Chapter Seven

393 32 1
                                    

Deanna

"Architect may lakad ka ba ngayon?" Tanong ko sa kaharap bago isubo ang Pringles chips.

Nag text kasi si Lisa na may outing daw kasama ang ibang kilalang mga Engineers sa bansa. Siyempre, kung pwede naman sumama 'tong angel ko bakit hindi ko siya aayayain diba?

"Hmm? Pupunta lang ako sa coffee shop ko at tatambay sa office, bakit?"

"Coffee shop mo?"

"Ah.. ahm yeah 'yong tinambayan niyo ng mga kaibigan niyo I'm a co-owner, yung bestfriend ko ang isa pang may ari."

My smile nang malaman ko na sakan'ya pala 'yong coffee shop kung saan kami nagkita nila Lisa disappeared immediately nang marinig ko ang huli nitong sinabi. Tsk.

"Ah 'yong feeling boyfriend mo raw? Si Johny?"

"Ha? Sira! Hindi si Johnvic," lingu-lingo niyang sabi habang nakangiti. "Si Kyla, bestfriend ko since elementary pa ako.

Hmp. Buti naman.

"Bakit mo nga natanong if busy ako?"

"Nag text kasi si Lisa na mag beach daw, I'm just trying my luck, you know," nag pout ako para magpacute sakan'ya pero wa'epek. Sinamaan ba naman ako ng tingin.

"Hmm? Overnight ba?"

"Ahm oo, since sa beach ata ng girlfriend niya kaya ayos lang."

"Okay sure sasama ako, tawagan ko lang muna ang kaibigan ko," paalam niya bago tumayo at lumabas ng unit ko.

Mag o-overnight kami ni Jema together?

MAG O-OVERNIGHT KAMI NI JEMA TOGETHER!!!

"Yes! Woohoo!" I started dancing out of happiness, I'll make sure na she will enjoy it.

"Tsamina mina, eh eh" ano kaya magandang gawin para patunayan sakan'ya na seryoso ako sa panliligaw ko. Hmm

"Waka waka, eh, eh?" Natigil ako sa pagsayaw.

"Jema! Bumalik ka, bakit?" Umayos ako ng tayo at nagkunwaring nagpapagpag ng damit. Hehe

"Ahm, naiwan ko ang cellphone ko," walang emosyon niyang sabi kaya nagtaka ako. Siguro di niya napansin na sumasayaw ako?

I hope so.

Pinulot ko ang cellphone niya sa sofa at lumapit para iabot, "here Jema."

"Thank you, mag ready lang ako ng gamit," I felt relieved kasi parang wala talaga siyang nakita. Mahal na mahal talaga ako ng universe.

I just stood there awkwardly habang sinasara ni Jema ang pinto. Tatalikod na sana ako para magpack ng gamit nang bumukas ito ulit.

"Deanna, nice moves," she said at kinindatan ako pero halata mong nang-aasar. Rinig na rinig ko pa ang tawa niya bago pumasok ng sarili niyang unit.

How many times will I embarrass myself sa harap ng nililigawan ko?!?

T_T

Jessica

Kanina pa ako pasulyap-sulyap kay Deanna sa driver side, ang tahimik kasi nito. Siguro nahihiya sa nakita ko kanina.

Di ko naman mapigilang bumungisngis nang maalala kung paano siya kumendeng kanina.

"Jessica, alam ko 'yang iniisip mo."

"Huh? Wala naman akong sinasabi na may iniisip ako," depensa ko.

"My angel, your giggles say it all," nakasimangot nitong sabi habang sa daan lang diretso ang tingin.

Someone to Hold (GaWong)Where stories live. Discover now