nahuhumaling sa pagitan nila ng binata.






Bigla na namang pumasok sa isip nya ang nangyari sa kanila ng binata. Nag init ang kanyang pakiramdam. At sa pag kaka taong iyon ay may idea na sya kung saan maaaring mag tungo ang binata.




Agad syang tumayo at una syang nag punta sa may tween deck. Pero nalibot na nya ang buong kwarto ay hindi nya nakita ang bakas ng binata. Napatitig nalang sya sa dalwang malaking kahon na naging saksi sa makamunduhang ginawa nila ng binata. Halos ay ilang minuto syang tulala doon bago mag tungo sa kwarto kung saan unang may nag yari sa kanila ng binata. Pag karating nya duon ay agad syang nag doorbell. Pero naka ilang pindot na sya ay wala pading nag bubukas ng pinto.






Kulang nalang ay sabunutan na nya ang sarili dahil sa inis na nararamdaman.




"Melissa, what are you doing here?"


Agad syang napa lingon sa baritanong boses na nag salita. Akala nya ay si Clydell na iyon pero iba pala kundi ang kaibigan nyang kapitan lang pala. Napa labi nalang sya at binalik ang tingin sa may pinto.




"Why are you doing here Melissa? Do you know the guest of this suite?" rinig nyang tanong ng kaibigan sa tabi nya.




Ang sabi sa kanya ni Clydell ay nakapasok sila sa suite nato dahil kaibigan nya ang may ari ng barko. Akala nya ay ang kaibigan nya ang tinutukoy pero mali pala. Kundi si Mr. Lozano. Agad syang napatingin kay Inigo.



"Do you know who's staying here?" curious nyang tanong.



"Hmm, no." iling nito sa kanya. Lalong nangunot ang noo nya. There's a big possibilities na nandito ang hinahanap nya, kaya muli niyang pinidot ang doorbell.



"Melissa, easy." pigil sa kamay nya ni Inigo at taka itong tumingin sa kanya. "Baka wala pa sa loob ang tao dito. Saka importante ba ang sadya mo dito?"





Seafarer Escapade 4: Clydell EscadejaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon