CHAPTER 20

263 6 0
                                    

Kung may iba na siyang pamilya bakit pa siya bumalik? Ano ang gusto niyang mangyari? Sana hindi na lang siya bumalik.

Habang nag iisip ay bigla na lang may pumasok na maraming tao. Masasabi kong mayayaman sila dahil sa mga pormal nilang suot.

"Oh, buti naman at gising pa kayo! Hello Aubrey is nice to see you again!" nakangiti nitong sabi.

"Is not nice to see you Mr. Cooper!" sabi naman ni Mama sa medyo may katandaan na.

"Hindi kapa rin nag babago Aubrey matapang kapa rin sayang lang at mas pinili mo pang maging mahirap imbes na nag papa sarap kana lang ngayon!" sabi nito kay Mama at saka tumawa ng malakas. Nadagdagan nanaman ng maraming tanong ang isipan ko dahil sa mga sinasabi nila.

'Kilala ko ba talaga ang Mama ko?'

"Tumahimik ka, mas pinili ko ito dahil nagiging masama na kayo, hindi kona kayo kilala pati magulang ko pinatay niyo, kahit ng mga umampon sa'kin pinatay niyo, sige nga? Paano niyo nasasabi na mas piliin ko yung p*tang*nang pera na 'yan, eh wala naman nagagawa 'yan kung hindi pasamain lahat ng tao!!" galit at malakas na sigaw ni Mama dito kaya pati ako ay natakot na rin.

Nagulat ako sa sinabi niya na pati magulang niya ay pinatay ng mga 'yon.

"Wala kaming ginawang masama, sinunod lang namin ang pinag uutos ng boss kung sinunod mo lang inutos nila sa'yo e 'di sana buhay pa sila ngayon. Sisihin mo rin ang sarili mo Aubrey hindi yung puro kami lang!" sabi ng lalaking may edad na.

"Hindi ko magagawang patayin ang taong mahal ko kaya ako lumayo!" sabi naman ni Mama.

"Pero dahil sa pag protekta mo sa pinaka mamahal mong lalaki ang 'yong magulang ang kapalit." sabi pa nito at saka tumalikod.

"Dalhin niyo sila sa bodega at h'wag silang kakalagan!" utos naman ng isang babae na kasama rin nung matanda.

Nung maka alis na sila ay bigla n lang umiyak si Mama. Pero huminto rin naman siya nung pina tayo siya nung mga nak bantay samin para ilipat doon sa sinabi nung babae kanina.

Inakay nila kami at hawak hawak kami sa likod. Habang nag lalakad ay tumabi si Mama sa'kin.

"I'm sorry, dapat hindi mo nakita at narinig 'yon!" bulong pa ni Mama pero tumingin lang ako sa 'kanya at saka ngumiti.

Bumaba ulit kami sa hagdan pero iba na itong pinag babaan namin dahil wala kang makikitang gamit pero may ilaw naman kaya nakikita mo pa rin ang nasa paligid mo.

Bigla na lang kami tinulak ng mga ito sa sahig kaya naman napa dapa ako at si Mama naman ay napa upo lang.

Tumingin si Mama ng masama doon sa may tumulak sa'kin at napa atras naman sa takot ito pero agad din umayos nang tayo at saka tumalikod na samin.

"Anak ayos ka lang?" tanong ni mamay kaya tumango na lang ako at saka gumalawa para maka upo nang maayos.

Ilang oras kaming nandito at wala pa ring nangyayari. Natulog muna ako dahil sa antok at pagod na rin.

"Ma! Ano nanaman 'to? sinabi ko nang tigilan mona si Aria 'di ba? Bakit kailangan pang umabot dito?"

"Hindi lang naman 'to dahil don, sinusunod ko lang ang pinag uutos ng boss,"

Narinig kona lang ito kaya naman agad akong napa mulat ng mata at nakita ko naman si Miller kausap ang Mom niya.

"Ma'am please let Aria and tita go. Please just for me!" pakiusap ji Miller pero pumikit lang ng mariin ang Mom niya at saka humawak sa dalawang balikat nito.

"No son, I can't tayo ang malalagot pag ginawa natin 'to tumahimik kana lang sa tabi at h'wag na h'wag makikialam dahil tayo ang malalagat sa head Master okay?" sabi naman nito kay Miller.

Nang gumalaw ako sa'kin napunta ang atensyon nila. Bigla naman lumapit si Miller sa'kin pero hindi ko siya tinignan 'man lang. Tumingin ako sa gilid at doon na lang tumingin.

"Aria..." sabi nito na parang nagsusumamo.

"Aria please, kausapin mo ko!" sabi nito pero walang salitanv lumabas sa bibig mo at naka tingin pa rin sa gilid.

"I'm sorry..." sabi nito at saka tumayo sa pagkaka upo nito para lang maka pantay sa'kin. Nang maka tayo siya ay tumingin muna siya sa'kin baho tumalikod at umalis kasama ang Mama niya.

Wala ka rin pinagka-iba sa Mama mo parehas kayo. Wala ka 'man lang magagawa, sana hindi na lang ako nag tiwala sa'yo.

Nang maka alis siya at saka pa lang nagising si Mama.

Habang naka tunganga lang kami bigla nanaman may pumasok na mga naka pormal at ngayon naman ay may kasama itong lalaking ka edad ko lang pero mukha itong hindi maganda ang gagawin.

"Nandito kami dahil pinag usapan namin ang tungkol sa inyo." sabi nung isang lalaki na ka edad lang nung Daddy ni Miller.

"Ano nanaman 'yon?" galit na tanong ni Mama.

"Napag pasyahan namin na bigyan niyo na lang kami ng 10 Million at ipakasal ang iyong babaeng anak akin lalaking anak!" sabi nito kaya naman napa tigil ako dahil sa sinabi niya.

"Baliw kana ba?" sabi ko naman kaya naman napunta nanaman sa'kin ang atensyon ng lahat.

"What did you say?" sabi naman nito na parang hindi narinig ang sinabi ko kanina.

"Sabi ko kung baliw kana?" ulit kopa dito.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"The real davis at Sullivan mga matatapang ganyan nga!" sabi naman nito.

"Baliw kana nga!" bulong kopa at mukhang narinig nito.

"Tumahimik ka!" sigaw nito sa'kin pero inirapan ko lang ito.

"Ano Aubrey? Ano ang desisyon mo?" tanong nito kaya Mama pero tinignan lang ito nang masama ni Mama nung una ay napa atras pa ito pero agad din naman siya umayos ng tayo at tsaka inayos ang kanyang pormal na damit.

"Wala ka bang sasabihin?" sabi pa nito.

"10 Million at papakasal mo ang anak mo sa anak ko kapalit ng kalayaan niyo dito!" sabi nito.

"Bobo kaba?" sabi naman ni Mama.

"WHAT DID YOU SAY?" galit na sigaw nito kay Mama na kulang na lang ay birahin nito.

Pero bago pa niya magawa ito isang malakas na pag sabog ang narinig namin.

Season 1: The Truth To Be Told [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now