Chapter Two

640 50 6
                                    

Jema

Nakakainis!

Saan ko ba nailagay yung susi ko!

Kanina pa ako nilalamig dahil nabasa ako sa ulan, nasa katapat ng building na vulcanizing shop kasi ang kotse ko di ko naman alam na biglang bubuhos ang ulan.

"Susi! Nasaan ka na ba?!?" Ilang beses ko nang chineck ang bag ko pero wala talaga, pati sa bulsa wala.

Di ko rin pala nadala ang cellphone ko kasi naipatong ko sa headboard ng kotse.

Ow. Nasa headboard rin ng kotse ang susi. Napatampal ako sa noo. Kung babalik ako sa kotse mas mababasa ako lalo.

Jema naman eh. Nagmamadali kasi masyado.

"Jema are you okay?" Gulat akong napalingon nang may magsalita sa likod ko. Si Deanna.

"Y-yes," sagot ko habang nanginginig ang bibig sa lamig.

"Wala kang susi?" Tumango ako.

"Halika pasok ka muna sa unit ko," alok niya.

"H-hindi na."

Nakakahiya naman kasi. Napakagat ako sa labi ko nang tumalikod ito at pumasok sa unit niya.

Di man lang namilit?

Sobrang lamig na talaga. Sumandal ako sa pader, umupo at niyakap ang sarili habang nakayuko.

Maya-maya ay naramdaman ko na may pinatong sa balikat ko.

Tuwalya?

"Magkakasakit ka n'yan eh. Halika na," inalalayan niya akong makatayo.

Di na rin ako makatanggi dahil sa sobrang nilalamig na talaga ako.

"Pasensya, medyo magulo," sinalubong ako ng mga papel na nagkalat sa sala. Blueprints?

"Ahm Jema, mag shower ka muna," sabi ni Deanna.

"W-wala akong damit."

"P-pwede naman kitang pahiramin, may unused undergarments din ako."

Nag-isip muna ako sandali, nakakahiya kasi. Pero basang-basa na talaga ako.

"S-sige."

"Lika na sa kwarto ko," hinawakan niya ako sa bewang kaya napaigtad ako.

"A-anong kwarto?" Baliw ba siya? Pinapaligo niya ako tapos dadalhin niya ako sa kwarto?

"Ano kasi.. di pa gawa yung shower dito sa labas, y-yung sa kwarto ko lang na banyo ang available."

I bit my lip. Oo nga naman pwede namang nasa kwarto yung banyo diba Jema.

"U-una ka na sunod lang ako."

Nakatingin lang ako sa likod ni Deanna pero sinisilip-silip ko din ang unit niya. Mas malaki to kesa sa akin ah, parang tatlong unit na pinagsama.

"Ahm... Is there something wrong Jema?"

"W-wala I just notice, your unit is bigger than mine." I answered while shivering. Sa dalawang taon ko rito, this unit has never been occupied, ayos lang naman 'yon kasi tahimik ang paligid ko. Mas naging convenient nga for me na walang tao sa katapat na kwarto.

"Ah eh, t-this room is ahm kinda designed for me." I nodded at her reply, I could see naman na may kaya siya, halata kaya di na ako nagtaka.

Nang nasa harap na kami ng shower room ay pinagbuksan pa ako ni Deanna.

"Thank you so much." I said bago isara ang pinto, nakita ko naman siyang namula at ngumiti.

When I turn around I didn't expect what I saw. A jaccuzi? Tapos may sliding glass door at nandoon ang shower.

Someone to Hold (GaWong)Where stories live. Discover now