CHAPTER 8

294 9 0
                                    

"Dahil sa mata ko." sabi ko at do'n lang siya tumingin sa mga mata ko.

"Bakit ano bang problema sa mga mata mo?" tanong niya pero hindi ako sumagot at nakatingin lang sa mga mata niya para basahin ang iniisip niya ngayon.

"Wala akong nakikitang mali sa mga mata mo at para sa'kin napakaganda ng mga mata mo." sabi niya sa'kin kaya ngumiti ako sa kan'ya.

"Pero iba ang pag-iisip nila sa pag-iisip mo." sabi ko.

"Kung ganon? Bakit hindi mo na lang sila hayaan? At h'wag pakinggan? Hayaan mo na lang sila kung ano 'man ang sabihin nila sa'yo at sa'kin ka lang makinig dahil walang mali sa'yo 'yang mga mata mo ay maganda naiintindihan mo?" mahabang sabi niya kaya wala na lang akong nagawa at tumango na lang.

Humiga ulit ako sa duyan at nilagay ang braso sa mga mata dahil nasisilaw ako sa liwanag.

Pumikit ako at nag salita ulit.

"Para kang si Mama, ayaw na ayaw akong makipag away, eh ginagawa ko lang naman 'yon dahil alam kong tama ako, eh." sabi ko habang nakapikit.

Hindi ko siya narinig na nag salita at buntong hininga niya lang ang narinig ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag isip-isip na lang.

Habang nag iisip hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Nang magising ako hindi ko nakita si Alexander, at hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Nang hindi siya mahanap ay pumunta ako sa tulay para tignan kung nandoon nga siya.

At tama nga ako at andoon siya kung saan kami nakaupo nung nakaraan.

Lumapit ako sa kan'ya at doon lang naging malinaw sa'kin na may kinakain siya.

Lumapit pa ako at ng makita ko ng maayos napag alaman kong turon ang kinakain niya.

'Teka? Saan naman siya bumili ng turon? kay Mama kaya? Kung ganon ay nag kita na sila?'

Nang makalapit na ako sa kan'ya saka pa lang siya tumingala para tignan ako.

Ngumiti siya ng makita ako samantalang ako ay umirap lang at saka umupo sa tabi niya.

"Buti gising ka na." sabi niya habang ngumunguya.

"Lunukon mo muna 'yan bago ka mag salita." sabi ko habang nakatingin sa harap namin na ngayon ay wala ng araw at natatabunan na ng ulap na mukang uulan pa 'ata.

"Buti gising ka na." ulit niya sa sinabi niya kanina.

"Oo nakikita mo naman sana 'di ba? andito ako sa tabi mo, oh? Malamang gising na ako." mataray na sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa.

"Ang sungit mo naman ganyan ka ba pag gumigising bad mood agad?" sabi niya pero hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa tubig na nasa baba ng tulay.

"Oh, ito tinirhan kita." abot niya sa'kin na isang plastic na may lamang turon kaya kinuha ko ito at napangiti.

"Ay, buti naman at nag alok ka." Nakangiting sabi ko habang inaalis ang plastic.

"'Yan lang pala ang magpapa wala ng bad mood mo?" sabi niya pero 'di ko na lang siya pinansin at kumain na lang.

"Mama mo ba 'yung nag titinda niyan?" tanong niya kaya naman nabulunan ako sa sinabi niya agad niya naman hinagod ang likod ko pero umu-ubo pa rin ako.

Agad siyang tumayo at tumakbo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero hinayaan ko na lang at saka inayos ang lalamunan ko.

Ilang minuto umayos naman ang lalamunan ko kaya nakahinga na ako ng maayos pero hindi pa dumarating si Alexander.

Ang haba naman ng name niya pwede kayang Alex na lang? O kaya 'yung second name niya kung meron 'man siya niyon.

Ilang minuto lang nakita ko na si Alexander ng tumatakbo habang may hawak ng... isang boteng mineral.

Nang makalapit siya sa'kin agad niya itong binigay sa'kin kaya tinanggap ko na lang ito at ininom ito para hindi sayang effort niya dahil ayos naman na ako.

"Grabe... ayos... ka na... ba?" hinihingal na sabi niya kaya naman tumango na lang ako.

"San ka naman pumunta?" tanong ko dahil hindi ko rin alam kung saan siya pumunta.

"D'yan sa... may tindahan... bumili ng tubig!" hinihingal pa rin na sabi niya kaya sa kan'ya ko binigay 'yung tubig na hawak ko dahil nakainom na rin naman na ako.

"Oh, ito na ikaw yata ang may kailangan sa tubig, eh ayan na uminom ka na nakainom naman na ako, eh!" sabi ko saka ko hinawakan ang kamay niya para ilagay ang tubig sa kan'ya.

Tinanggap niya naman ito pero tinignan niya muna yung bote saka tumingin sa'kin kaya napairap naman ako.

"H'wag kang maarte nag toothbrush ako kaya malinis 'yan inumin mo na." sabi ko, wala na rin siyang nagawa at ininom niya rin naman ito.

Nang matapos siya nilapag niya muna ito.

"Wala naman akong sinasabi, eh." sabi niya pero napairap na lang ako at hindi na lang siya pinansin.

"Ay balik tayo, Mama mo ba 'yung nagtitinda niyan?" tanong niya.

"Oo." sagot ko sa tanong niya.

"Ang ganda ng Mama mo kamukha mo." sabi niya naman kaya ngumiti ako ng maliit saka tumingin sa kan'ya.

"Pero magkaiba kami ng mata." sabi ko kaya naman napatingin siya sa'kin.

"Ano bang problema d'yan sa mata mo at ayaw mo sa mata mo?" tanong niya.

"Kasi nga lagi kong naalala lang ang Papa ko na hindi ko naman kilala, sa dami ng matang pwede kong pag manahan bakit sa Papa ko pa?!" galit na sabi ko pero agad din akong umiwas para pigilan ang emosyon ko.

"I'm sorry." sabi niya kaya naman napatingin ako sa kan'ya.

"Bakit ka nag so-sorry?" tanong ko dahil wala naman siyang ginawang masama at ako nga dapat ang mag sorry dahil nasigawan ko siya.

"Wala lang feel ko lang mag sorry." dahilan niya.

"Dapat ako ang mag-sorry dahil nasigawan kita, kaya sorry Alexander." sabi ko kaya naman napangiti siya sa sinabi ko.

"Bakit ka nakangiti?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil ngayon mo lang ako natawag sa pangalan ko." sabi niya kaya napa irap naman ako.

"May second name ka ba? Ang hirap banggitin ng Alexander sobrang haba." sabi ko dahil ang haba naman talaga.

"Miller, Alexander Miller Walker ang full name ko, ikaw ano full name mo Elle?" sabi niya.

"Ang galing ng name mo, panay R ang dulo. Aubrielle Aria Sullivan ang full name ko pwede mo ko tawaging Elle o kaya Aria kung saan ka masaya, and Miller na lang ang itatawag ko sa'yo para madali." sabi ko.

"Aria." sabi niya kaya naman napangiti ako.

"Miller." sabi ko rin sa pangalan niya kaya napangiti rin siya.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now