Challenge # 26

106K 4.5K 1.4K
                                    

"What's this?"

Ido asked me as I give him a silver pendant. We were standing inside my room in his mansion. The others were getting their things. Lahat ay aalis na at magpapatuloy ang buhay. Nauna nag umalis si Axel John. He went to Egypt - may mission siya doon. Si Ido naman ay tinanggihan ang misyong ibinibigay sa kanya ng Federal Scouts. Pass muna daw siya sa pagiging bayolente at dadalawin niya si Liway at ang mga magulang nila sa Caribbean. I don't know about King David. I guess now that our friendship is over, I shouldn't care a lot about him or Arruba.

"That's the emblem the boss gave me before we decided to go on ourselves. It means protection. I vow to protect all of you from everything else but now..."

"Anong sinasabi mo, Azul?"

"Hindi ko na magagawa ang protektahan kayo, Ido. Aalis ako at hindi ko alam kung gaano katagal bago ako makabalik. Wala nang saysay ang lahat dahil wala naman na si Leira, wala nang ibig sabihin ang mundo ko. Hindi ko alam na ganito magiging kasakit magmahal ng totoo. Nasaktan ako noong iwan ko si Arruba pero mas nasaktan ako ngayong totoong pag-ibig na ang nararamdaman ko. Everything now seems fake. Wala nang ibig sabihin..."

Ido just looked at me. I know he understands me. Alam ko na minsan ay pinagdaanan na rin niya ang masaktan ng sobra at ang maiwan. Hindi siya kumibo. Pinanood niya lang ako habang inaayos ko ang gamit niya. He is the leader now. He's going to take care of everyone now. Mahal ni Ido ang grupo tulad nang pagmamahal ko para sa kanila. Hindi niya pababayaan ang lahat at panatag na ako doon.

Nang maayos na ang gamit ko ay umalis na ako sa bahay na iyon. Minabuti kong hindi na magpaalam sa kahit na kanino para wala na ring maghanap sa akin. Huminga na lang ako nang malalim at bumaba ng hagdanan. Habang pababa ay napansin ko agad si Arruba na tila ba naghihintay sa akin. Nilagpasan ko siya.

"Azul..."

Huminto ako.

"Hanggang dito na lang ba?"

I looked back at her.

"Oo."

Her tears fall.

"Mahal kita..."

"Si Leira ang mahal ko. Hindi na magbabago iyon. You made her hate me and I loathe you for that. You could've just be happy for me. If you really love me, sana pinakawalan mo na lang ako. Ngayon, pare-pareho tayong hindi masaya. May napala ka ba?"

Hindi siya kumibo. Muli akong tumalikod para umalis. Sumakay ako sa aking kotse. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Maghapon lamang akong paikot-ikot sa siyudad. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko - without Leira, I don't have a place in this world anymore. I want her with me. I could do things - pwede ko siyang kunin at itago sa kung saan pero hindi ko gagawin, hindi ko ipipilit ang gusto ko, lalo lamang siyang magagalit sa akin. Mas lalo niya lang akong kamumuhian. Hindi ko na kayang makita ang tinging iyon sa kanyang mga mata - all I wanted was for her to love me again.

I found myself parking my car in front of her home. Kinakabahan na naman ako. Naroon na naman ang hapdi sa puso ko, naroon na naman sa alaala ko ang pagtanggi ni Leira sa akin nang araw na iyon. Nilakasan ko na lamang ang loob ko at bumaba ako ng kotse para puntahan si Leira. Kailangan ko siyang makita, pakiramdam ko ay ikamamatay ko na kapag hindi ko pa siya nakita sa araw na ito. I just want to know if she still loves me.

Mabagal ang paghakbang ko habang papalapit sa kanilang gate. Unti-unti ay nananinikip ang dibdib ko at may lumulukot sa puso ko. Isang linggo pa lang ang nakakalipas ngunit parang taon na ang lumipas na hindi ko siya kasama.

Kumatok ako sa gate. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon. Ang nakangiting mukha ng nanay ni Leira ang sumalubong sa akin. Tinitigan ko siya, mukhang hindi niya pa alam ang nangyari sa amin at ang katotohan sa likod ng pagkamatay ng kanyang bayaw.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now