Chapter 22

3.3K 58 6
                                    





"Seriously Mel! You did that?"




Pinagdiin ni Melissa ang kanyang mga labi saka marahang tumango kay Sera.  Kanina pa silang mag kavideo call at kinikwento nya ang nangyari kahapon sa kanila ni Clydell.





"You're crazy Melissa, isang Clydell Escadeja na ang bumalik sayo tapos tinakbuhan mo pa. Nag pabebe ka pa gurl." Supladang turan sa kanya ng kaibigan.



"Well Sera, ayaw ko ng maging marupok no. Baka mamaya balak na naman nun kunin ang loob ko tas bigla nalang uli mawala na parang bula." Irap nya.




"Masyado kang exag mag isip. Malay mo usap lang naman talaga ang balak."




"No, dinala nya kaya ko sa loob ng kwarto. Anong iisipin mo dun? Mag uusap lang kami?ha? Eh ang lalaking panamang yun, wala yung idea na nakakapang akit na sya na hindi nya alam tapos----





Napairap nalang sya sa pag putol nito sa kanya sa pag sasalita.



"Eh diba sabi sayo let's talk somewhere private. Eh syempre ayaw nung may makakarinig ng pag uusapan nyo----



She gasped sarcastically at pinutol din nya ang kaibigan sa pagsasalita.



"Hindi dapat nya ko sa kwarto dinala, for sure binayadan na naman nya yung kwartong yun no. Saka alam naman nyang kokonti kaming tao na nadito sa barko. Kaya ang daming choices kung san nya kong parte ng barko dadalhin." Depensa nya.




"Hay naku Melissa, Sa palagay mo ba, sa ginawa mo hindi na kayo mag kikita? Maliit lang ang mundo, yung pinakaboss natin kaibigan yang ex mo. So expected mo na dapat na mag kikita parin kayo. Saka malay mo ba mamaya, guest mo pala sya sa barko. Saka he made time for you. Kita mo naman sa halip na sumama na sya sa mga kaibigan nya he chose to settle your misunderstanding. Pero ikaw tong maarte, nag pabebe ka pa----




"Correction! Hindi ko sya ex. Hindi naging kami and you know that Sera. Saka kung gusto nyang isettle yung mga misunderstanding namin dapat matagal na." Matinis nyang saad.




Napa isip naman sya bigla sa tinuran ng kaibigan. What if nga guest nila to mamaya sa barko. Bigla naman sya agad kinabahan. Sixteen days din ang tour nila, matagal tagal din yun. Paniguradong ma didistract sya sa isiping bigla nalang susulpot ang binata na parang kabute.



"Hoy Mel, tulala ka dyan. Overthink yarn? If I know iniisip mo na baka guest nyo nga sya mamaya." Utas nito.






"Well, bahala sya! Basta ako mag tatrabaho lang."



Napairap nalang sya at tinuon ang mga mata sa may bintana. Medyo naiinis sya sa kaibigan dahil parang sinisisi pa sya nito sa nangyari kahapon. Hindi nya kasalanan kung gusto nyang  ingatan ang dangal nya. Baka mamaya ay bigla nalang sya uli nito iwan. Nakakadown yun para sa kanya. Naapektuhan talaga nun ang self esteem nya. Tas nag ka trust issue pa sya.



"Ay sus! sya sige na Melissa. Next time na uli. Bye na. Andito na ang adonis ko."




Lumingon sya sa may cellphone nya, ng mag salita muli ang kaibigan. Halata nya sa mga mata nito ang pananabik at kilig. Kahit medyo inis ay mahina syang napahalakhal dahil sa tinuran ng kaibigan. Ang arte ba naman ng callsign nila ng manliligaw nito, Adonis at Aphrodite.




"Bye! Hi mo ko sa Adonis mo." She laughed



"Well, hanap kanarin ng Adonis mo no! Kahit si Clydell nalang. Bye Mel! Take care! Labyou!!"



Seafarer Escapade 4: Clydell EscadejaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt