Challenge # 14

125K 4.2K 786
                                    

"Hinawakan mo ang pepe ko!"

Tinulak ko si Azul. Hindi ko alam kung anong pakay niya sa akin at pinasok na naman niya ako sa aking silid. Hindi niya ba talaga ako pwedeng hayaan? Ngayon nandito siya at kaliligo ko lng tapos hinawakan niya ang pepe ko! Even though its a bad thing, good thing I shaved pero hindi niya pa rin dapat hawakan ang pepe ko!

Pinaghahampas ko siya ng unan. Wala na akong pakialam kung makita niya ang buong katawan ko, gusto ko na lang siyang masaktan dahil nakita niya ang hindi dapat. Naluluha ako sa galit. Sinuntok ko siya sa dibdib. I felt my hands aching but I didn't stop. I hate him. Bakit ba hindi na lang niya ako hayaan?

Nang mapagod ako ay kinuha ko ang robe ko at isinuot iyon. Hinarap ko siya. Hindi nawala ang ngisi sa kanyang mukha. Hindi ko na rin naman tinago sa kanya ang pag-iyak ko. I wanna curl up in my bed and cry. Hindi niya dapat nakita ang mga ito. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya?

"Putang ina ka!" Napapahikbi ako. "Wala kang karapatan na pumunta dito! Ni hindi mo ako pag-aari! How dare you come to me! Ayaw kita sa buhay ko! Magsama-sama na lang kayo ng ga kaibigan mo!"

"I know what they did." Biglang wika niya. Niyakap ko naman ang sarili ko. Ano ngayon kung alam na niya? Wala naman mababago doon. Nasaktan pa din ako. Hind na maibabalik ang tingin ko sa kanya. Siguro nga pinoprotektahan lang siya ng mga kaibigan niya.

Ang unfair lang. Oo nga at nagkakagusto ako kay Azul pero ang sakit pala kapag nabasag na ang trip mo. I hated his friends for that.

"And I'm really sorry, Leira. If I only knew." He sighed. "And I didn't mean to touch you. Hindi ko lang talaga alam kung saan ko ilalagay ang kamay ko." He sighed. Hindi ko siya matingnan. I'm feeling so much anger for him. Naiinis ko. Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang masaktan.

Wala na akong maipagmamalaki sa kanya. Nakita na niya lahat. Ano pang ililihim ko? Wala na sa akin kung ginanon ako ng mga kaibigan niya, mas mahalaga sa akin na nabastos ako ng wala sa oras. Hindi naman siya dapat basta basta pumapasok. He shouldn't even be here! I hate him.

"I'm so sorry, Leira. My boys are kind of---"

"Epal, pakialamero, sira ulo, tarantado?"

"Leira, hindi---"

"Umalis ka na, Azul." Mariing wika ko. Nakita kong tumaas ang kilay niya at nagtiim ang kanyang mga bagang. Tinitigan niya ako. Taas noo akong tumingin sa kanya. "Hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahabol mo ako gayong wala ka namang makukuha sa akin. Hindi kita kailangan, kaya pwede bang umalis ka na! Huwag mo na akong guguluhin! Magsama ayo ni Arruba! I don't care! Just fucking leave!"

Hindi siya nakahuma.

"You can't make me leave!" He insisted. Umiling ako. Sa tingn ko ay maraming hindi naiintindihan si Azul sa buhay ng tao. Siguro ay may malalim siyang pinagdadaanan pero hindi niya pwedeng ipilit ang isang bagay na gusto niyang mangyari.

Sa isipan yata ni Azul ay perpekto ang buhay at dahil lang iyon sa kanya. Hindi naman hihinto ang pag-inog ng mundo para lang sa isang tao ---lalo na kung para sa kanya.

"Hindi porke gusto mo iyon ang mangyayari. Umalis ka na. Utang na loob! Umalis ka na!"

"Bakit ba hindi mo mantindihan na gusto kong maging parte ka ng buhay ko?" Giit pa niya. Gusto kong maging bayolente. Gusto niyang maging parte ng buhay ko pero ayoko sa kanya. Ayokong masaktan.

Madalas kong mabasa at marinig sa ibang tao na sa buhay kailangan ng risk pero hindi ako handa sa risk na dala sa akin ng lalaking ito. Tama na iyong nadiskaril ang buhay ko. I have to resist him because he is no good for me. I HATE HIM!

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now