CHAPTER 5

307 8 0
                                    

Gumising ako ng maaga para tulungan ulit si Mama na mag tinda.

Naligo muna ako para naman maganda at presentable ako pag nag tinda na.

Pagkayari ko pumunta na ako sa kusina para tignan si Mama na nag luluto do'n.

"Ma, Tulungan na kita d'yan." presinta ko.

Ngumiti naman si Mama sa'kin saka binigay 'yung sandok para ako na ang mag luto.

Kinuha ko naman 'yon at nag simula ng mag luto.

Si Mama naman ay pumunta sa likod para mag laba ulit.

Tinapos ko na lang ang pag luluto para maaga akong makapag tinda.

Nang matapos ko na lahat lumabas muna ako at pumunta sa likod para sabihin kay Mama na tapos na ako.

"Mama tapos na ako, Aalis na ako mag tinda lang ako, balik ako mamaya 'pag tapos na ako sa pagtitinda ko." paalam ko kay Mama.

"Mag iingat ka huh? Pag naubos na umuwi ka na agad h'wag ka pumunta sa malayo huh?"

"Opo, sige po Ma, alis na ako." sabi ko saka umalis na.

Kinuha ko muna 'yung paninda bago ako lumabas.

Nang nasa labas na ako, bumuntong hininga muna ako bago sumigaw.

"Bili na kayo, turon limang piso lang!" sigaw ko.

"Bili na, bili na kayo!" sigaw ko ulit.

Pumunta ako sa may malapit sa tindahan at saka inalok ang mga tambay 'don.

"Ate, Kuya bili na po kayo ng turon limang piso lang po." sabi ko do'n sa may nakatambay sa tindahan.

Tumingin naman sila sa akin at saka ngumiti.

"Pabili ako limang turon!" sabi ni Ate.

Kumuha naman ako ng plastic at saka ko nilagay do'n ang turon at saka ko inabot kila Ate 'yung turon kaya inabot din nila sa akin 'yung bayad kaya kinuha ko naman ito.

Nang nakabili na sila umalis na ako at saka sa iba naman ako nag tinda.

Ilang oras pa ako nag titinda at unti na lang at mauubos ko na ang paninda ko.

Pumunta naman ako do'n sa may gawing dulo na may malaking bahay at may hardin din ito.

Mula no'n gusto ko na talaga dito makapasok pero hindi naman ako makapasok dahil masungit 'yung mayari ng bahay.

Kahit takot ay nag door bell ako.

Narinig naman ito ng guwardiya kaya lumabas siya para tanungin ako.

"Ano 'yon ineng?" tanong nito kaya naman ngumiti ako na parang nahihiya saka ako nag salita.

"Uhm... turon po bili napo kayo." nahihiyang sabi ko naman.

"Sige bigyan mo ko ng anim na turon para bigyan ko rin 'yung mga kasama ko." sabi niya kaya naman napangiti ako.

Binaba ko muna sa lamesa ang lalagyanan ko at saka kumuha ng plastic para ilagay ang turon na tinda ko.

"Ito na po, oh!" sabi ko saka ko inabot yung binili niya.

Naka ngiti niya naman itong kinuha.

"Oh, ito ang bayad ko, balik ka ulit dito at bibili ulit ako!" sabi niya naman kaya naman napangiti ako ng malaki.

"Salamat po, salamat po talaga." sabi ko naman.

"Sige na at mag tinda ka na ulit para maaga kang maka ubos." sabi naman niya kaya naman tumango ako saka ko binuhat ulit 'yung lalagyanan ng tinda ko at umalis na.

Papa alis na ako ng may mag salita.

"Wait!" sigaw mula sa malayo kaya naman napalingon ako kung sa'n galing ang boses na 'yon at nakita ko naman si ano wait ano na nga ulit pangalan no'n?

"Bakit?" tanong ko nang makalapit na siya.

"A-ano 'y-yang tinda m-mo?" hinihingal na sabi niya kaya napag alaman ko na parang tumakbo pa siya.

"Turon bakit? Bibili kaba?" tanong ko naman, tumango naman siya agad.

"Oo, pabili ako lima, masarap ba 'yan?" tanong niya na parang ngayon lang niya kakainin 'yung turon.

"Hindi mo malalaman kung hindi mo titikman." sabi ko naman kaya naman parang narinig ko na tumawa si maning guwardiya na ando'n pa pala.

"What so funny?" pag tataray nito.

"W-wala po sir." takot na sabi nito saka tumalikod at pumunta sa desk niya.

'Sir? 'edi amo niya 'to? wow big-time pala 'tong kaharap ko, eh.'

"Hey, I said pabili ako lima." sabi niya kaya naman sa kan'ya napunta ang atensyon ko.

"Uhm... Wait lang." sabi ko saka ulit ako lumapit sa may lamesa ni manong gwardya para do'n ilapag ang lalagyanan ko.

Kumuha ulit ako ng plastic para do'n ilagay ang turon na binili niya, at pagkatapos inabot ko na sa kan'ya.

Pagka kuha niya ng turon para pa siyang nag tataka na ano, eh.

'Ngayon lang 'ata naka kita 'to ng turon, 'no?'

"Tikman mo na." sabi ko saka inabangan siya na kainin yung turon.

"Uhm... ano mamaya na lang, oh ito bayad ko." sabi niya saka tumalikod kaya naman natawa ako sa inasta niya.

"Kainin mo 'yan mamaya, huh? 'pag 'yan hindi mo kinain hindi ka na makakalabas dahil aabangan kita sa kanto." banta ko sa 'kanya kaya naman humarap siya sa'kin at saka inirapan.

Natawa naman ako pati na rin si manong gwardya ay natawa na rin.

"Bye po, hoy bye na kainin mo 'yan, huh?" paalam ko at saka ako sumigaw kay alex ba 'yon? Ay basta 'di ko alam at nakalimutan ko 'yung name niya.

Nag paalam ulit ako at saka na umalis.

Habang nag titinda ako do'n ko lang napagtanto na 'don pala siya naka tira? Pero 'di ba masungit 'yung nakatira do'n? Baka Lola niya 'yon?

Tinigilan ko munang magisip at nag focus na lang ako sa pagtitinda.

Nang makatapos na ako ay pumunta muna ako do'n sa may bilihan ng pugo na lagi kong binibilhan ng pugo.

Nang dumating ako do'n alam na agad ni Manong Makoy 'yung bibilihin ko kaya hindi na siya nag tanong at nag luto na lang.

Ginawa ko na lang muna ang lagi kong ginagawa dito.

Umupo ako sa gilid para tignan ulit ang langit.

Namangha naman ako sa ganda ng langit ngayon dahil ito ay kulay kahel.

Ang ganda tignan ng langit ngayon kaya parang nawala ang pagod ko ngayon araw.

Ilang minuto pa ako nag hintay bago maluto ang binili ko.

Nang makuha ko na ang binili ko umalis na ako at umuwi na ng bahay.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now