Chapter 4 What if?

28 11 31
                                    

Kinaumagahan maaga akong nagising,ginising ako ng nakakatakot na panaginip. Isang panaginip na ngayon ko lang natuklasan. Isang panaginip na hindi ko inaasahan.

Chineck ko kung anong oras na. It's already 3am. Ngayon nalang ako ulit gumising ng ganitong oras. Heto na naman at nilalamon ako ng kalungkutan. Bakit? Bakit sa sayang naranasan ko kahapon ay papalitan nito ng kalungkutan.

Ang sabi sa akin ng grandma noon; Mabuti sa kalusugan ang kasiyahan. Mabuti sa puso ang kasiyahan. Pinapaganda nito ang ating mga mata. Pero ang buhay ay hindi lang tungkol dito. At hindi natin kailangang ipilit na maging masaya lalo na sa sitwasyon kung saan ang normal na pagtugon ay hindi kasiyahan.

Hindi ko kailanman naiintindihan ang bawat salita. Pero ngayon naiintindihan ko na. Na lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan.

Hindi ko namamalayang umiiyak na ako,ito yung pinaka mahirap sa lahat. Umiiyak ka sa hindi mo alam ang dahilan. Umiiyak ka sa poot na nakaraan. Kailan ba tayo makakalimot. Kailan ba tayo sasaya ng walang kapalit na kalungkutan. Ayoko na. Ayoko nang bumalik sa madilim,okay na ako sa maliwanag na parte kahit puno ng sakit.

I hate getting flashbacks from the things that I don't want to remember ever again.

I need someone to talk.

Unang pumasok sa aking isipan si Nathaniel. Sabi nila mas magandang magkwento sa hindi mo pa masyadong kakilala. Kilala ko na siya pero hindi pa yung kagaya nila Alyssa.

I check my phone if he's online but to sad hindi siya online.

Boba syempre alas tres palang ng umaga.

It's killing me inside again. My anxiety fuck me up. Ayoko na nito,ayoko na ulit sa madilim na parte ng buhay ko.

Nakatulugan ko ang pag iyak. Nagising ako sa tumutunog na cellphone ko. Inaantok man ay pilit kong kinapa at sinagot ang tawag nang hindi na tinitignan kung sinong istorbo ang tumatawag

"Good morning My Home." Bigla akong napamulat ng mga mata sa narinig ko.

My home.

"Wake up sleepy woman. May class kapa right?" He said. Napapangiti nalang ako dahil kabisadong kabisado na niya ako.

"Good morning My Alarm clock" natatawang sagot ko. Alarm clock kasi siya ang taga gising ko.

"Haha so cute." He said.

Nag usap usap lang kami ng mga random. Asaran sa umaga.

"Wait lang maghuhugas lang ako ng mukha." Paalam ko. Nag okay naman siya at pati daw siya ay magluluto.

Ginawa ko na ang routine ko,naligo narin ako para mas fresh at ready na sa online class. Mahirap talaga ang course ko. Oo mahirap na sa akin ang criminology

Paglabas ko ng banyo bihis na ako. Magkatabi lang kasi ang banyo at closet ko. Akala ko pinatay na niya ang tawag hindi pa pala. Nakikita ko sa screen na nagluluto siya.

Sipag naman ng future husband ko. Charizz

Nag ayos narin ako ng mukha para hindi na hassle mamaya.

"Hey,mamaya na ulit. Magbrebreakfast lang ako sa baba. I'll call you later." Sambit ko

"Sure,kain ka ng madami okay wag papagutom. Ako nalang ang tatawag." Sagot naman niya. Tumango nalang ako para hindi na hahaba ang usapan.

Nang palabas ako ang room ko ay napapaisip ako.

Unti unti na akong nasasanay sa ginagawa niya. Should I avoid him or continue this feelings. I hate this. The fact that I might get hurt soon.

My HomeWhere stories live. Discover now