CHAPTER 17

168 7 0
                                    

Chapter 17

After the university’s anniversary, a lot of organization invited the Instant Dreamer but most of which were declined by them because they wanted to just focus on their studies, except the offer of Roantor Bar where they celebrated their third anniversary before.

Ang kwento ni Ellie ay roon sila naggi-gig noon lalo na noong nagsisimula pa lamang sila. Ang bar na ’yon din daw ang nagpahiram ng mga instrumentong kakailanganin nila. Kumbaga naging training ground nila iyon kaya hindi nila magawang tanggihan. Sabi nila ay magagamit din naman daw nila sa pag-aaral ang mga maiipon nila, saka Lunes, Miyerkules, at Biyernes lang naman daw sila roon. Besides, they can inform the bar’s manager beforehand if ever they can’t perform.

Bumaba ako sa van nang huminto iyon sa Rancho nila Vice Mayor. Sumama kasi ako kay Papa dahil may meeting sila rito. Sila Mama naman ay may pinuntahan at isinama niya sina Jaden at Jennica. Ayaw ko namang maiwang mag-isa sa bahay kaya sumama na lang ako rito. Akala ko nga sa Mansion de Montecilla ang meeting place nila Papa pero dito na lang daw sa Rancho.

“Saan meeting niyo, Pa?” I asked him.

“Doon sa library. Dito ka na lang muna.” I nodded to my father. As he headed to the library, I led the way to the helipad. There, I saw Lorine, sitting alone in the resting area. I called her and she was so glad when she saw me.

“Ate Ja!” niyakap ako nito’t iginiya sa katabi niyang upuan. “Kanina ka pa rito, Ate?”

“Not really. May meeting daw sila Papa sa library. Dito naman ako dumiretso, tapos eksaktong nakita kita.”

Lorine was Vice Mayor’s second child. Because both of our fathers were in politics, we were able to build a friendship. One more thing, our fathers were best friends that is why. Mas ahead nga lang ako ng dalawang taon sa kanya.

Nagpatawag ito ng katulong nila para mabigyan din ako ng mimiryendahin. When came, we wasted our time catching things up. Having nonstop chat, a golf cart came and Timothy came out from that. Tinawag siya Lorine. Nang makita niya kami ay lumapit siya sa amin. Timothy greeted me and I smiled at him.

“Kuya, limit yourself. Taken na ’yang si Ate Jana.” Natawa na lamang ako kay Lorine. She used to tease her brother on me. Sinasabi niyang crush daw ako ng Kuya niya. Noon, hindi ako naniniwala, pero habang tumatagal ay nararamdaman ko ’yon sa tuwing kasama ko siya.

“Don’t mind that brat, Jana. Maiwan ko kayo r’yan.” Tumango na lamang ako sa kanya. Nang maiwan muli kami ni Lorine ay itinuloy namin ang kwentuhan naming dalawa.

Bali whole day kaming nagstay ni Papa doon. Alas kwatro na ng hapon noong umuwi kami sa bahay.

School days came quickly after the weekends. Ellie’s schedule was not that tight compared to mine which was every day, there was no time that our professor would not give us activities. My classmates would sometimes joke that they were so generous. Wala naman kaming choice kung hindi sagutan ang mga iyon. Ayaw naman namin ng mababang grado.

Ellie’s band has already started their gig at Roantor Bar. Gusto nga ako nitong isama pero sabi ko ay next time na lang dahil tambak ako ng mga gawain ngayon. Siguro kapag marami na akong bakanteng oras.

Sinundo pala niya ako kanina sa room kaya heto kami’t magkasama ngayon sa cafeteria. Since we were talking about his band and the gig, I asked if Lara was part of it. Hindi naman daw. Nakasama lang daw nila ito noong nagperform sila sa anniversary ng school dahil ’yung trainor nila mismo ang nagrequest na sumali si Lara sa kanila.

“Bakit pala kayo nagbreak nung Lara?”

Ellie looked at me. I know he didn’t expect that question from me. “Do I have to tell you that?” nag-aalangan niyang tanong.

Flames of the Heart (Flames Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon