Chapter Six

329 31 2
                                    

Jema

"I was afraid this time would come, I wasn't prepared to face this kind of hurting from within..."

Kaya natatakot akong magtiwala ulit dahil sa ex ko. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon.

Sara was my girlfriend when I was still in college, maayos naman noong una. Sabay kaming nangarap, sabay na nangako pero anong ginawa niya?

Sabay rin sana kaming ga-graduate but her father died na siyang nagsusuporta sa kaniya. Anak kasi siya sa labas kaya nang mawala si Mr. Ruiz ay natigil rin ang tulong nito.

Ako naman si tanga. I suggested na magtrabaho at siya muna ang pag-aralin gamit ang naiwang pera ng papa ko para sana sa pag-aaral ko.

Hindi ko masiyadong inisip kasi isang taon lang naman, but what I discovered about her broke me. She cheated on me, with her classmate. Sinisi pa ako kasi lagi raw busy sa trabaho. Nakakainis ang katangahan ko sa babaeng 'yon.

Buti nalang may naitabi pa akong sapat para magtayo ng sariling business.

"Jema.. I have something to tell you."

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig na magsalita ang singkit na katabi ko. Nginitian ko siya, nakakagaan ng loob isipin kung paano niya ako pinagtanggol sa babaeng 'yon kaninang umaga.

"Ano 'yon Engineer?"

"I.. ahmm..." She's hesitant kaya napakunot ang noo ko.

"Ano nga 'yon Deanna?" Pinisil ko ang ilong niya para kasi itong kinakabahan at pinipigilan ang paghinga.

"Listen carefully okay?" Sabi niya habang seryoso ang mukha kaya tumango nalang ako.

"There was this girl noong first year college ako, I was bullied by my classmates at muntikan nang bumagsak sa isang subject buti nalang tinulungan niya ako at pinahiram ang gawa niya," walang putol na paliwanag nito, nalilito man, I gestured my hand na ipagpatuloy niya.

"Ever since that special day, I admired her, kahit na sa malayo lang ay tahimik ko siyang minahal," her eyes somewhat sparkle habang kinekwento ang "girl" na tumulong sakan'ya

"And?"

"It's you Jema."

Para akong nabato sa narinig, hindi ma proseso ng utak ko kaya hindi ako naka react agad. Ano ba ang dapat kong I react?

"D-deanna..."

"Let me court you my angel, please?"

"I don't know..."

Takot pa rin akong magtiwala sa totoo lang kaya hindi ko talaga alam, pero parang nabasa niya ang naiisip ko sa sunod niyang sinabi.

"Hayaan mong patunayan ko sayo na 'di niya ako katulad," pagmamakaawa ng kaharap ko.

Dmn.

Nginisihan ko lang siya.

"Narinig ko na 'yan dati," pero wala rin.

Tumalikod na ako at dumiretso sa pinto pababa ng rooftop bitbit ang gitara ko.

Pero bago ko pa mapihit ang doorknob ay sumigaw siya, "Jema! I'll court you wether you agree or not," tsk.

"I'll make you feel special everyday."

Makulit ka talagang singkit ka.

"Jema you deserve to be love, you deserve everything good in this world, I don't care if di ka pumayag na manligaw ako basta gagawin ko," natawa ako.

"Ang tanong, marunong ka bang manligaw?"

Sabi ko na nga ba. Natigilan siya sa tanong ko.

"I-i.. w-wala pa akong nagiging girlfriend," pag-amin niya habang nakayuko.

Someone to Hold (GaWong)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt