CHAPTER 29

189 9 0
                                    

Chapter 29

“Masaya ako para sa inyo. You need to take good care of yourself, Jana. Huwag gawin at kainin ang mga bawal. For sure your obstetrician already told you stuff like that,” Mama said when we visited them here in the house. Nakwento ko na kasi sa kanilang buntis ako. “Sino pala OB mo?”

“Si Doc. Jacqueline, Ma, ’yung OB sa subdivision dati.” Tumango naman ito sa akin. “Kumusta, Ma? Tuloy ka pa rin sa pagtuturo sa university?”

“Oo. Malayo pa naman bago ako mag-retire,” anya sa akin. 53 years old pa lang kasi Mama kaya matagal-tagal pa bago siya magretiro kasi 65 years old ’yung mandatory retirement age ng university professor. Sobrang mahal niya rin kasi talaga ang pagtuturo.

Iyong mga kapatid ko naman ay maayos ang lagay. Nagtatrabaho na si Jennica sa isang hotel ngayon. Si Jaden naman ay kolehiyo na, kumukuha ng marine course.

“Anak, alam na ng parents mong buntis si Jana?” my mother referred to Ellie.

“Opo, Ma. Nasabi na po namin sa kanila,” sagot niya rito. Mama na rin kasi ang tawag ni Ellie sa Mama ko pero Tita pa rin ang tawag ko sa Mommy niya. I tried to call them the way Ellie named them, but I’m used to calling them Tita and Tito.

“Kumusta magbuntis si Jana?” tanong bigla ni Mama kay Ellie.

“Okay lang naman, Ma. Parang normal na Jana lang din.”

“I bet you’re wrong about that. Jana’s in her first trimester so expect that she’ll have different mood swings and she, for sure, will crave some weird and unusual food. Habaan mo na lang ang pasensya mo kapag nagkataon.”

Tumaas ang sulok ng labi ko’t maging ang isa kong kilay. “Ma, kung makapagbigay ka ng warning kay Ellie, para namang nakakatakot akong magbuntis.” Para namang pinagkakaisahan ako ng mga ito’t tinawanan lamang ang litanya ko.

“What’s wrong? It’s better that way so he could prepare himself beforehand.”

“Ewan ko sa’yo, Ma.” Their laughter followed again and our informal talk continued like that, and my pregnancy is still the subject.

Buong araw kaming nagstay kina Mama. Doon na rin kami natulog dalawa ni Ellie. Umuwi lang kami sa bahay noong mag-uumaga na dahil wala akong pambihis. May trabaho kasi ako ngayon at kailangan kong pumasok.

About my co-workers in Lartek, they already knew that I’m pregnant. Dalawang buwan pa lang naman ’yung ipinagbubuntis ko kaya magaan pa ang mga galaw ko. Besides, my work requires me to just stay at my table and nothing more because everything is on the computer, so there’s nothing to worry about.

I was sleeping peacefully but it ceased when my stomach’s feeling something. Maingat akong bumaba ng kama saka mabilis na nagtungo sa banyo’t pagkatapat ko pa lang sa bowl ay agad akong sumuka.

Patuloy pa rin ang aking pagsusuka hanggang sa maramdaman ko ang paghagod-hagod ni Ellie sa aking likuran. Nang masiguro kong wala na akong mailalabas pa, tumayo ako’t napaupo roon sa sink. Binasa ni Ellie ’yung towel gamit ang medyo mainit na tubig saka niya iyon ipinangpunas sa mukha ko.

“Feel better now?” tango lamang ang naisagot ko rito.

“Anong oras na?”

“It’s quarter to four in the morning.”

I showed him an apologetic smile. “Sorry. You should still be in a deep slumber right now, but here you are—”

“Hey,” he sofly halted me. “It’s normal for you to have morning sickness because you are pregnant, and please, don’t feel sorry, baby. Hindi rin naman ako makakatulog kung ganito ’yung nararamdaman mo. I’m your husband so let me share the pain you’re suffering,” hinaplos nito ang pisngi ko. “Stay here. I’ll get you new clothes.”

Flames of the Heart (Flames Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon