CHAPTER 18

265 6 0
                                    

"Anong gagawin natin d'yan Great Master?"

"Hayaan muna natin siyang magising at h'wag niyong sasaktan 'yan dahil mapapakinabangan natin siya!"

"Pag nagising siya pakainin niyo agad!"

"Okay po Great Master, masusunod!"

Iyan ang mga naririnig ko kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at naging malinaw ang mga nakikita ko ngayon kaysa kanina.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero hindi naman nakaka takot ang lugar na 'to dahil ito ay maganda para akong nasa kwarto. Igagalaw kona sana ang mga kamay ko pero hindi ko ito magalaw dahil ito ay nakatali.

Dahil sa pag galaw ko lahat sila at tumangin sa'kin kaya naman agad akong nag salita.

"S-sino kayo? Nasaan ako? Anong kailangan niyo sa'kin?" mga tanong ko pero wala silang sinabi kung hindi ay tinignan lang nila ako, hanggang sa may nag lagay ng pagkain sa tabi ko kaya naman tinignan ko ito.

"Kumain kana lang at h'wag ng maraming tanong!" sabi nito pero sinamaan ko lang ito ng tingin at nag salita.

"Paano ang kakain, eh naka tali ako!" sabi ko naman kaya naman nagsi tawanan yung mga kasama niya pwera sa 'kanya.

Mukhang nainis siya pero pinipigilan lamang niya ito.

"Tumigil kayo, ikaw alisin ang tali sa 'kanya!" sigaw niya at saka nag utos doon sa lalaking tumatawa na nasa tabi lang niya. Agad naman sinunod nung inutusan niya na kalagan ako.

Gusto ko 'man tumakas kaso hindi ko alam kung paano ako makaka takas dito dahil ang daming naka bantay sa'kin.

Wala akong nagawa kung hindi kumain na lang kahit na hindi ko alam kung paano ako makaka takas dito.

Tumingin ako sa bintana at nakita kong maliwanag ito kaya alam kong umaga na kaya naman naisip ko si Mama na nag aalala na ngayon at si Miller na hindi ko pa nahahanap kahapon. Hindi ko alam kung naka uwi na ba si Miller.

Ang dami kong nasa isip pero isa lang ang tumatak sa isip ko ay yung kung ano ang kailangan nila sa'kin. Hindi naman ako mayaman para i-kidnapp pero ano ang kailangan nila sa'kin.

At bakit sabi kanina doon sa usapan nila na mapapakinabangan nila ako?

Ang daming pumapasok sa isip ko pero wala along makuhang sagot.

Nang matapos akong kumain saka pa lang bumukas ang pinto at may pumasok na hindi ko kilalang tao.

Hindi siya matanda pero hindi rin siya bata sakto lang yung parang edad lang nung daddy ni Miller.

"Oh great, your awake!" sabi nito kung hindi ko lang binasa Yung dictionary na binigay ni Miller 'di ko maiintindihan yung sinabi niya. Hindi pa ako gaano kagaling sa English yung madadali pa lang ang mga alam ko at masasabi kong naka tulong yung dictionary na bigay ni Miller sa'kin.

Tumingin ako ng deretso sa 'kanya at nag tanong.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa'kin?" matapang na sabi niya.

"Wow, matapang ka, huh? The real Davis is really brave!" sabi niya kaya naman nag taka ako at nadagdagan nanaman ang mga tanong na nasa isip ko.

'Davis? Parang pamilyar!'

"Anong sinasabi mo?" sabi ko naman kaya naman napahalakhak siya.

"Well magka sama na kayo kanina akala ko alam mona!" sabi naman nito na hindi ko naman na gets.

"Ano bang pinag sasabi mo? Pwede bang pakawalan mona ako? Ano bang kailangan mo sa'kin eh, hindi naman alo mayaman!" sabi ko naman na ikinatawa nanaman niya.

"Iyon ang akala mo!" sabi naman nito at biglang sumeryoso.

"Bantayan niyo 'yan ng maigi!" sabi pa nito at saka umalis ulit.

Naiwan ulit ako kasama ng mga nak bantay sa'kin.

Tinali nanaman nila ako kaya naman hindi kona alam kung ano ang gagawin ko.

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko at mababaliw na ako sa kakaisip na wala namang sagot.

Habang nag iisip bigla ko nanaman naalala yung sinabi nung lalaki na muntik na naka bunggo sa'kin kahapon.

"I'm Anthony Davis! And kung nag tataka kung bakit ka nasa bahay ko ay dahil sa nahimatay ka nung muntik na kita mabangga and I'm sorry for that, hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya wala akong choice kung hindi dalhin ka dito."

'A-anthony? D-davis? S-siya ang Papa ko?'

Napa iyak na lang ako dahil sa naisip ko. Napa tingin sa'kin ang mga nag babantay sa'kin pero wala akong pakialam sa kanila at umiyak na lang.

Naalala kona kung saan ko nabasa ang pangalan na 'yon.

Nung 8 years old ako non tinutulungan ko si Mama mag linis ng bahay at may nakita akong kahon na kakaiba kaya tinignan ko ito.

FLASHBACK

Tinulungan ko si Mama na mag linis ng bahay. Pumunta ako sa kwarto namin ni Mama at nag buhat buhat ng kahoy para ilabas ito at makapag linis ng maayos.

Habang binubuhat ko ang mga kahon may napansin akong kakaibang kahon ibang-iba sa mga kahon na binuhat ko kanina.

Ang kahon na 'to ay parang treasure box na katulad ng pina panood ko sa TV na parang may naka lagay na pera o kayamanan.

Ang buksan ko ito ay parang nalungkot ako dahil akala ko ay nak hanap na ako ng kayamanan para yumaman kami pero panay papel lang ang mga nakikita ko.

Kinuha ko ang mga papel na 'yon at para ito love letter pero hindi ko ito binasa at tinabi na lang ito sa yabi ko at yung iba naman ang tinignan ko.

Kinuha ko naman ang isa pang kahon kasi hindi na 'to katulad ng nakita ko dahil itong kahon na ito ay maliit at kulay pula ito. Pag bukas ko dito ay may nakita akong singsing. Napaka gandang singsing ang hawak ko sinuot ko ito sa kamay ko pero hindi kasya dahil maliit lang ang kamay ko kaya binalik kona lang ito sa kahon at nilagay ulit sa loob ng kahon.

Nag halungkat ulit ako at may nakita akong picture ko nung baby ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan ko.

Tinignan ko lang ng matagal iyon at ngumiti. Ibabalik kona sana yung picture na 'yon kaso may napansin akong sulat sa likod kaya naman binasa ko ito.

Kahit na 8 pa lang ako marunong na ako mag basa hindi lang nakaka intindi ng English dahil walang nag tuturo sa'kin.

Nang tignan kona ang naka sulat ay nag taka lang ako.

' To: Anthony Davis

Dear Anthony ito na ang anak natin sana mag kita na kayo.

From: Aubrey Sullivan  '

Nang mabasa kona ito ay alam kona ito ang Papa ko pero ang dami pa ring tanong hanggang sa dumating si Mama at nakita niyang hawak ko ito.

Hindi niya ako pinagalitan pero pinag sabihan niya lang ako.

END OF FLASHBACK

Habang umiiyak isa lang ang nasa isip ko...

'Siya ang Papa ko...'

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now