Chapter Five

349 22 0
                                    

Jema

Nagising ako na may brasong nakapulupot sa bewang ko. Hindi ito agad na proseso ng utak ko pero nang mapagtanto ay bigla akong napabangon.

"Hmm it's early pa," Deanna complained pero nakapikit pa rin ang mata, maya-maya ay humihilik na ito ulit. Napaka-antukin naman nito.

Tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos at pagkabalik ko ay humihilik pa rin si singkit.

I poke her cheeks multiple times hanggang sa hahampasin niya sana ang kamay ko pero agad kong naiwas kaya sa mukha niya tumama.

"Ouch! What was that?" Napakagat ako sa ibabang labi trying to suppress my smile dahil sa mukha ni Deanna. Ang singkit niyang mata ay nanlalaki kasi sa gulat.

"Good morning Engineer Wong," nakangiti kong bati.

"J-jema? Did you slap me?" Nakahawak sa pisngi nitong tanong, hinihimas himas niya pa ito kaya di ko na mapigilang matawa.

"Sira! Ikaw sumampal sarili mo," putol putol kong sabi dahil mas lalo akong natawa sa pagsimangot ni Deanna.

"Why would I do that?" Ipapaliwanag ko na sana nang may mag doorbell.

"May bisita ka ata," sabi ko.

"I'm not expecting anyone today, tingnan ko lang muna and by the way good morning beautiful," nagulat ako nang lumapit ito sa akin at akmang hahalikan ako sa noo.

"Ay, no, di pa pala ako naghilamos mamaya na lang," nakatakip ang kamay sa bibig niyang sabi pero halata kong nakangiti kasi halos mawala na ang mata niya.

"Ewan ko sa'yo, puntahan mo muna ang bisita mo dito muna ako." Tinaas-taas lang nito ang kilay bago isara ang pinto.

Inilibot ko ang paningin sa kwarto, naalala ko na sa sala ako nakatulog kagabi. Ibig sabihin binuhat niya ako? Di ko alam pero biglang nag init ang pisngi ko sa napagtanto.

Ang ganda ng kwarto ni Deanna, ang boung unit niya kung tutuosin. It makes me wonder, bakit kailangan niya pang lumipat ng apartment kung may condo naman siya?

Iwinaksi ko nalang ang naisip at tumingin sa labas.

Deanna

Nakangiti akong naglalakad papunta sa pinto habang pinupunasan ang mukha, ikaw ba naman, makasama mo matulog at paggising yung taong matagal mo nang gusto.

Sinilip ko muna sa peephole kung sino at napakunot ang noo sa nakita. What is she doing here?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang babaeng naka red na polo at slacks.

"Engineer Wong hello," she held her hand for a handshake kaya tinanggap ko ito.

"Hello, if you don't mind, who are you?" Tanong ko kahit na kilala ko naman talaga siya.

"Oh my bad, I'm Sara, Engineer Sara Ruiz."

Tumango lang ako as an acknowledgement, "what brings you here Engineer Ruiz?" I asked, nahalata ko rin na mas tensyonado na siya ngayon.

"Ahm.. I saw you at the bar with uhm.. with Jema.. she's uhm," nauutal-utal nitong paliwanag. tsk.

Tinitigan ko lang siya ng walang expression ang mukha, so she saw me with Jema, eh ano naman sakan'ya?

"Jema, she's my girlfriend." May diin na nitong sabi at tinitigan rin ako sa mata.

Why does everytime I open a door tapos nasa unit ko si Jema may mga mang-iistorbo na kung hindi boyfriend eh girlfriend naman. Tsk.

But I'm not dumb. Kilala ko 'to. She's Jema's ex. EX.

I also know how she much she hurt my girl kaya di ako makakapayag na makalapit siya dito.

"I'm sorry Engineer Ruiz, nakalimutan mo yatang hiwalay na kayo?"

"Look, Wong, I just need to talk to her okay? Sige na naman oh."

"No. Umalis ka na before I call a guard at ipakaladkad ka palabas."

"Kayo na ba? Jowa mo na 'yong babaeng 'yon? Eh hindi nga 'yon maka move on sa akin," she said while smirking kaya kinwelyuhan ko na siya.

"Alam mo ba kung paano 'yan naghabol sa akin?"

"Go. Bago pa kita masapak," iwinaksi ko siya kaya muntik nang matumba. "You don't deserve her Ruiz."

"Tignan mo lang Wong, babalik din sa akin 'yang babaeng 'yan," pahabol niyang sigaw kaya isinara ko nang malakas ang pinto.

Babalik na sana ako sa kwarto pero natigilan ako nang maabutan ko na umiiyak si Jema sa sala.

"Hey, Jema," kaagad ko siyang nilapitan para yakapin.

"Ang.. Ang kapal.. Ang kapal kapal ng mukha niya .. matapos lahat ng ginawa ko para sakan'ya... Ang kapal.."

"Shh, di ko hahayaan na makalapit pa siya sa'yo okay?" Dmn you Ruiz. How can you hurt this perfect woman? Patuloy pa rin ito sa paghikbi sa mga bisig ko.

"Iuwi mo na ako Deanna.. I want to go home.."

"Yes my angel, babalik tayong Pasig pero kakain muna tayo okay? Ayaw ko na gutom ka habang bumabiyahe," Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya. Dahan dahan naman itong tumango.

"Okay..."

Hinayaan ko muna siya na mag-ayos ng sarili bago tumayo sa sala.

"Ahm Jema..."

"Hmm??" Namumula ang mata nito pero natigil na sa pag-iyak.

"Di ako marunong magluto," nahihiya kong sabi.

Mas lalo akong nahiya nang tumawa ito bigla, kakaiyak niya lang eh, baliw ka na Jema.

"Hoy! I'm serious Jessica!"

"Pasensya naman ang lakas kasing makasabi ng 'ayaw ko na gutom ka habang bumabiyahe'" hinawakan niya pa ang pisngi ko at ginaya ang ginawa ko kanina.

Kainis Jisika!

"Tapos di pala marunong magluto," pinisil niya ang pisngi ko na lalong nagpasimangot sa akin. "Halika na, ako na ang magluluto."

Naiwan ako sa sala na nakatingin lang sa likod niya, malakas din pala mang-asar 'tong babaeng 'to. Nakakapikon but I made her laugh, napangiti na rin ako dahil doon.

"Hoy, nangiti ka mag-isa diyan? Samahan mo na ako dito sa kusina." Napakamot ako sa batok bago sumunod. Mukha siguro akong timang habang nakangiti.

————

Nakabalik na kami sa apartment namin sa Pasig, pero tumambay muna kami sandali sa condo kanina at nanood ng Netflix. I discovered that we have the same favorite show. Grey's Anatomy!

It's 8 in the evening na at nandito kami sa rooftop, nagigitara lang si Jema habang ako ay nakatitig lang sakan'ya.

I couldn't believe na ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko ay kasama ko ngayon.

'pero di mo naman girlfriend'

napakagat labi ako sa binulong ng isip ko. Dmn.

Inisip ko ang mga nangyari nung isang linggo hanggang kaninang umaga. Tinignan ko ulit si Jema, worth it ba kung aamin ako? Paano kung hindi niya ako magustuhan?

She smiled.

And that's when everything falls into place, as longs as its her, it's for her, everything that I'll do is worth it.

"Jema.. I have something to tell you."

Someone to Hold (GaWong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon