Challenge # 28

103K 4.1K 1K
                                    

Nagising ako sa pananakit ng katawan. Masakit na masakit ang mga kasu-kasuan ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay naroon pa rin ako sa pamilyar na silid na iyon. Napaluha ako agad. Hindi pa rin ako nakakabalik sa pamilya ko. Gusto ko nang umalis pero hindi ko pa kaya. Wala akong lakas. Nanghihina pa rin ako hanggang ngayon.

"Okay na ba siya? Magaling na ba siya?"

Narinig ko na naman ang boses ni Arruba. Naghari ang galit sa puso ko. Ang kapal ng mukha niyang tanungin kung magaling na ako gayong siya naman ang dahilan kung bakit ako nandito. Baliw na si Arruba. Sadly she lost her sanity while in love with Azul. Hindi ko naman kasalanan na ako ang minahal, bakit naman ako ang nagdurusa sa ganito?

"Just stay calm, my love. Stay in the car. Susunod ako sa'yo."

Iyong boses na iyon ay kay King David. Silang dalawa ni Arruba ang kasama ko dito at hindi ko alam kung anong gagawin nila sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko na bang hintayin ang kamatayan ko. Pakiramdam ko anumang oras mula ngayon ay papatayin nila ako.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa pababa ang sumunod naman ay ang pagbukas ng pintuan ko. Nakita kong pumasok si King David sa silid ko. He was looking at me. May awa sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay hindi ko kailangan iyon - kailangan ko ay ang iuwi nila ako.

Naupo siya sa silya sa harap ng kama ko. He was just staring and I hate the fact that he was staring at me like that. Punong-puno ng awa ang mga mata niya pero hindi ko gusto iyon. Ma gusto ko na ibalik nila ako sa siyudad. Hindi ko naman sila idedemanda basta ibalik lang nila ako dahil alam kong nag-aalala na ang pamilya ko - lalo na si Papa kahit na may away kami bago mangyari sa akin ito. Gusto kong makasama ang pamilya ko, gusto kong makita si Azul.

"Leira..." Tinawag niya ako. Tiningnan ko siya. Umiiyak ako. Humihikbi pero hindi ko iyon inaalintana.

"King David, parang awa mo na..." Napahagulgol ako. Ngumiwi siya. He looked away. Matagal siyang tumingala na para bang nag-iisip ngunit nang bumaling siya sa akin ay ikinabigla ko ang nakita ko.

Umiiyak siya.

"L-leira, patawarin mo ako..." He said. Bakit siya nanghihingi ng tawad? Papatayin na ba niya ako? Itinakip niya sa kanyang mukha ang kanyang mga kamay at saka humikbi. Napatanga ako. "I'm so sorry."

"P-patayin mo n-na ba ako?" Nahintakutan ako. Umiling si King David.

"Hindi... ibabalik kita. Pero patawarin mo ako at si Arruba - lalo na si Arruba. Kasalanan kong lahat ito. I just..."

"Your love for her destroyed you." Walang abog na wika ko. He shook his head. Alam niya pala ang resulta ng pag-ibig niya para sa babaeng iyon bakit hindi niya pa gawan ng paraan? Arruba is becoming a monster as the minutes passed by. Nakakatakot na siya - she could kill for love.

"I love Azul, I love Arruba - I want them together. Pinipilit ko ang gusto ko dahil gusto ko siyang maging masaya, Kaya kong isugal ang lahat para sa kanya but then I never expected her to do this. I love and I cherish her, but this is wrong... I'm sorry, Leira." Napalakas ang paghagulgol niya. Lumuhod pa siya sa harapan ko. "Nagmahal ako pero hindi ko kayang panindigan. I'm sorry, Leira. Hindi ko sinasadya ang lahat. I just want to make Arruba happy..."

"Her happiness destroyed the good man that you once were." I commented. Natigilan siya. Hinawakan ko ang kamay niya tapos ay niyakap niya ako. Napaigik ako dahil sa sugat ko pero niyakap ko rin siya pabalik. Iyak lang nang iyak si King David. He kept on saying that he wanted to make things right - that he will make things right. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon, matapos iyon ay inalalayan niya akong tumayo. Dahan-dahan akong naglakad pero nagulat ako nang buhatin ako ni King David at saka kami bumaba. Lumabas kami ng bahay. Noon ko nakita si Arruba. Lumabas siya sa sasakyan. Si King David naman ay dinala ako sa isa pang sasakyan at doon niya ako sinakay.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now