Chapter Eight

406 28 5
                                    

Jema

"Hoy lukaret ka anong nangyari kagabi sa outing niyo? Kwento mo sa akin lahat bilis," napa-irap nalang ako sa kaibigan ko kasi kararating ko lang sa coffee shop tsismis agad gusto.

"Pwedeng maglapag muna ako ng bag bago chismis Kyla ano?" May pagka sarkastiko kong sabi atsaka inaantok pa ako kasi matagal kaming natapos ni Deanna kagabi, magkwentuhan. Kwentuhan lang okay?

Ininom ko muna ang cappuccino ko pampaggising, wala sana akong planong pumasok ngayon kaso kailangan kasi nag-cancel ng order namin this month ang coffee farm na pinagkukunan namin ng supply.

Ang loka tumawa lang sabay sundot sa tagiliran ko, "asus bawasan mo na pagsusungit mo Jema may engineer singkit ka na eh."

"Heh! Tawagan mo muna 'yong may-ari ng coffee farm, unahin muna natin 'tong problema natin bago lovelife ko Kyla," ginawa ko ang lahat para magtunog seryoso ang boses pero napangiti rin sa huli kong sinabi kaya tinaasan lang ako ng kilay ni Kyla habang tatawa-tawa.

Masungit ba ako? Di kaya.

Mabait nga ako sabi ni Deanna eh duh.

Speaking of that singkit ay biglang tumunog ang cellphone ko.

From:
Engineer Singkit <3

My angel? Bakit walang tao sa unit mo?

Hindi ako mahilig mag text kaya tinitigan ko muna ang message habang nag-iisip kung dapat ba akong magreply.

Mas prefer ko kasi talaga ang tawag.

Nang makapagdesisyon na akong magreply ay sakto namang tumatawag na ito.

"Jema?" Bakit parang ang lambing ng boses ni Deanna? Ganito ba dati siya magsalita?

"Hmm? Bakit?"

"Ah, eh kasi..." Naiimagine ko na nagkakamot ito ng batok kaya napangiti ako.

"Bakit engineer?" Ginaya ko kung gaano ka lambing ang tono niya. Bigla namang tumahimik ang kabilang linya kaya nagtaka ako.

"Deanna? Nand'yan ka pa?"

"Ahm, mag-oorder sana ako ng food para sabay na tayo mag lunch pero walang tao sa apartment mo," ngayon naman ay dire-diretso na nitong salita.

Cute.

"Sorry Deanna, nagka-emergency kasi sa coffee shop kaya kinailangan kong pumunta," paliwanag ko.

"Hmm? Dapat pala di nalang kita pinagod kagabi."

Di ako nakasagot agad sa sinabi nito. Hindi sa may iba akong iniisip ha. Wala lang, basta.

"Ah eh, what I mean is m-matagal tayong natulog kagabi kasi diba? A-ahm anyway anong gusto mong food my angel?"

"Jema, nasa labas ang anak ni Mr. Rivero gusto raw tayo makausap." Napatingin ako sa pinto kasi biglang sumulpot si Kyla.

"Engineer let's talk later, I have a meeting with our supplier pa eh," paalam ko sa kausap.

"Aw, okay my angel, take care."

"Ikaw rin po, ikaw na mag end sa call ha?"

Nilapag ko na sa table ang cellphone at nagpagpag ng pants bago tumayo.

——

"Ikaw?"

Natigil ako sa paglapit sa table kung nasaan si Kyla nang mamukhaan kung sino ang kasama niya.

"H-hi Ms. Galanza," tinaasan ko lang ito ng kilay bago umupo.

It's one of the guys from the club na lumapit sa amin ni Jennie. He's the son of our supplier?

Someone to Hold (GaWong)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum