CHAPTER 11

267 6 0
                                    

Nang matapos kaming kumain, tinapos ko muna lahat ng gawain ko ng tahimik at nang matapos na ako ay inaya ko na si Miller na magtinda para makatapos na ng maaga.

Nang nasa labas na ako ay tahimik lang ako at hindi siya pinapansin.

Siya lang ang sumisigaw at nag aalok ng tinda namin at samantalang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kan'ya.

"Oh, ito bayad, oh." abot niya sa'kin ng bayad ng bumili kanina, kaya naman kinuha ko na ito at nilagay sa lalagyanan ng hindi nagsasalita.

"Bakit ang tahimik mo ngayon? Anong meron?" tanong niya naman pero umiling lang ako.

"Turon! Bili na kayo!" sigaw niya pa pero ako ay tahimik lang.

Nag tataka na rin ako sa sarili ko at parang wala ako sa mood.

Habang naglalakad bigla na lang sumakit ang puson ko kaya naman napahawak ako rito.

Hindi na ako makahinga dahil sa sakit kaya nung napansin ako ni Miller agad akong umayos ng tayo at nag kunyari na ayos lang kahit ang sakit-sakit na talaga.

Ilang oras ang lumipas at masakit pa rin yung puson ko pero pag tumitingin sa'kin si Miller agad din naman akong aayos ng tayo para 'di niya malaman na may nararamdaman akong sakit ngayon.

Paubos na ang tinda namin kaya naman umupo muna ako sa gilid ng kalsada para mag pahinga, habang si Miller ay nagtitinda pa rin.

Nang lumapit siya sa'kin ubos na ang tinda kaya naman umupo siya sa tabi ko.

Nang makaupo siya sa tabi ko may inabot siya sa'kin na chocolate na mamahalin at mukang galing pang ibang bansa.

"Para saan 'yan?" tanong ko naman.

"Kainin mo, para hindi sumakit masyado 'yang puson mo." sabi naman niya pero sa harap nakatingin.

"Saan 'to galing? Mukhang mamahalin, eh." sabi ko naman habang binubuksan ito.

"Meron kami niyan, marami kaming ganyan minsan lang ako kumain niyan pag-trip ko pero kainin mo na 'yan dahil mas gagaan 'yang pakiramdam mo." sabi naman niya kaya naman tumango na lang ako.

Nang mabuksan ko na hinati ko muna saka binigay sa kan'ya 'yung kalahati pero umiling lang siya.

"Sige na kuhanin mo na." pamimilit ko pero umiiling lang siya.

"Sa'yo na, Meron pa ako niyan sa bahay, kaya kainin mo na." sabi naman niya kaya naman tumango na lang ako at saka ako na lang kumain.

"Bakit ba hindi mo sa'kin sinabi?" sabi niya kaya naman napatingin ako sa kan'ya habang nagtataka.

"Pinagsasabi mo?" tanong ko habang kumakagat ng chocolate.

"Bakit hindi mo sinabi na masakit ang puson mo?" paglilinaw niya sa sinasabi niya kanina.

"Eh, kasi... wala lang." sabi ko habang nakaiwas ang tingin.

"Ano nga?" tanong niya saka do'n pa lang siya tumingin sa'kin pero ako naman ang nakaiwas sa kan'ya.

"Kasi nahihiya ako, saka ayaw ko ng magalala ka." sabi ko sa maliit na boses.

"Bakit ka naman mahihiya? Eh, 'di ba kaibigan mo ako?" sabi naman niya kaya naman tumango ako.

"Eh, 'yon naman pala, eh bakit nahihiya ka pa?" inis na tanong niya.

Tumingin naman ako sa kan'ya na may nangingilid na mata kaya naman nagbago 'yung ekpresyon ng mukha niya.

"Sorry." mahinang sabi ko saka tumulo yung luha ko kaya naman agad siyang nataranta.

"B-bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong niya kaya naman pinahid ko na 'yung mata ko para hindi na magmukhang umiiyak.

Tumigil na akong umiyak at umiwas na lang ng tingin sa kan'ya.

"Nahihiya kasi akong mag sabi sa'yo dahil hindi ko rin alam kung bakit sumasakit 'yung puson ko, eh bigla na lang kasing sumakit, eh." paliwanag ko kaya naman napatingin siya sa'kin.

"Sana sa susunod h'wag ka na mahiya sa'kin, feeling ko tuloy hindi mo ko tinuturing na kaibigan." malungkot na sabi niya.

"Oo sasabihin ko na, promise." sabi ko naman.

"Salamat nga pala dito sa chocolate na bigay mo, ang sarap ngayon lang ako nakakain ng gan'to kamahal at kasarap, ang mga kinakain ko lang na chocolate ay 'yung mga piso lang ang halaga." sabi ko naman.

"You're welcome. I've browsed the internet just to have an idea about that." sabi naman niya na hindi ko naman naintindihan dahil English.

"Ano? sabing walang mag-english, eh you're welcome lang ata ang naintindihan ko, ang hirap maging bobo." sabi ko naman kaya naman natawa siya sinabi ko.

"Wala, tara na at para makapagpahinga ka na." pagaaya niya at saka inakbayan ako kaya naman naakay ako nung naglakad na siya.

Sumabay na lang ako sa pag lalakad niya pero hindi niya pa rin inaalis 'yung kamay niya sa balikat ko.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at sumabay na lang sa lakad niya.

Nang makarating kami sa bahay agad akong umupo sa upuan namin sa sala at humilata na parang pagod na pagod pero ang totoo ay wala naman akong masyadong ginawa kung hindi ang sumunod lang kay Miller ang ginawa ko.

"Oh, bakit parang pagod na pagod ka?" tanong ni Mama na galing sa likod na mukhang naglalaba nanaman.

"Ewan ko Ma, ngayon lang ako napagod, samantalang wala naman ako masyadong ginawa kaysa noon, eh ako nga lahat ang nag bubuhat noon, eh."

"Magpahinga ka muna saka maglinis ka na ng katawan mo para naman gumaan ang pakiramdam mo." sabi naman ni Mama kaya naman tumango naman ako pero pumikit muna ako para kasi akong inaantok, eh.

"Tita, Aalis na po muna ako, baka hinahanap na ako ni Mommy, may usapan po kasi kaming sabay na kumain, eh." rinig ko pang sabi ni Miller kay Mama.

"Sige hijo, salamat ulit." sagot naman ni Mama na galing sa likod ang boses niya.

"Aria, alis na ako, Mag pahinga ka, huh?" sabi naman ni Miller kaya naman dumilat muna ako saka tumingin sa kan'ya at ngumiti.

"Sige ingat ka, salamat sa chocolate at sa pagtulong sa'min sa pag titinda." sabi ko naman kaya ngumiti naman siya at umalis na.

Nang makaalis na siya agad akong bumangon sa pagkaka upo ko at pumunta na sa banyo at naligo na para makapagpahinga na ako agad.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now