Challenge # 7

113K 4K 448
                                    

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Iniisip ko ang schedule ko. Nakaupo lang ako sa gitna ng kama habang nakatingin sa kulay asul kong notebook kung saan nakasulat ang lahat ng naging schedule ko sa naklipas na taon. Right now I'm not sure about anything. Dapat ay gumagawa ako ng schedule ko dahil nasira na naman ang una pero iniisip ko naman si Azul. I wonder how awful he feels right now. Kung ako na dapat ay walang pakialam sa kanya ay nakakaramdam ng ganito sigurado ako na mas malakas ang the feels niya kaysa sa akin. I wonder how he will deal with this kind of situation. Alam ko naman na hindi niya gusto na makasira ng isang pamilya. Tinago nga niya ang sikreto. Hindi nga lang siya nagtagumpay para panatilihin ito.

Humiga ako sa aking kama at sinubukan ko ang matulog kahit na lagpas na ako sa schedule ko. Sa sobra ko sigurong pagiisip sa kanya ay napaniginipan ko pa si Azul. Sa panaginip ko ay nakanigiti siya sa akin. Sa panaginip ko ay masaya siya. Hindi ko alam kung para sa akin nga ba ang ngiting iyon pero natutuwa ako. Para sa akin ay isang magandang panaginip ng nangyaring iyon.

Wala man sa schedule ay maaga pa rin akong nagising nang araw na iyon. Bumaba ako sa kusina para maghanda ng pagkain. Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko na wala na akong trabaho. Hindi naman magagalit si mama pero tiyak na malulungkot iyon kapag nalaman niya ang nangyari sa akin. I sighed. Nanghihinayang ako sa pagkawala ng trabaho kong ilang taon ko ring pinaghirapan. Pero kapag naman naiisip ko ang klase ng ugali ng taong pinagtatrabahuhan ko ay hindi ko rin naman masikmura kaya mabuti na rin siguro ang umalis ako.

Nadatnan ako ni Mama na nagluluto ng almusal. Tiningnan niya ang kaman ng kawali at saka tiningnan ako.

"Anak, ilang batalyon ang pakakainin mo?" Takang-takang wika niya. Natawa lang ako at ipinagpatuloy ang pagsasangag ng kanin. Binaliktad ko na rin ang itlog na pinirito ko kasabay ng kanin. Naisip kong magdala ng pagkain sa ospital para sa mga kaibigan ni Azul at pati na rin sa kanya. I imagined them to be really healthy eaters. Ang lalaki kasi ng mga katawan ng mga kaibigan niya.

Napahinga ako nang malalim. Bigla ay naalala ko ang katotohan wala na akong trabaho at wala na akong schedule na sinusuod. Kagabi ay naisip ko na parang ayoko munang gumawa ng schedule, parang masisira at masisira rin naman ang schedule ko na iyon. Hindi nga ako makapaniwala sa sarili ko - just thinking na hindi ako gumagawa ng schedule at hindi ko sinusunod ang nakasanayan kong routine ay bagong bago sa akin.

It's like me, taking a high risk.

Nang makaluto ako ay tinulungan ako ni Mama na ayusin ang pagkaing dadalhin ko. Nginingitian ko siya. Hindi ako sigurado kung dapat ko na bang sabihin na wala na akong trabaho. Na hindi na ako papasok sa Vejar Hotels dahil tinarayan ko ang asawa ng boss ko na anak ni Satanas at sinesante niya ako tapos ay sinabayan ko ng pag-ayaw sa trabahong ilang taon kong pinagsikapan. I just sighed.

"Ma, wala na po akong trabaho. Nag-resign na ako sa hotel. Gusto ko munang tumambay sa ngayon. Hindi ko kasi naranasan iyon noong pagka-graduate ko. Gusto ko sana munang magpahinga." Mahina at nakikiusap na wika ko. Naramdaman ko na lang na hinaplos ni Mama ang braso ako at tinapik ang balikat ko.

"Ayos lang naman, Leira. Matagal ko nang hinihintay na sabihin mo na gusto mo nang magpahinga. Kapag wala kang ginagawa, magpunta ka sa Spa. Doon ka, mag-relax ka. Hindi naman problema ang hindi mo pagtatrabaho. Napangiti na ako. "And please get rid of your fucking schedule, anak. Hindi iyon nakakabuti sa'yo!"

I just made a face. Hindi na ako kumibo kay Mama. Matapos naming iayos ang pagkaing dadalhin ko sa ospital ay umakyat na ako upang maligo at magbihis. Dinala ko ang van ni Papa para hindi na ako mahirapang mag-commute. Hindi naman traffic nang araw na iyon - Linggo kasi at wala gaanong tao sa daan kaya mabilis din akong nakarating sa ospital. Inakyat ko kaagad ang silid ni Azul at nang makarating ako doon ay kitang-kita ko na nagpapambuno si Azul at ang kaibigan niyang si King David.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant