Chapter 9

10 5 13
                                    

Hindi ko alam kung bakit tila nawawalan ako ng feelings kay Nathaniel. Magkasama kami palagi pero naninibago ako sa nararamdaman ko.

Isang linggo na simula nang nagbalik ang face to face classes. Palagi niya akong sinusundo sa bahay at palagi din niya akong hinahatid. Palagi kaming lumalabas. Manood ng cine,mag shopping, pumunta sa MOA, Sa Nuvalli, sa Manila Ocean Park.

Tila ba napapaisip nalang ako na sa ginawa naming yun ay para naman maenjoy ko ang mga natitirang bahagi ng buhay ko dito sa lupa.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Nat

Nandito kami ngayon sa Jollibee dahil nagsasawa na daw siya sa pagkain sa canteen. Eh hindi nga kami palagi kumakain doon.

"Yung chicken with spaghetti nalang ako." Sagot ko

Kumunot naman ang noo niya

"Kailangan mong kumain ng Rice,Theya" sagot naman nito sa akin

Oo ganyan siya. Noong isang buwan love pa ang tawag niya sa akin pero lumilipas ang araw tinatawag na niya ako sa pangalan ko. Hindi naman big deal yun sa akin.

"Fried chicken with spaghetti and rice nalang then. And please padagdag ng Coke float thanks." Ani ko sa kanya

"Okay wait for me here." Sagot naman niya

Tumango na lamang ako sa kanya at yumuko.

Ayoko makita niya yung mga mata ko na nalulungkot. Sabi niya kasi noon sa akin gustong gusto niya ang mga mata ko.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag scroll.

Nakita ko naman na nagmessage si Alyssa sa akin.

Alyssa Lianette Sue: Where are you?

Chat Niya sa akin. Omg oo nga pala hindi ako nagpaalam

Theyador Angelx Monterosa: Jollibee I'm with Nathaniel

Alyssa Lianette Sue: Cheap. Anyway may naghahanap kay Nathaniel.

Napakunot naman ang noo ko sa sabi ni Alyssa. Sino naman ang naghahanap sa kanya

Theyador Angelx Monterosa: The F.  Who?

Alyssa Lianette Sue: Chill Eya. She's from Tourism to be exact no worries pangit siya. Pero ang lakas ng loob mag tourism

Napatampal ako sa noo. Walang preno ang bibig nitong babaeng to.

Theyador Angelx Monterosa: gonna tell Nat about that.

Alyssa Lianette Sue:  True. Baka babae ni Nat. Kidding.

Theyador Angelx Monterosa: chika later.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil nakita kong papunta na si Nat sa pwesto namin.

Ngiti ngiti ka pa diyan ha.

"Sorry mahaba kasi pila kaya natagalan." Paumanhin niya.

"No, it's okay." Ngiti ko sa kanya

Pinipilit nalang ata namin itong relasyon namin kahit na wala na kaming nararamdaman sa isa't isa.

Oh ako lang itong walang nararamdaman na kahit na ano sa kanya at ako nalang itong pinipilit na tumagal sa kanya?

Minsan talaga kaya mo nasasagot bigla ang manliligaw mo kasi masyado kang masaya, siguro nasasabi mo lang na mahal at gusto natin yung tao kasi masaya tayo kasi sila yung nandyan nung panahong pasuko na tayo.

My HomeWhere stories live. Discover now