CHAPTER 37

295 10 0
                                    

Chapter 37

I gulped hard and continued sniffing as tears kept evading my whole face. Hindi ko na inabalang punasan pa ang luha ko at hindi ko inintindi kung nakikita ako ngayon ng ibang tao. Punung-puno na kasi ako at hindi ko na kayang magsinungaling pa sa sarili kong okay lang ako kasi kahit anong gawin ko, lalo lang dumadagdag ’yung sakit sa puso ko.

“Wife...” agad akong napaharap kay Ellie nang marahan niyang hablutin ang kamay ko. “I’m really sorry,” paumanhin nito sa akin at kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil hinaharang ito ng mga tubig sa mata ko, nagawa ko pa rin siyang tignan.

I can read how sorry he was, but it was not enough to curb down the pain. It will never be enough.

Ellie stepped forward and I didn’t protest when he dried my tears using his thumb. He softly touched my face like I was a glass that he doesn’t want to break. Pero basag na ako. Basag na basag na.

Napalunok ito at tinignan ako sa mata. “Get mad at me all you want, baby. Punch me, slap me, do anything to me. I’ll accept it.”

Muli nitong pinunasan ang luha ko. “Even if I apologize to you million times, I know you won’t forgive me and I understand that because in the first place, it was all my fault.”

Ellie also sniffed as he’s trying not to be in tears. “Pasensya na sa inasta ko kanina, pero anak ko kasi ’yon, e. I’m not doing this because I love that woman. Alam mong ikaw lang ang mahal ko, ’di ba? Pero natatakot kasi akong masaktan mo si Lara at manganib ’yung buhay ng bata. Naiintidihan mo naman ako, ’di ba?”

“Oo, naiintindihan kita, pero alam mo bang d’yan sa kabutihan mo ako nasasaktan?” muli akong suminghot at kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang luha ko.

“Alam mo bang sobrang laking pasasalamat ko dahil ipinakita mo sa akin, lalo na kay Jace, kung gaano ka kabuti, mapagmahal, at maalagaang ama?” saad ko ngunit marahas ko ring inalis ang kamay niya sa pisngi ko.

“Pero putangina, Ellie! Ang sakit pa lang makita na ’yung kabutihan na ’yon ay ipinapakita mo rin sa iba!” I screamed my heart out.

“Baby—”

“Don’t touch me!” Humakbang ako palayo sa kanya pero pilit ako nitong hinawakan. “I said don’t touch me!” I angrily exclaimed at him. “Bumalik ka na sa babae mo! Nakakadiri kayo!” saka ako mabilis na tumakbo palayo sa kanya at wala akong balak na lingunin siya kahit ilang beses pa niyang tawagin ang pangalan ko.

Patakbo akong pumasok sa kotse at halos mahulog pa ’yung susi nang balak ko iyong paandarin. Nanginginig kasi ang kamay ko at hindi ko makontrol ang nararamdaman ko.

Sa kahabaan ng kalye, para akong nakikipagkarera sa ibang kotse at ang halos isang oras na sana ay byahe, inabot lang ’yon ng kalahating oras sa bilis ng pagpapatakbo ko.

Nang makarating sa bahay, ni hindi ko na ipinasok ’yung kotse. Inihinto ko lang siya sa tapat ng gate at mabilis na pumasok sa bahay. Nanay Corsing asked what’s happening and why I am crying, but I walked straight to the room and took a suitcase.

Patuloy na nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang isa-isa kong isinilid sa maleta ang mga damit ko. Sa pagmamadali ay ni hindi ko nakuha ang lahat. I just took the things that I think I will be needing. Saka ako lumabas at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Mula sa kaunting espasyo, kumuha rin ako sa mga damit ni Jace at isiniksik ’yon sa maletang dala ko.

“Mommy, why are you crying? Mommy, are you leaving?” sunud-sunod nitong tanong sa akin habang hawak-hawak ’yung spiderman niyang laruan.

Pasikreto kong pinunasan ang luha ko saka mapait na napangiti sa anak ko. “We’re leaving, baby. Let’s go.” Kinuha ko ang kamay nito kasabay ng paghila ko sa maleta palabas.

Flames of the Heart (Flames Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon