CHAPTER 14

179 8 0
                                    

Chapter 14

“Thank you? Iyon talaga ang isinagot mo sa kanya?” Matapos kong magkwento kay Rhian, nahihiyang napatango ako sa tanong niya saka ito humalakhak nang malakas. Napahawak pa siya sa tyan niya gawa ng katatawa na akala mo’y wala ng bukas. “Sorry. I can’t help it. Ang epic mo lang talaga.”

“Nabigla kaya ako. Ikaw kaya ang sabihan bigla ng gano’n!” Napasimangot na lang ako dahil tumawa na naman ito, ni walang pakialam sa ibang mga customers na nandirito sa cafe at pinagtitinginan kami. Akala siguro ng mga ito’y nababaliw na ang kasama ko.

I know, that was indeed epic. Sadyang hindi ko lang alam kung bakit thank you ang naisagot ko sa I love you ni Ellie. I was shocked though. I mean, the atmosphere was nice. We’re casually talking to each other that night. I just didn’t expect him to tell me that. Talagang nabigla ako ng sobra.

“Tapos nag-you’re welcome siya sa’yo sa text?” Kagat ang labing napatango ako at gusto ko na lang ibuhos ang kapeng in-order ko dahil sa reaksyon ng babaeng ’to. Kulang na lang na maglupasay ito sa katatawa lalo na noong ipakita ko mismo ang message ni Ellie sa akin. May emoji din kasi ang message niya, halatang nang-aasar din sa akin.

“I like Ellie’s attitude. I really like him for you.” Gusto ko sanang maniwala sa babaeng ’to kaso puro kalokohan naman ang sinasabi niya.

Ilang linggo na rin naman ang lumipas noong sumapit ang bakasyon at nagagawa pa rin naman naming magkita nito. May time din na bigla na lang siyang bibisita sa bahay na hindi man lang ako sinasabihan. Alam mo ’yon? Magugulat ka na lang na paglabas mo ng bahay, bigla na lang siyang nasa gate. Madalas pa ay siya ang kusang nagbubukas doon.

Kami ni Ellie ay okay lang din. Masasabi kong mas nagiging close at kumportable kami sa isa’t isa. Bumibisita rin ito sa bahay na siyang mas gusto ng parents ko. Last lang na pagpunta ko sa bahay nila ay noong naglunch kami pero kapag tumatawag siya sa akin o kaya ay ako ang tumatawag sa kanya, lalo na kapag video ay call ay kinakausap at kinukumusta naman ako ng pamilya niya.

“Kumusta ka sa bahay niyo?” I diverted into another topic, just to not let this girl pester me in my embarrassment.

Noong bakasyon kasi ay pinilit siya ng Dad niyang doon muna siya tumira sa bahay nila. Usapan din kasi nilang mag-ama na mag-i-stay lang ito sa condo niya kapag may klase. Now that it’s vacation, she has to stay with them in their house.

“Ayon, araw-araw nagtitiis.” Kulang na lang na umusok ang ilong nito.

“Bakit ba hate na hate mo na sila Tita Margaret at Ate Erica ngayon? Close mo naman sila dati, ah?”

“Exactly, dati. Hindi na ngayon,” pagdidiin niya. Kung kanina lang ay grabe itong makahalakhak, ngayon naman ay parang gusto niyang pumatay ng tao.

“Bakit nga?” Hirap namang kausapin nito. Hindi pa ako diretsuhin, e.

“Basta, ayoko silang pag-usapan. Araw-araw na nga akong nabuburyo sa kanila sa bahay, pati ba naman dito? Please lang, maawa ka sa kalagayan ko, Jana,” she huffed. I just glared at her. Paano akong maaawa, e, wala akong alam sa kung anong nangyayari sa kanya? Sa bahay nila?

Bago kami umalis sa cafe na ’yon ay nagtake-out ito ng ilan sa mga best menu nila katulad ng cream puffs saka black pudding. Sabi ko ay pati sina Tita at Ate Erica ang bilhan niya pero pinaikutan lang ako nito ng mata. We headed back home after that.

One evening, Ellie and I agreed to go to the night market in another municipality. Nag-open kasi ’yung kabilang bayan ng night market. Ang sabi ng mga kaklase ko na taga-roon ay may mga rides din daw sila.

Pagdating namin doon ay nagmiryenda muna kami nito. Bawat sulok kasi kung saan nakapuwesto ang night market ay may mga food stall. Karamihan ay mga street foods. May mga nagtitinda rin sa kada gilid. Ang iba ay branded na mga damit, ang iba naman ay mga ukay-ukay at iyon ang talagang pinipilahan ng mga taong nandito.

Flames of the Heart (Flames Series #2)Where stories live. Discover now