Epilogue: Challenge # 30

183K 5.8K 1.2K
                                    

Two months later...

"Son, you look so handsome. Kamukha kita."

Napangisi ako habang nakatingin sa salamin nang marinig ko ang boses ni Lukas. Hindi ko namalayan na nakatayo na siya sa likod ko. I was still inside my hotel suite - fixing myself and getting ready for my wedding. Today is my wedding day at inip na inip na ako. Gusto ko nang magpunta sa simbahan dahil baka maunahan ako ni Leira doon. Humarap ako sa kanya. He was all smiles. Inayos niya pa ang neck tie ko tapos ay tinapik ang ballikat ko.

"I wonder how your mom would react if she sees us like this." He whispered as he looks at me.

"She'll be very glad, Pa." Wika ko. At iyon naman ang totoo. Alam kong kung nasaan man si Mommy ay masaya na siya ngayon para sa akin. Natupad na rin kasi ang pangarap ko na makasama at kilalanin ang tatay ko. Narito siya ngayon sa harapan ko.

"Pa, Simoun--- ohhh you two look so good!" Si Hera naman ang pumasok sa suite ko. Kasama niya ang kambal niya. Achilles and Apollo looking stud on their Armani suite. Hera told me while planning the wedding that her boys love Armani. Iyon daw kasi ang turo ng asawa niya sa mga anak niya. Achilles and Apollo are my ring bearers. Hindi pwedeng isa, kailangan dalawa sila. Si Artemis naman ang isa sa dalawang flower girls ko ang isa ay ang anak ni Ares na si Telulah.

"Pa, Kuya ang pogi mo!" Sumunod si Ares sa loob na karga ang anak niya. Sinampal niya ang bibig ng tatay niya habang si Ares naman ay natawa. "Mana ka anak sa nanay mo ano? Mapanakit! Ready na ang kotse." Binalingan niya kami. Pumasok din si Hermes na dala naman si Iris sa mga bisig niya. I was just so stunned looking at all of them. I only asked for a father but I got two brothers and a bitchy sister.

"Halika na, Pa, Simoun. Kailangan na nating makarating sa church." Wika pa ni Hera. "Hermes, I'll take Iris, take the boys to Hades and I'll meet you at the parking lot." Nagpalit sila ng anak. I wonder kung magiging ganoon din ako kapag nagkaanak kami ni Leira. Ang plano ko kasi lima. Sana magkaroon din kami ng kambal - tulad ni Hades at Hera.

Habang naglalakad sa hallway ay katabi ko si Papa. Nauna na ang mga kapatid ko sa sasakyan. Lukas will be with me in the limo.

"If Apollo is here, she'll be as excited as me. Baka nga hindi na nakatulog iyon dahil sa kasal mo." Ngumiti ako. I have a feeling he still misses her. Alam ko naman ang pakiramdam ng ganoon. Masaya ako pero nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa pinakamasayang pagkakataon sa buhay ko ay wala naman si Olivia sa tabi ko.

Inakbayan ko si Papa. "Pa, it's good to have you by my side. Let's just celebrate this milestone Papa. I'm sure, Apollo and Olivia are looking down at us with smiles in their faces." Pagpapalakas ko ng loob niya. Lukas just nodded.

Narating namin ang parking lot ng hotel. Nakita ko roon si Nina at Hermes na inaayos si Artie. Malaki na ang tyan ni Nina at medyo hirap na siyang gumalaw but she still wore that white flowey dress Hera picked for her.

"Mauna na kami!" Sigaw ko sa kanila. Nina waved back.

"Bye, Tito Pogi! Mamaya na lang po! Magsasaboy ako ng maraming flowers tapos magbabait ako. Hahawakan ko si Telulah sa hands niya para hindi siya tumakbo! Bye, Lolo Papa! I love you!"

"She's just so cute." I told Papa. Tumawa na lang si Papa at sumakay na kami sa sasakyan. Habang nasa daan ay kabadong-kabado ako. Baka hindi dumating si Leira. Baka magbago ang isipan niya. Baka hindi na niya ako pakasalan. Baka iwan niya ako. Binalingan ko si Lukas.

"Pa, pakiramdam mo din ba noon, hindi ka sisiputin ni Apollo?" Tanong ko. He just laughed.

"I kidnapped her and then the next day, I married her. It's a surprise wedding. Hindi niya alam - so it was practically our engagement and our wedding in only one day. Naniguro lang ako dahil baka maagaw pa siya sa akin. From then on, I felt nothing but bliss."

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now